HI#32 PANAY ang lingon ni Jenina sa likurang bahagi ng Gymnasium. Malapit ng matapos ang kanilang graduation ceremony pero wala pa rin ang taong gusto niyang makita. Si Drake Rafael. Sinubukan din niya itong tawagan kagabi pero unattended ang phone nito. Nag-iwan din siya ng message sa voicemail pero hindi man lang yata nito na-received dahil wala pa rin itong response. Ang huling communication nila ay noong isang buwan pa at nangako ito na a-attend ng graduation niya sa Senior High. Pero bakit hanggang ngayon ay hindi ito tumawag o di kaya'y nag-text man lang sa kanya at sabihing hindi makarating. Tumingin siya sa mga kapatid niya. Katabi ni Ares si Tita Elise, si Argus naman ay si Papa Carlito. Napag-usapan na kasi nila ito dahil ang akala niya darating si Drake at ito ang makakasama

