NAPALUNDAG si Jenina mula sa kinauupuan niyang swing nang marinig niya ang boses ni Señorito Drake. At sa tono ng boses nito ay sigurado siyang galit ito. "S-Sorry po Señorito, hindi na po mauulit," natatarantang sabi niya habang nakatalikod pa rin dito. "Pasensya na tala—" Natigilan siya nang marinig niyang tumawa ito. Sandali. Kailan pa tumawa ang halimaw na iyon? Malakas ang t***k ng puso niyang dahan-dahan siyang pumihit paharap sa lalaki. "Ugh! Sir Enzo!" napapadyak na sigaw niya, nang ito ang makita niya, at ginaya lang nito ang boses ni Señorito Drake kapag nagagalit. Bumilis ang kanyang paghinga. Hindi siya makapaniwala na nagawa siya nitong biruin ng ganoon. Halos atakihin pa siya sa puso sa sobrang takot, sa pag-aakalang ang ugaling halimaw nitong kapatid ang nandito.

