HI#33 4 years later "Chef Ina, pinatawag ka po ni Ma'am Athena, pumunta ka raw po sa kanyang opisina." Mula sa kanyang nilulutong moussaka ay nabaling ang tingin niya kay Lea, isa itong intern dito sa La Cruix Hotel and Restaurant. Lea is a Filipina, at isa sa mga maswerte na nabiyayaan ng full scholarship sa isang Elite University dito sa bansang Greece. Tumango naman siya at hinubad ang suot niyang toque at apron. Dito rin siya nag-i-internship dati at maswerte rin siya at nagustuhan ng management ang naging performance niya sa pagluluto kaya na-absorbed siya bilang isa sa mga chef ng La Cruix. La Cruix chains of Hotel and Restaurant is one of the best restaurants here in Greece. Sa pagkakaalam din niya ay nasa Pilipinas ang main branch nito at nag-expand lang ang may-ari nito dit

