NASA ikalawang palapag ng Villa si Jenina at pababa na sana siya nang makita niyang nasa ibaba sina Sir Enzo at Lola Estrella na nag-uusap. "Enzo, kumusta si Rafael? Okay lang ba siya?" sunud-sunod at puno ng pag-aalalang tanong ni Lola Estrella kay Sir Enzo. Bigla naman siyang kinabahan. May nangyari ba kay Señorito Drake? Tatlong araw na siyang nakatira ulit dito sa Villa Estrella. Iniuwi siya rito nina lola Estrella at Sir Enzo. Pero ni minsan ay hindi pa niya nakitang nagpunta rito si Señorito Drake. Na ipinagpapasalamat din naman niya dahil natatakot pa rin siyang makaharap ito. "Don't worry, Grandma, he will be okay, soon.” Napangiwi siya nang hindi na niya maintindihan ang naging sagot ni Sir Enzo kay lola Estrella. Napabuntonghininga na lang siya at napatitig sa mag-lola. H

