HI#25 NANGINGINIG ang mga kamay ni Jenina habang papalapit siya nang papalapit sa bahay ng kanyang kaibigang si Amaiah Gabrielle. Dito siya dumiretso dahil natatakot kasi siya kapag doon siya sa kubo ng Lola Guada niya pupunta. Sa ilang buwan na nawala siya ay may pagbabago na siyang nakikita. Kagaya nitong kalsada papunta sa bahay nina Amaiah. Kung dati motorcycle lang ang pwedeng makapasok, ngayon ay pwede na ang traysikel. May parte na rin na sementado. Malalim na napabuntonghininga siya. Nakatatlong beses muna siyang kumatok bago niya narinig ang boses ng kanyang kaibigan. Lumukso sa tuwa ang puso niya. Sobra talaga niya itong na-miss. “Ano po ang kailangan---Ina!” sambit ni Amaiah Gabrielle. Ilang beses na naikurap nito ang mga mata na tila nakakita ng aparisyon, kita niya sa mukh

