HI#24 SUMAMA pa rin si Jenina kay Dok Enzo sa pamamasyal. Sa sobrang kulit kasi ng lalaki at ayaw siyang tantanan kaya sinabihan na lang niya ito na ito na ang magpaalam kay Señorito Drake. Pero hindi ito sa kapatid nito nagpaalam kundi kay Manang Fely. Umalis din kasi Señorito Drake matapos siya nitong sigawan at pagsalitaan ng hindi maganda. Mas lalo pa siyang nasaktan nang pumasok siya ulit sa library para maglinis doon ay naroon pa rin ang kape nito at hindi man lang nabawasan kahit kaunti. Dinala siya nito sa Bahay Aruga, ang orphanage na sinusuportahan ng pamilya nito. Masaya siyang nakikipaglaro sa mga bata roon. Ang Bahay Aruga ay isang kanlungan na nagsisilbing pansamantalang tahanan para sa mga bata na mayroong cancer habang sumasailalim ang mga ito sa paggamot o regular na pa

