Chapter 3

1919 Words
HALOS magkakandapa-dapa na si Jenina sa pagtakbo para lang makalayo sa dalawang taong gustong pagsamantalahan siya. Nang sagutin kasi ni Badong kanina ang cell phone nito at malingat ang tingin ng mga ito sa kanya ay kaagad niyang sinipa ang pinakakaingatan nitong bagay na nasa pagitan ng mga hita nito. Iyong si Sixto naman ay hindi kaagad nakagalaw nang hatawin niya ito ng napulot niyang kahoy at dali-dali siyang lumabas sa abandunadong gusali na iyon. Nanghihina man pero pinilit niya ang sarili na makalayo sa mga ito. Diyos ko, h'wag niyo naman po akong hayaan na mapahamak. Piping dalangin niya habang tumatakbo pa rin. “Kahit ngayon lang, dinggin Niyo naman po ako.” Hindi niya alintana ang pagod, makalayo lang siya sa mga salbaheng iyon. Wala rin siyang sapin sa kanyang mga paa kaya kandangiwi siya lalo na kung may maaapakan siyang matutulis na bagay. Halos hindi na niya makita ang daan dahil sa mga luhang walang tigil na umaagos sa kanyang mga mata, at hindi na rin niya alam kung saang lugar na siya napadpad. Nang hindi na niya kinaya pa ang pagtakbo ay hinihingal na tumigil na muna siya. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Walang tao na puwede niyang mahingan ng tulong at puro matataas na talahib lang ang makikita niya sa buong paligid. Pero kaagad siyang napasinghap nang makarinig siya ng isang taghoy kasabay niyon ang pagtawag ng pangalan niya. Kinakabahang kaagad siyang umuklo at pagapang na nagtago sa isang mayabong na mga d**o. Pigil ang kanyang hiningang napatingin siya sa may unahan kung saan naroon ang dalawang lalaki. Madilim ang mga anyo habang patuloy ang paglilibot ng mga mata sa paligid. Tinakpan niya ang kanyang bibig gamit ang kanyang mga kamay upang siguruhing walang ingay na malilikha. Hindi niya akalain na nasundan pa rin siya ng mga ito. "Lumabas ka na Miss Jenina, patapusin mo naman kami." Narinig niyang sabi ni Badong. Mariin at matalim na nakapirmi na ang mga mata nito sa kung saan talaga siya nagtatago. Nahigit niya ang hininga at lalo pang hinigpitan ang pagtakip sa kanyang bibig para hindi makagawa ng anumang ingay na maaaring magturo sa kinaroroonan niya. Patuloy ang pag-agos ng luha mula sa kanyang mga mata. Labis ang kanyang takot sa posibleng mangyari sakaling siya ay muling mahuli ng mga ito. "Yohoo! Miss Jenina, h'wag mo naman kaming pahirapan pa," ani Sixto na malapit lang sa pinagtataguan niya. Sa sobrang lapit nito, pakiramdam niya naririnig na nito ang malakas na pagtambol ng dibdib niya. Mariin siyang napapikit at mas lalong isiniksik ang maliit niyang katawan sa talahiban. Piping nagdadasal na sana hindi siya makita ng dalawang lalaki. "Huli ka!" Impit siyang napasigaw nang makita at mahawakan siya ni Badong. "Bitawan mo ako!" sigaw niya at nagpupumiglas. Pero marahas at mahigpit nitong hinawakan ang kanyang buhok at pinadapa sa may talahiban. Napahagulgol siya at nagmamakaawa na h'wag siyang sasaktan pero parang bingi lang ang mga ito sa mga pakiusap niya. Pero bago pa man ng mga ito magawa ang gusto ay dalawang magkasunod na putok ng baril ang narinig niya. Kasabay niyon ay natumba sa harap niya ang dalawang lalaking gustong gawan siya ng masama. Duguan at wala ng buhay. Nanigas ang katawan niya at nanlalaki ang mga mata habang nakatitig sa wala ng mga buhay na katawan ng dalawang lalaki. Natauhan lang siya nang maramdaman niyang may nagtakip ng jacket sa halos hubad na niyang katawan, pagkatapos ay niyakap siya nito ng mahigpit kaya agad siyang napasigaw at nagpupumiglas. “Ahh! Bitawan niyo ako!” Agad din naman siyang binitawan ng taong may gawa niyon sa kanya. Nanginginig sa takot na nilingon niya ang taong gumawa niyon. Pero mas lalong nagimbal siya at muling nanigas ang katawan niya nang makitang ang taong matagal na rin niyang pinagtataguan ay siyang nasa harap niya at nagligtas sa kaniya. "You're safe now, Mi Amor," sabi ng matanda at nakakakilabot itong humahalakhak. Muli nitong binalingan ang dalawang mga tauhan nitong nakahandusay sa talahiban. "At ito ang mangyayari sa mga taong gustong umangkin sa mga pag-aari ko." sabi nito at pinagbabaril nito ulit ang dalawang lalaking nagtangkang gahasain siya. Nanginginig ang katawan niya sa sobrang takot at nandidilim ang paningin niya. "Don Fausto..." mahinang sambit niya bago siya nawalan ng malay. Nagising siya sa sobrang lamig at parang may magaspang na mga kamay na humahaplos sa kanyang pisngi kaya bigla siyang napabangon. Nanlalaki ang mga mata at agad na napaatras siya nang makita niyang si Don Fausto ang may-ari ng magaspang na kamay na humahaplos sa pisngi niya. Wala itong pang-itaas na saplot sa katawan na ikinagimbal niya ng husto. Tila bumalik din sa kanyang alaala ang muntik ng panggagahasa nito sa kanya noon. Nanginginig ang katawan niya sa takot at pilit niyang isinisiksik ang sarili sa headboard ng kama, na para bang mapoprotektahan siya n'yon kung sakali mang may hindi magandang gagawin sa kaniya ang matanda. "Please p-po pauwiin niyo na po a-ako..." Umiiyak at nanginginig ang mga labing pakiusap niya sa matanda. Pero ngumisi lang ito kaya mas lalo niyang isiniksik ang sarili sa uluhan ng malaking kama. "Why? Don't you miss me?" nakangising tanong nito. Umiling lang siya. Hindi naman kasi niya maintindihan ito. "Hey, it's okay Mi Amor... you are safe already." Hindi man niya ito maiintindihan pero alam niyang hindi pa rin siya ligtas mula sa matanda. Minsan na siya nitong pinagtangkaang gahasain noon at ngayon ay ginamit na naman nito ang malaking utang ng kanyang Lola Guada rito para makuha siya nito ulit. "You are so beautiful... at walang sinuman ang makakaangkin sa 'yo kundi ako lang." Nakangisi pa rin nitong sabi. Pero ang mga mata ay nanlilisik namang nakatingin sa kanya. Umiling-iling siya ulit at yumuko. Natatakot siya. Tahimik na umiiyak siya at umaasang may magliligtas pa sa kanya. Natigil ito sa akmang paglapit sa kanya nang may sunud-sunod na kamakatok mula sa labas ng pinto nitong silid na kinaroroonan niya. "Hijo...di cabra! Istorbo!" mabalasik na wika ng matanda. Napapitlag siya at kaagad nagtago sa ilalim ng makapal na kumot. Piping nagdarasal na sana aalis na ito para makagawa siya ng paraan para makatakas sa bahay nito. "Damn, Mi Amor! I can't take you in heaven now because of this stupid client of mine. But don't worry I will go home early." Narinig niyang sabi ng matanda pero wala rin naman siyang maintindihan sa mga pinagsasabi nito. Natatakot siya sa maaaring gawin nito sa kanya. Naninigas ang katawan at panay ang paghikbi niya ng tahimik nang maramdaman niyang lumundo ang kama at ang paghalik nito sa kanya na tumama sa kanyang ulo. Kahit nakabalot ng kumot ang buong katawan niya ay kinikilabutan pa rin siya. At nang marinig niya ang pagtunog ng seradura ng pinto, palatandaan na lumabas na ang matanda sa silid ay saka siya dali-daling bumangon at bumaba mula sa kama at kaagad niyang tinungo ang nakasaradong pinto. Pero gano'n na lang ang kanyang panlulumo at napahagulgol sa pag-iyak nang sa pagpihit niya sa seradora ay naka-lock iyon. "Tulong!" sigaw niya sabay bayo ng seradora sa kanyang mga kamay. "M-May tao po ba d’yan? Tulungan niyo po ako!" patuloy niyang sigaw pero wala man lang siyang narinig ni kaluskos mula sa labas. Nanlulumong napaupo na lang siya sa malamig na sahig malapit sa may pinto. Naghihintay na bumukas iyon ulit o di kaya'y may nakarinig sa kanya at maawa sa kanya at tutulungan siyang makatakas dito. Pero mangyayari pa kaya iyon? May maaawa pa kaya sa kanya? May makaririnig pa kaya sa mga pakiusap niya? Sa mga pagmamakaawa niya? Pero sa tingin niya wala. Tanging ang Panginoon at ang sarili na lang ang aasahan niya. Tumahan siya sa pag-iyak at mabilis na nag-isip ng paraan kung paano siya makatakas dito. Tumayo siya at natatarantang nagpalinga-linga siya sa kabuuan ng kwarto. Naghahanap ang mga mata niya na pwede niyang daanan. WaIang mangyayari kung mag-iiyak lang siya. Kailangan niyang kumilos hanggang hindi pa nakabalik ang matanda.. Please Lord, tulungan Niyo po akong makatakas dito. Piping dalangin niya. Kaagad siyang nagtungo sa may bintana at pinihit niya iyon. Napasinghap siya at agad napangiti sa sobrang galak nang bumukas iyon. Nabuhay ang pag-asa niyang makatakas mula sa mga kamay ni Don Fausto. Tumingin siya sa ibaba at mas lumawak ang pagkakangiti niya nang makitang hindi gaanong mataas ang kinaroroonan niya. Pwedeng lang niya iyong talunin. Lihim siyang nagpasalamat sa Panginoon. Kinakabahang agad siyang sumampa sa bintana at maingat na tumalon patungo sa ibaba. Bahagya pa siyang napaigik nang tumama ang sugatang mga paa niya sa lupa pero hindi na niya iyon ininda pa at kumaripas na kaagad siya nang takbo patungo sa mataas na bakod ng malaking bahay ni Don Fausto. Saktong-sakto at bukas iyon pero gano’n na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makitang unti-unti naman iyong sumasara at nasa may kalayuan pa siya. "Aabot ako, aabot ako, please aabot sana ako..." aniya at mas binilisan pa ang kanyang pagtakbo. Halos isang dangkal na lamang at siya ay makakalabas na. Dahan-dahan ding lumiliit ang nakabukas na gate. Kaunti na lang at ito ay tuluyan nang magsasara. "Diyos ko!” mahinang sambit niya. “Pakiusap po... hayaan Niyo naman po akong makatakas dito.” Pigil ang hiningang kaagad siyang lumusot sa maliit na lang na naiwang siwang ng gate nang tuluyan na siyang nakarating. Halos maipit pa siya bago makalabas. Kung hindi niya itinagilid ang katawan, baka nga hindi na siya nakalabas pa. Ngunit agad na nahinto siya at namilog ang mga mata nang makita niya ang isang sasakyang mabilis na paparating at sumalubong sa kanya, at wala na siyang oras para makaiwas pa. Narinig niya ang matinis na tunog ng busina ng sasakyan. Pagkuwan ay napaigik siya kasabay ng pagkakatilapon niya, sa kung saan ay hindi niya alam. Nagpagulung-gulong ang kanyang katawan sa mabatong daan at naramdaman niya ang pagtama ng kanyang katawan sa isang matigas na bagay. Sa palagay niya, tumama ang katawan niya sa malaking bato. Halos hindi niya maigalaw ang katawan at sa nanlalabong paningin ay nakita niyang huminto ang sasakyang nakabangga sa kanya. Bumukas ang pintuan niyon at nakita niya rin na may taong bumaba mula sa sasakyan. "Tu-lung-an n-niyo p-po a-ako." nanginginig ang boses niyang wika sa lalaking papalapit sa kanya. Pero kaagad din siyang natakot nang maisip niyang posibleng si Don Fausto ito. Hindi! Hindi! puweding si Don Fausto. Nagpapanik niyang sabi sa kanyang isip. Panay rin ang pag-iling niya. "Miss pasensya na po kayo, hindi ko sinasadya pero h'wag po kayong mag-alala dadalhin ka po namin sa ospital." Narinig niyang sabi ng lalaki. Gustuhin man niyang magsalita pero hindi na niya kaya pa. "Miss? Miss?" Isang natatarantang boses naman ng matandang babae ang naringgan niyang tumatawag sa kanya. Ang kanyang Lola Guada... Agad niyang naramdaman ang pagdaloy ng mainit na luha mula sa kanyang mga mata sa kanyang naisip. Dumating kaya ang kanyang lola upang siya'y kunin mula kay Don Fausto? Nagbago na kaya ang isip nito at hindi na siya ang gagawing kabayaran sa utang nito sa matanda? "Bi...ti...wan ni—yo a—ako," mahina at putol-putol niyang sabi sa taong humawak sa kanya, at kasabay naman niyon ang pag-angat ng katawan niya sa ere. Gusto niyang magprotesta na h'wag siyang ibalik sa loob ng bahay. Gusto niyang makiusap sa kung sino man ang bumangga sa kanya na itakas siya. Pero hindi na niya kayang ibuka ang bibig. Hindi na rin niya maigalaw ang katawan. Ito na ba ang katapusan niya? Makikita na ba niya ang mga magulang? Makakasama na ba niya ang mga ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD