HI#36 "Uhhh..." Mahinang daing ni Jenina nang maramdaman niyang sobrang bigat ng kanyang katawan at parang mabibiyak sa sobrang sakit ang ulo niya. Teka nasaan ba siya? Hinang-hinang sinikap niyang igala ang paningin sa paligid. Animo slow motion sa kaniyang paningin ang malayang pagtangay ng hangin sa kulay abuhin na kurtina na nakapalibot sa kabuuan ng silid na iyon. Naramdaman din niya na napakalambot ng kamang kinahihigaan. Ang huling natatandaan niya ay nasa malaking function hall siya kanina ng La Cruix Restaurant. Nanlalabo man ang kanyang paningin pero alam niyang ang kwartong kinaroroonan niya ay pagmamay-ari ng isang lalaki. Lalaki? "Oh my God!" agad na sambit niya nang mapagtanto ang kinaroroonan niya. Sapo ang kanyang ulo ay dahan-dahan siyang bumangon mula sa kamang kan

