HI#23 TAHIMIK lang si Jenina habang nakatingin sa labas ng bintana. Ang kanyang mga kamay ay pirme lang nakahawak sa may seatbelt. Iniisip pa rin niya iyong mga narinig niya kanina doon sa kompanya at iyong sinabi ni Señorito Drake, na payagan niya itong ligawan siya. Malalim siyang napabuntonghininga. Inaamin niyang gusto niya ito---hindi pala gusto dahil mahal na niya ito sa kabila nang ipinapakitang ugali nito sa kanya noon. “Pagod ka na ba? Gusto mo bang umuwi na lang tayo?” Napatingin siya kay Señorito Drake nang magtanong ito. Pasulyap-sulyap lang ito sa gawi niya dahil ito pa rin ang nagmamaneho ng sasakyan nito. Umiling siya at bahagyang ngumiti rito. “Gusto mo ba na mag-date tayo?” tanong niya, sa halip na sagutin niya ito. Malaki ang ngiting napatingin naman ito sa kanya pero

