Chapter 12
Dayn’s PoV
I woke up earlier than I expected, this is the first time I woke up this early especially if I have to go to school. It is still dark outside, so, I just sat in the balcony and kept myself warm with a weighted blanket. Nag-sink in sa utak ko na may cake nga pala akong binili kahapon. Tumayo ako at hinanap kung saan ko bai yon naipatong. Nakita ko sa patungan ng mga sapatos ang cake, mabuti na lamang at hindi iyon nilanggam. Nagtimpla ako ng kape at naghain ng cake para sa sarili ko pagkatapos ay bumalik ako sa pwesto ko kanina at nag-umagahan doon. Tiningnan ko ang orasan at mag-aalas sais pa lang ng umaga, napag-isip-isip ko na maligo na at magbihis para mamaya ay aalis na lang. Nilagay ko sa mini fridge ko ang natirang cake para makain mamaya pag-uwi.
Nang bumaba ako ay nakita ko si Manang na nagluluto ng almusal. Nagulat pa siya sa akin.
“Oh, ang aga mong nagising?” tanong niya. Lumapit ako sa niluluto niya para tingnan kung ano ba iyon.
“Huwag kang ma-shock Manang, ngayon lang po ito. Hindi po talaga ako natulog,” palusot ko. Dahil kapag sinabi ko na maaga talaga ako nagising ay baka akalain ni Manang na nagbabago na ako at iexpect nilang lahat na maaga na ako gigising araw-araw. Mas mabuti nang layuan ang disappointments.
Nanood na lang ako ng tv sa sala habang nagce-cellphone. Kapag ganito pa kaaga, ang kadalasang palabas ay Sofia the first o ‘di kaya ay Thomas and Friends. Inabutan din ako ni Ate Lisa ng tinapay kaso tinawag na ako ni Manang para kumain na. Sumunod naman ako pero hindi na ako nag-rice pa, pinapak ko nalang ang ulam na bacon. Nasabi pa ni Manang na ang laki-laki ko na raw Sofia pa ang pinanonood ko.
Nitong mga nakaraan hindi ako nabuburyo kapag nasa sasakyan lalo na kung si Mang Gejer ang driver ko. Todo chismis kasi siya roon sa pamilya Bautista, tapos ang interesting pa ng mga pinag-uusapan nila. Mukhang good girl na raw si Precious kaso noong nakita ata ng daddy niya na may pasa siya sa kamay ay pinagalitan ito. Tinanong ako ni Manong kung alam ko raw ba ang nangyari total ay nasa iisang eskwelahan lang naman kami.
“Luh, Manong ang laki-laki ng eskwelahan, no. At saka hindi naman kami magka-klase pero minsan nakakasalubong ko rin siya kasama ang mga alipores niya. Hindi ko alam kung paano niya iyon nakuha,” patay malay kong sagot.
Ang hindi alam ni Manong ay isa ako sa bida sa eksenang iyon. Ang dami pang sinabi ni Manong tungkol doon, tingin ko best friends na kami nito ni Manong.
The professor walked in and prepared to teach but the bell rang. The speakers in our room had a static but it only lasted for a few seconds because someone finally spoke.
"To all the students and teachers of Caydenn Bay University. It is unfortunate that we cannot continue our classes for today due to an execution of the government project, “Say No to Dengue”. You may now all leave the school premises. Keep safe and thank you.”
“Anong unfortunate? Fortunately, kaya,” I heard somebody whispered. The whole class exclaimed in joy though there are some who sighed. They are probably the class-hungry straight A’s students nobody cares about.
"Yes!"
"Tara mga pare! Bar tayo! hoooo!" Sunod sunod ang paghiyaw ng mga kaklase ko na para bang walang teacher na nasa harap.
"What did you say Mr. Bartolome?” The voices dimmed when the professor talked. “Bar? Okay class, I don't want to hear anything about any of you that someone saw you in the bar, f*****g someone, drinking alcohol, shopping, and other things that you may do when classes are early dismissed. One fault is everybody's fault. Have a good day,” she strictly said. "Kapag nangyari ‘yon, 10 points will be deducted to your first recorded quiz. And remember, my short quiz is only 15/15," she then added.
They all frowned and lost their energy; they look like zombies. Their shoulders are down as they slowly walked out of the room. Faces that were looks like af is they were crumbled and trampled upon.
Palabas na ako ng room nang may biglang kumapit sa akin na akala mo ay tukong walang makapitan kapag amihan.
"Huy! How are you?" She giggled.
It was Clarene, she’s smiling at me and holding my right arm while we walk out of the school. I looked at how she’s dressed today. All pink and feathers everywhere.
“What the heck are you wearing? Wala pa ba ang uniform mo?” I asked.
She even has a sparkly jacket. She looks like Nicki Minaj.
“I just told them that my uniform hasn’t come through yet,” she said while applying lip gloss to her lips. Kahapon ay hindi siya ganitong ka-extra pero alam ko naman na extra na siya. Yesterday, she was just wearing a tight neon green leather dress and a black leather jacket as well. She looks fire.
“Then? What did they say?” I touched the feather on her skirt, tinapik niya ang kamay ko.
“Don’t touch it! Might fall you know then I’d end up all naked out here,” she said.
“Close na pala tayo agad.” I decided to just tell it to her directly. She pursed her lips and both corners rose. She nodded.
“Siyempre, duh,” sabi niya at inirapan ako.
"May sundo ako," walang ganang sabi ko at nagsimula nang maglakad palayo.
"Edi pasabay sa iyo. Sa bahay niyo muna ako, pwede ba iyon? Hindi naman ako magnanakaw, definitely not a wanted serial killer," she said in her maarte voice. “This is me, this is the real deal. This is the friendship you signed up for.”
Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.
"Anong signed up ka riyan? At saka magulo bahay namin,” paliwanag ko.
"The moment you ran after me…” napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
“Anong ran after you sinasabi mo? Wala tayo sa telenobela.”
“Napaka-kill joy mo naman. Basta you have already signed up for this friendship. I can assure you that this is real, just like my eyebrows. Come on feel it.” Kinuha niya ang daliri ko at ipinadama sa akin ang tunay niyang kilay.
The hell is wrong with this woman?
“Clarene? Ano ba nasinghot mo?” seryoso kong tanong.
“Ang vanilla lace ng Victoria’s Secret, ugh…” she groaned. “---that is so common. There are thousands of perfumes, and they want the vanilla one you literally can find everywhere?”
“Wala ka nang pag-asa,” sabi ko at inalis ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa braso ko. Binilisan ko ang lakad sa pag-aakalang hindi niya ako maabutan dahil sa heels na suot niya, pero isa lang pala akong clown---mahilig sa jokes.
"Miss Dayn tara na po, makulimlim na baka abutan pa tayo ng ulan." Napalingon ako sa parking lot at nakita ko si Mang Gejer na kumakaway sa gawi ko.
"Ohh ayun na pala yung sundo mo eh tara na."
Hinila niya ako papunta sa sasakyan, nauna pa siyang pumasok kaysa sa akin. Kotongan ko kaya ito nang
matauhan?
"Hello po Manong. Kaibigan po ako ni Dayn kaya sa bahay niyo po muna ako tatambay." Napabuntong hininga nalang ako sa mga sinasabi niya. Ano pa nga bang magagawa ko eh nasa loob na siya ng sasakyan, lintek. "Dayn what are you waiting for? Come in."
I rolled my eyes at her.
Salita siya nang salita habang nasa daan kami, hindi siya nauubusan ng kuwento. Si Mang Gejer naman ay natatawa na lang sa mga sinasabi niya.
"Kagabi ko lang narealize na ang pogi pala nung nakaaway mo sa canteen. Crush ko na nga! Kaso mukhang not for me pa ata, ikaw ata ang type, e. Ayie, enemies to lovers na ba ito?" Sinundot-sundot niya ang tagiliran ko.
.
Is she pertaining to Sxan? What the hell? Seriously?
"Iyon? Ang panget-panget noon tapos magugustuhan mo? Tsk tsk tsk." Naiiling na singhal ko.
"Hmp. Judgemental ka bestie! Ang pogi-pogi kaya. Hihihi," sagot nito at may pahampas pa sa brasong nalalaman. Kapag ito hinampas ko, iyak ‘to.
"Lantod mo. Tigil-tigilan mo nga yan."
Nakarating kami ng bahay pero hindi pa rin natatapos ang bangayan namin dahil sa Sxan na ‘yon. Tsaniin ko kaya sila ng mga katuald niya at pagbuhulin?
"Amm. Where's your room girl?" tanong nito habang ginagala ang paningin sa buong bahay.
"Sa taas, kaliwang corridor, dulong pinto. Huwag kang magkakalat doon kokorbohan kita," sagot ko.
"Okie, okie pag aakyat ka na, magdala ka ng pagkain. Thank you!" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Aakyat ka na lang din naman ba't di ka pa kumuha. Ako pa uutusan mo," irita kong sabi. Is this the feeling of having a female friend?
"Tsh. Where's the kitchen?" She rolled her eyes at the wind.
"Mag-google map ka hindi 'yung tanong ka nang tanong sa akin. Nasa pageant ba ako at nag Q-Q and A?"
Hindi ba nauubusan ng tanong?
"Wala talaga 'kong maasahang matino sayo."
"Ewan ko sa iyo, aakyat na ako. Huwag kang mag-alala mamaya bibili na ako ng sampung at ilalagay ko sa kwarto nakakahiya naman sa iyo eh."
Inirapan niya lang ako at naglakad palayo para hanapin ang kitchen.
Binuksan ko ang aircon pati ang PS4 at humilata sa kama. Counter Strike ang nilalaro ko.
"Dayn! Open this goddamn door! Marami akong hawak!" sigaw nito. Pinause ko ang laro at tumatawang binuksan ang pinto.
"What the f**k Dayn? What took you so long?" naiinis na sabi niya.
"Sorry! I'm playing PS4. Ibaba mo nalang do'n 'yung pagkain." Inirapan pa ako bago ibaba ang pagkain.
Kinuha niya ang MacBook ko at nag browse. I told her the passcode, I'll just change it later.
"Ahm. Girl? What's with that door? That one, the blue one." sabi nito at itinuro ang pinto.
"What do you think?"
"Is that the bathroom?"
"Check it nang 'di ka nagmumukhang tanga." Tumayo siya at pumunta roon.
"Wow, Dayn! Pwede ba akong makahiram ng damit kahit isang beses lang?" she asked in awe.
That's my walk-in closet, full of my dresses and shoes.
"Okay. Sabihin mo lang 'pag kailangan mo," sagot ko at pinagpatuloy ang paglalaro.
"Yieee thankie pipili na ako dito ha? " Tuwang tuwang sabi niya. Wala ba siya niyan sa kanila?
"Wala ka bang walk in sa bahay niyo at dito ka nanggugulo?"
"Actually, meron kaso hindi ganto kaganda ang mga damit. Wow! Can I borrow this one?" napatingin ako sa hawak niya at nanlaki ang mata sa nakita ko. Napabalikwas pa ako sa higaan.
"Huwag iyang casual! Shoo! Ibalik mo iyan, hindi rin maaaring hiramin ang trench."
Sumimangot siya sa sinabi ko. "Stop pouting, you're not cute. Nag mumukha kang aso. We'll go to the mall and buy some dresses, may pera ka naman siguro, no?" I said to her.
Hindi na uso ang libre ngayon.
Hinaklit niya ang bag niya at hinalungkat iyon. "Ahm I'll check kung dala ko ang ATM ko. Ohh! here it is." Itinaas niya iyon.
"Baka naman isang dress lang ang afford niyan ah, hindi ako nanlilibre." Tumayo na ako para makapag-ayos.
"Duh! I'm not poor. Marami pa ito, no!"
"Oh ano pang hinihintay mo? Magpalit ka na ng damit, get some shirt dress for the two of us."
Pumasok na siya sa loob ng closet at lumabas na dala ang deep blue shirt dress. Sigurado akong babagay sa aming dalawa iyon.
Kung saan-saan niya ako hinihila papuntang mga boutique. Pero mas type ko kasi sa Forever21 or H&M para sa mga pangbahay kaysa sa mga signature dresses, mayroon din naman ako kakaonti lang at kapag may bigating okasyon ko lang isinusuot. Napapabili rin ako minsan ng mga sleeping wears sa mga signature brands lalo na kapag nagugustuhan ko talaga.
"Kung saan-saan mo akong boutique dinadala. Do you know F21? H&M?" tanong ko.
"Of course!”
"Aba malay ko ba, suot mo kasi puro pang-party. Ewan ko ba," sabi ko at hinila na siya papunta sa F21. Hindi na siya magkandaugaga sa dami ng pinamili niyang signature dresses. Tig-limang paper bag ang hawak niya sa magkabilang kamay.
"Good Morning Ma'am. What section po?" bungad ng sales lady.
"Dress Section po, nasaan po ang mga bagong labas?" iginaya kami ng sales lady doon. "Buy anything you want, and I'll buy anything I want. This branch is wide just call me if you're done," sabi ko kay Clarene na abala sa pagpili ng damit.
"Okay. Ahm, I don't have your number."
"Here." I gave her my calling card.
Everywhere I go, I always bring my pocketknife and handgun, but I didn’t bring the gun inside the mall premises of course. Just in case na may gustong makipaglaro sa akin, we'll play with knives. Tuturuan ko rin si Clarene ng basic Martial Arts, para kapag may bakbakan, magkaroon siyang silbi. Nakita ko na rin naman ang grip strength niya noong pinilipit niya ang kamay ni Precious.
Nagpunta ako ng washroom para mag retouch, magretouch ng kutsilyo. Siyempre nakalock ang pinto.
Kahit saan kasi ako magpunta parang may nagmamasid sa akin lately, nag-iingat lang talaga ako. Kahit na parang sila pa ang dapat ang dapat mag-ingat from me, they haven't seen my full capabilities yet.
"Nananakit at lumalaban kasi ako," bulong ko at sinipa ang isang pinto ng cubicle. Agad kong inilapit ang kutsilyo sa leeg niya.
"Hindi ba, Alexie Ky?"