HI#35 AGAD na napatayo si Ella Nympha at sinalubong nito ang nakakatandang kapatid. "Kuya Drake, akala ko ba sa susunod na araw ka pa darating?" tanong ni Nympha. Siya naman ay hindi na nakagalaw. Parang napako na siya sa kanyang kinauupuan. She heard Drake chuckled lightly when Nympha hugged him. "I thought too, brat but someone pissed me off that's why I'm here without any notice." sabi ni Drake, pero ang mga mata nito ay sa kanya nakatitig. Kahit malayo ito ay kita pa rin niya ang paggalaw ng mga panga nito. Bayolente siyang napalunok nang magkasalubong ang mga mata nilang dalawa. Hindi niya mabasa kung ano ang mga naisip nito. Pakiramdam niya bumalik ang Drake noong unang nakilala niya ito. Cold and ruthless. He's wearing white long sleeve button down polo shirt na itinupi lang

