Chapter 15

2431 Words

NASA kusina si Jenina at kasalukuyang naghuhugas ng mga pinggang pinagkainan nila kanina. Siya na ang nagboluntaryo dahil hindi pa naman siya inaantok. Saglit naman siyang natigilan nang maalala niya ang pakiusap sa kaniya ni lola Estrella. Paano kaya niya aalagaan ang halimaw na iyon? E, hindi nga siya makakalapit doon dahil sa takot. Napailing siya. Hindi na muna niya iyon poproblemahin. Ang dapat na isipin niya ay ang magawa niya ng tama ang trabaho rito sa mansion. Saka makapag-aral ng mabuti. Hanggang umaga lang din ang trabaho niya dahil buong hapon ay mag-aaral siya pagdating ng guro niya. Napangiti siya nang maaalala niyang bukas din ay mag-uumpisa na siyang mag-aral. “Ganda, pakipatay ng mga ilaw, ha? Kapag tapos ka na at matutulog na.” Nilingon niya si ate Amy sa may pinto

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD