Chapter 2

1944 Words
"Nanay, totoo po ba na hindi si Tatay Naldo ang totoong ama ko?" Malungkot ang boses na tanong ni Jenina sa kaniyang inang si Jesusa. Nakatayo sila sa isang napakagandang lugar at napapalibutan ng iba't ibang klaseng bulaklak. Pero ngiti lang ang tanging isinagot ng Nanay niya sa kanya habang patuloy ang masuyong paghaplos ng palad nito sa kanang pisngi niya. Naipikit niya ang kanyang mga mata. Dinadama ang haplos ng mainit na kamay ng kanyang Nanay Jesusa. Sobrang miss na miss na niya ito. Ang mga ngiti nito, ang yakap nitong nagbibigay sa kanya ng kapayapaan at seguridad. "Hindi iyan totoo, Anak." Narinig niyang sabi nang kanyang Tatay Naldo kaya napalingon siya rito. Nakita niyang naglalakad ito palapit sa kanila ng Nanay niya. Napangiti siya at kaagad sinalubong ang Tatay Naldo niya. Akmang yayakapin na sana niya ito nang bigla na lang itong naglaho sa kanyang paningin. Napakurap siya. "Tatay..." mahinang sambit niya. Biglang binalot ng takot ang puso niya sa biglaang pagkawala nito. Pero mas lalong natakot siya nang sa paglingon niya kung saan nakatayo kanina ang Nanay Jesusa niya ay wala na rin ito roon. "Nanay! Tatay!" sigaw niya at kaagad hinanap ang mga magulang. Nilibot niya ang buong lugar pero wala na talaga ang mga ito. Bakit sila nawala? Saan sila nagpunta? "Hoy! Gsing!" Napaigik siya at kaagad napabangon nang may humampas na matigas na bagay sa kanya. "Lola..." nahihintakutang sambit niya at agad napabalikwas ng bangon nang makita niya ang kanyang Lola Guada na nakatayo sa gilid ng kanyang maliit at gawa sa kawayan niyang kama. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatunghay sa kanya. Napalunok siya. Kung gano’n panaginip lang pala iyon lahat. Iyong nandito ang Tatay Arnaldo at Nanay Jesusa niya. Wala sa sariling inangat niya ang kanyang kanang kamay at hinawakan ang parte ng kanyang mukha na hinaplos ng Nanay Jesusa niya. "Hoy! Ano? Tutunganga ka na lang ba d'yan?!" bulyaw ng lola niya sabay duro ng tungkod nito sa kanya. Napaigtad naman siya at mabilis na umalis mula sa kanyang kama. "P-Pasensya na po, Lola." nakatungong hingi niya ng paumanhin sa matanda. Nagsimula nang mamawis ang kanyang noo sa takot niya sa kanyang abuela. "Pasensya, pasensya!” sigaw nito sabay wasiwas sa harap niya ang tungkod na hawak-hawak nito. “Sana nakakain iyang pasensya mong 'yan nang hindi ako nagugutom ngayon!" Napangiwi siya at napaigtad na naman nang muli na naman siyang duruin ng tungkod nito. "Magbihis ka na at ihanda mo na lahat ng gamit mo. Parating na ang mga taong susundo sa'yo." Singhal nito na ikinaangat ng tingin niya sa matanda. Kinakabahan siya. "Po? Bakit po, Lola? Sino po'ng susundo sa'kin?" naiiyak niyang tanong sa matanda. Papalayasin na naman ba siya nito? Iritadong nakapameywang naman ito sa harap niya. Bahagya pa siyang napaatras nang iwinasiwas na naman nito sa harap niya ang tungkod nitong hawak. "P*nyeta! H'wag ka na ngang maraming tanong!" asik nito sa kanya at kaagad naglakad palapit sa maliit at sira-sira na niyang kabinet at pinaghahablot nito palabas ang mga lumang damit niya roon. "Lola... Lola sandali lang po," awat niya sa matanda at umiiyak na niyakap niya ito mula sa likuran nito. "Bitawan mo nga ako!" asik na naman nito at iwinaksi ang kamay niyang mahigpit na nakapulupot sa baywang nito pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayapos dito. “Ano po ba ang naging kasalanan ko sa inyo? Nagbibiro lang naman po kayo, hindi ba?” "Hindi ito biro, Jenina, dahil ikaw ang ipinambayad ko sa utang ko kay Don Fausto kaya kukunin ka na niya at doon ka na titira sa hacienda niya." Napasinghap siya. Nanlalaki ang mga matang bumitaw siya sa pagkakayakap dito. Umiling-iling siya. Hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi nito. Paano ito nagawa sa kanya ng Lola Guada niya? Lahat ng gusto nito, ginagawa niya. Lahat ng mga ayaw nito ay iniiwasan niya. Kahit na sinasaktan na siya nito pero hindi pa rin siya nagtanim ng galit dito. Pero bakit gano’n siya kadaling ipinambayad sa utang nito? Bakit gano'n ito ka walang puso sa kanya? "Lola..." Nanghihinang sambit niya. Pero hindi ito natinag. Patuloy pa rin nitong hinahablot palabas ang mga damit niya at basta na lang isinalaksak sa luma at malaking bag na naroon. "Hindi. Ayaw ko po doon, Lola." Lumuhod na siya at pilit inaagaw ang mga damit niya pero malakas lang siya nitong itinulak. Hindi puwede. Ayaw niya roon dahil natatakot siya kay Don Fausto. Minsan na kasi siyang napunta sa pamamahay ng matandang Don na iyon dahil sa Tatay Naldo niya. Kinausap kasi nito ang Tatay Arnaldo niya na dalhin siya sa hacienda nito at doon pag-aaralin. Pumayag naman ang Tatay niya at gano’n din siya kaya lang muntik na siyang gahasain ni Don Fausto, kung hindi lang siya nakatakas. Umuwi siya sa bahay nila at nagsumbong sa Tatay niya. Nagsampa ang Tatay niya ng kaso laban sa matanda pero dahil mayaman ito ay nabasura lang ang kaso kaya inilayo siya ng kanyang ama pero hindi naman nagtagal ay namatay ang Tatay Arnaldo niya. "Lola ayaw ko po doon... Lola—" natahimik siya nang sampalin siya nito. Halos mabali pa ang leeg niya sa sobrang lakas ng pagkakasampal nito sa kanya. Tapos na rin nitong na-impake lahat ng damit niya. "Napakasuwail mo talagang bata ka!" galit na sigaw nito at hinampas pa siya ng tungkod nito. Hahambalusin na naman sana siya ng tungkod nito nang marinig nila ang sunud-sunod na katok mula sa labas ng pinto ng kanilang lumang kubo. "Umayos ka!" banta nito sa kanya bago ibinaba ang tungkod at naglakad palapit sa may pinto para pagbuksan ang bisita nila. "Oh, Aling Guada nasaan na ba ang apo niyo?" Kaagad siyang nanigas sa kanyang kinatatayuan nang marinig niya ang malalim at nakakatakot na boses ng isang lalaki. "Ay, naku! Kayo pala.” Gulat na wika ng kanyang Lola Guada sa bisita nila. “Nandito siya sa loob. Puwede niyo na siyang kunin." dugtong pa ng matanda. Nakita niyang niluwangan nito sa pagkakabukas ang sira-sira ng pinto ng kanilang maliit na kubo. Umingit pa nga iyon na nagpapadagdag ng kaba sa kanyang dibdib. Kaagad nanlaki ang kanyang mga mata at napaatras nang makita niyang pumasok doon ang dalawang lalaki. Maangas ang mga mukha ng mga ito. Matangkad at parang si Big Show ang mga katawan. Hindi puwede ito! Hiyaw ng isip niya. Pero anong gagawin niya? Siguradong sasaktan lang siya ng Lola Guada niya kapag nagmamatigas pa siya. Nakakatakot pang ngumisi sa kanya ang isang lalaking nakasuot ng itim na cap. “Ito na ba ang apo mo, Aling Guada?” sabi no’ng lalaking nakasumbrero ng itim sabay hagod ng tingin sa kanya, mula ulo hanggang paa na ikinaasiwa niya. Naramdaman din niya ang paninindig ng kanyang balahibo sa katawan. “Oo.” Sagot naman ng kanyang Lola Guada na masamang nakatingin sa kanya. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib sa sobrang takot at gano’n na lang ang pagtili niya nang inisang hakbang lang siya nang isang mabigoteng lalaki, hinawakan siya nito ng mahigpit at sapilitan siyang inilabas sa kanilang kubo. "Lola, h'wag mong gawin sa'kin ito," pakiusap niya sa matanda na walang emosyong nakatingin lang sa kaniya habang sapilitan siyang kinaladkad ng dalawang lalaki. Nang tuluyan na siyang nailabas ng dalawang lalaki sa maliit nilang kubo ay kaagad siyang dinala sa sasakyan na dala ng mga ito at pilit siyang pinapasakay roon. Umiiling-iling na tiningnan niya ang lola niya. Nagmamakaawa. Umaasa siya na baka magbago pa ang isip nito at hindi na ito papayag na dalhin siya ng mga tauhan ni Don Fausto pero hindi niya man lang ito nakitaan ng kahit katiting na awa sa kanya. "Lola!" sigaw niya pero tinalikuran lang siya nito at kaagad pumasok sa loob ng kubo. Kasabay ng pagsarado nito sa gula-gulanit na pinto ng kubo ay ang impit na pag-iyak niya. Lola... Hiyaw ng isip niya. "Tumigil ka na sa pag-iyak, Miss Jenina. Wala ka rin namang magagawa pa.” sabi nang nakasumbrero na lalaki. “Siguradong magbuhay-prinsesa ka rin naman sa piling ni boss." Panay ang nguya ng bibig nito sa kung anumang kinakain nito. Napaurong siya at isiniksik ang sarili sa may bintana nang tingnan siya nito sabay ngisi ng nakakaloko. Diyos ko, maawa po kayo sa'kin. Tay, Nay, h'wag niyo po akong hayaan na mapahamak. Piping naiusal niya. "Oy, Sixto punta muna tayo sa bang house natin." sabi ng katabi niya sa taong siyang nagmamaneho ng sasakyan. Mas domoble ang lakas ng t***k ng puso niya sa sobrang kaba. Nakita niyang lumingon sa kanya iyong si Sixto at nakakakilabot na ngumisi sa kanya. "Hindi ba ito malalaman ni boss, Badong?" tanong nito sa katabi niya. Napangisi naman ang lalaking katabi niya. "Hindi iyan, tayo na muna ang makikinabang dito. Total titikman lang naman natin at pagkatapos sa kanya naman ito hanggang kailan niya gusto." sabi ni Badong at malisyosong hinagod siya ng tingin. Pagkatapos ay humahalakhak ng malakas. Oo, ignorante siya at inosenti sa mga bagay-bagay. Mangmang at walang pinag-aralan pero hindi naman siya gano'n kabobo para hindi maintindihan ang ibig sabihin ng mga ito. Halos isiksik na niya ang sarili sa kanyang kinauupuan dahil sa takot niya sa mga ito. Hindi nagtagal ay tumigil ang sasakyan sa may kalumaang gusali. Giba na ang kanang bahagi n'yon at marami ng nakakapit na d**o sa paligid kaya mas lalo siyang natakot. "Labas!" Marahas na utos ng katabing lalaki sa kanya. "H-H'wag po. M-Maawa po kayo sa akin. Pauwiin niyo na po ako..." Napakapit siya sa may pinto ng sasakyan nang sapilitang hatakin siya ng lalaki palabas ng kotse. "Ayoko po..." Umiiyak na pagmamakaawa niya sa dalawang lalaki. "Bumitaw ka na, Miss. Ito naman, titikim lang naman kami, sa'yo." nakangising sabi ni Sixto pero mas hinigpitan niya lang ang pagkakapit sa may pintuan ng kotse. "H'wag ka ng madamot. Siguradong mag-e-enjoy ka naman dito." dugtong pa nito. Mas lalong lumakas ang paghikbi niya. Sa isip niya ay sana may makakita sa kanila at tulungan siya. "Bumitaw ka o puputulin na namin iyang mga kamay mo?" Naiinis ng banta sa kanya ni Badong. Mas lalo siyang napaiyak sa sobrang takot at sa puwedeng gawin ng mga ito sa kanya. "Tulong! Tulungan niyo po ako—Aaghh..." Napaigik siya nang bigla na lang siyang suntukin ni Sixto sa bandang puson niya. Napabitaw siya sa kanyang kinakapitan at namimilipit sa sobrang sakit. "Bibitaw rin naman pala, papahirapan pa tayo." Sa nanlalabong pandinig ay narinig niyang sabi ni Sixto. Napaungol siya nang hatakin siya nito sa buhok. Wala na kasi siyang lakas para manlaban pa. "Aggh!" Napaigik siya ng ibinagsak siya kaagad sa may katigasan na kama. Sa nanlalabong paningin dahil sa kanyang mga luha ay nakita niya ang dalawa na sabay na naghubad ng mga saplot. "Maawa k-kayo h'wag...” nanghihinang pakiusap niya. “P-Pauwiin niyo na po ako—ahh!!!" tili niya at kaagad itinulak ang lalaking may malaking katawan nang kubabawan siya nito pero hindi man lang ito natinag. Napaiyak siya ng sampalin siya nito ng pagkalakas-lakas. May tumalsik pang dugo mula sa pumutok niyang labi. "Ang sarap-sarap mo... ang kinis mo pa...kaya pala baliw na baliw ang matandang iyon sa'yo." Nagpapalag siya ng halikan nito ang leeg niya sabay pisil nito sa dibdib niya. Narinig niya pang humalakhak si Sixto. "Dalian mo na d'yan, Badong, baka hinahanap na tayo ng matanda." sabi pa ni Sixto. Umiyak lang siya nang umiyak at hindi na nanlaban pa dahil nanghihina at wala na rin siyang magagawa pa. "T-Tam-ma n-na." Halos wala ng boses niyang sabi. Mas lalong nagpapanik siya nang umpisahan na ng mga itong hubarin ang pang-ibabang saplot niya pero kaagad natigil ito sa ginagawa nang marinig nilang tumunog ang cellphone ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD