ILANG minuto rin bago napakalma ni Jenina ang sarili. Nanatili pa rin siyang nakaupo sa sahig habang nakayukyok ang ulo niya habang nakapatong sa nakatiklop niyang mga tuhod. Agad na napaangat ang tingin niya nang muling bumukas ang pinto. Mabilis din siyang napatayo sa pag-aakalang bumalik ang lalaki. Pero agad din naman siyang nakahinga ng maluwag nang makitang si Nanay Susan ang pumasok. “Hija? Anong ginagawa mo dito?” gulat nitong tanong sa kaniya, nang makita siya. “Uh, a-ano po…uhm, naliligaw po kasi ako,” pagsisinungaling niya. “Pasensya na po.” Nagyuko siya ng ulo dahil hindi niya kayang tagalan ang titig ng ginang sa kaniya. Pasimple din niyang pinunasan ang pisngi niyang basa pa rin ng mga luha niya. “Sandali, umiyak ka ba, hija?” Mabilis naman siyang umiling at nag-angat

