Chapter 7

2087 Words
Chapter 7 Dayn's POV Napatayo ako sa pagkakahiga nang mapagtanto na mayroon pa pala akong naiwang gawain. “Holy s**t!” Agad akong bumangon, sinuot ko ang jacket ko at nagtsinelas. Isinilid ko rin ang kutsilyo at baril sa likod ko at dali-daling umalis. Pagkarating ko ay tinakbo ko na agad ang distansiya naming ni Dark. Why am I so forgetful today?! I sighed in relief when I saw Dark’s still there, and his eyes are shut. Tied up and his wounds are bleeding again. He gasped when I kicked him on his wound to wake him up. “You f*****g liar,” I said as soon as he landed his eyes on me. “Looks like you’ve got what you wanted. Now, let me go,” said he. I raised my eyebrow. “Luh, bobo ka ba? Bakit naman iyon gagawin?” Nagulat ako nang may marinig na putok ng baril. Dark smirked evilly. “What now Dayn? Looks like they’ve come for me, just like what you did when you saved your precious little nephew,” he mocked. Inilabas ko ang baril ko at nagpaputok sa direksyon kung saan nanggaling ang kaninang putok. Nakita ko ang isang katawan na bumagsak sa sahig at may tama sa upper abdomen. I looked at Dark mockingly. “Oh, paano iyan? Edi parang nagmumukha na akong mayabang nito,” sabi ko at nagkibit-balikat. Nagpakawala pa ulit ako ng tatlo pang bala at lahat ay may tinamaan. When I looked back at Dark, I saw him trying to escape, his wasting his strength to something he could never do. “Oh, saan ka pupunta? We’re not done yet! My god.” I rolled my eyes at him. I was about to point the gun at him when someone grabbed me from the back. I immediately head butted the person behind me. Napapikit ako sa na naramdaman kong sakit na dama hanggang likod ng mata. Bumagsak ang tao na nasa likod, nang muli kong tingnan si Dark ay nakatayo na siya at may hawak na baril na nakatutok sa akin. “Mabagal ka pa rin kahit kailan,” sabi niya. Hindi niya akalain na iaangat ko ang baril, akin agad siyang pinatamaan sa dibdib. “Talaga ba? Ikaw naman dami pang satsat, o sino ngayon ang nauna?” sabi ko. He’s still awake but he’s coughing blood. He tried to point the gun again at me, but he is too weak to even lift it. I kept my facial expression straight and shown no remorse. He laughed while his blood is running out of his chest. I shot him again in the same spot. “So sad, you died in the dark,” I said then left him bathing on his own blood. Someone from his’ will surely come here and find their boss dead. Sa balkonahe ako dumaan kung saan din dumaan si Sxan kanina. Sigurado ako na nakalock na ang front door at lahat ng pinto sa baba. Pagagalitan din ako dahil anong oras na at nito lang ako umuwi. I placed my hand on the door handle and latched it, but it won’t unlock completely. Goddamn it! I locked all the entryways when I was still inside! I locked myself out of my own room. Napahilamos nalang ako sa mukha at bumuntong hininga dahil sa sarili kong katangahan. Guess who’s sleeping outside. I shivered when the cold air penetrated my jacket and touched my skin. The floor is also cold. I can’t sleep with this weather, so I went down again and looked for something to warm me up. Thanks to all saints, nakakuha ako ng comforter na nakasampay sa likod ng bahay. I can imagine backpain saying hello to me tomorrow. "D.S? What does that mean?" I asked out of nowhere. I noticed a two-letter tattoos on the back of their left ear. I thought it was only Xavier who has that, but I noticed it on everybody that I have encountered with. Si Sxan lang ang napansin ko na wala no’n. I'll find about it soon. Napagpasiyahan kong matulog na dahil sayang ang kagandahan I looked at my watched and it’s past two in the morning. I set an alarm before four am, my plan for excuses tomorrow is well-execute in my head. I was awakened by the noise from the alarm. I looked around and it’s still dark. I got up and folded the comforter. Pagtayo ko ay siya namang sakit ng likod ko. Nag-stretch ako sandali at bumaba na para maglakad-lakad sa village. Mabait yung tindera ng lugaw sa kanto malapit sa west gate kasi binigyan niya ako ng lugaw kahit wala akong dalang pera. Pinangako ko naman na babayaran ko iyon mamaya. Nakakatuwa dahil inabutan niya pa ako ng nilagang itlog. They’re so kind, they are actually kinder than those people who eats in a five-star restaurant and earns 7 digits and above. I thanked the seller again before leaving. Six-thirty am ako bumalik sa bahay. “Oh, ang aga mo naman ata nagising?” tanong ni manang nang nakita niya ako na pumasok sa front door. “Ah… opo nga, naglakad-lakad lang po ako kanina,” “Huh?” Kumunot ang noo niya. I can sense my throat getting dry. “Saan ka naman dumaan? Ako ang nagbukas ng mga pinto at bintana?” Well, uhm, I didn’t think of this. “Uhm.” Napakamot ako sa likod ng tainga ko. “Ano po, ano uhm, sa likod po ako dumaan tapos ni-lock ko lang ulit yung pinto bago po ako umalis.” I know I shouldn’t feel proud because I am practically lying, but… can’t help myself. Mukha naman na nakumbinsi ko siya kasi tinanguan niya lang ako. Umakyat na ako para maligo. Sa loob na rin ako ng banyo nagbihis para paglabas ay mag-aayos nalang. Eight am ang first class ko. Nagsusuklay ako nang pumasok si Chivas sa kuwarto ko. "Beautiful Morning Tita Binibini!" magiliw na sabi niya. Ibinaba ko ang suklay. “Good morning too! Have you eaten breakfast?” I asked him. He said he haven’t, he’s wearing his school uniform and I think he’s all set to go. “You should eat before going to school, Tita. You’re gonna get hungry if you don’t.” He approached me and kissed me on my cheek. He is so sweet, he probably got it from his father. Definitely not from his mom. “Alright, off you go, I think that’s Mang Gejer na.” I kissed him on his forehead and push him out of my room gently. "Uhh wait, honey!" Pigil ko. Humarap siya sa akin at itinaas niya ang kilay niya. "Would you come with me later to the mall?" tanong ko. . "Why? Are you going to buy me toys?" he asked excitedly. "Yes, bakit ayaw mo ba?" "Nagtanong lang naman po ako kung bakit pero sasama naman po ako." Sabi nito at kakamot-kamot sa batok bumaba ng hagdan. Chineck ko muna si Ate kung natutulog pa bago bumaba. Natutulog pa nga, wala na roon ang asawa niya. Mukhang nasa trabaho na, business partners and parents no’n with us. My family owns a wine company, and his family owns a company that produce hard drinks. Kumakain ako nang dumating si Ate para saluhan akong kumain. Seven fifteen pa lang naman kaya may oras pa ako para ubusin ang kinakain ko. Sumunod na dumating si Chivas sa hapag-kainan. Pinanood kong asikasuhin siya ni Ate. Hindi na naubos ni Ate ang kinakain niya dahil inihanda niya ang dadalhin na baon ni Chivas sa school. Tumusok ako ng bacon at tumayo. Lumapit ako kay Ate. “Oh, nganga,” I demanded. She glared at me, but she still opened her mouth. Isinubo ko ang bacon sa bibig niya at saka umupo. Tinawag na ni Mang Gejer si Chivas. Niyakap agad ni Ate si Chivas nang mahigpit, kumawala lang noong narinig kong sinabi ni Chivas na hindi na raw siya makahinga. Nakakatuwa naman. Ako kaya? Kailan kaya ‘yung takdang panahon na magiging ina ako? Sa ngayon kasi, tangina pa lang ako. "Tama na ang drama. Hindi na raw makahinga iyang anak mo, at saka tinatawag na ‘yan ni Manong, baka malate pa yan,” I said. Tumayo ako at iniupo siya sa upuan para tapusin ang pagkain niya. “Kumain ka na muna, uuwi ‘yan, maraming taon pa kayong magsasama.” "Nako, hija, hindi mo namamalayan ang paglaki ng mga anak mo, kung iyong titingnan e parang kahapon lang mga chikiting pang nagtatakbuhan, ngayon ay mga bata na akala mo’y pinaglihi sa sama ng loob," ani ni Manang. “Totoo po iyan, Inang. Itong si Dayn, pag nagkaanak ito doon niya pa lang iyan maiintindihan,” sagot naman ni Ate. “Teka, Manang sino ba iyong sinasabihan mong batang parang pinaglihi sa sama ng loob?” walang kamalay-malay kong tanong. Sa akin bumagsak ang kanilang mga paningin. “Oh, bakit sa akin kayo nakatingin?” I asked. Naiiling silang natawa. Inubos ko na ang pagkain ko at nagpaalam na aalis na. Tahimik ang byahe papuntang school. Bumaba ako ng sasakyan, pagkaalis na pagkaalis ni Manong ay saka namang dating ng motor na pamilyar sa akin, Nakataas ang visor ng driver kaya nakumpirma ko na siya nga iyon. Hindi ko na hinintay pa na huminto siya. Pumasok na ako ng gate at habang naglalakad ako ay may tumawag sa pangalan ko. “What? Hanggang dito ba naman Sxan?” naiirita kong tanong. “Ooooh, cranky morning?” Tumabi siya sa akin maglakad. “Oo, makita ko ba naman mukha mo bago pa lang magsimula ‘tong araw na ‘to e. Layas nga,” taboy ko sa kaniya. “Sungit,” rinig kong sabi niya bago lumayo sa akin. “Masungit talaga ko kaya layuan mo ako at huwag guluhin.” May klase kami na pareho kaya’t alam ko na magtatagpo talaga ang mga landas naming. I checked my schedule, and it looks like I must put up with him in two subjects where I think we have the same teacher. Mathematics in the Modern World and Purposive Communication. Magkasunod pa na subject pero lunch break ang pagitan. I really don’t like math but of course, I love money. Nang nakarating na ako sa klase ng math ay marami nang nakaupo sa likod at kakaunti sa harap kaya sa harapan na ako naupo. Iginala ko ang mga mata ko sa buong silid-aralan, mabuti na lamang at walang Sxan na parang mushroom. Ilang saglit pa ay dumating na ang teacher at sa likod niya’y may nakasunod. Aba’t akalain mo nga naman na si Sxan iyon. Umupo agad siya sa tabi ng pintuan kaya hindi napansin ng teacher na kapapasok lang niya. Hindi ko na lang siya pinansin sa buong klase dahil unang-una, ayoko naman na bumagsak sa subject na ito. Nagpa-short quiz lang si Ma’am bago matapos ang klase. Mabuti na lamang at isa lang ang mali ko. Hindi na ako nagsayang pa ng oras kaya pumunta na ako sa cafeteria para kumain ng tanghalian. “Maglu-lunch ka na?” Nagulat ako nang bigla na namang may nagsalita sa tabi ko. Putanginang ‘yan. “Hindi, mamamatay na, mamamatay na. Mushroom ka ba sa past life mo ha?” irita kong sabi. “Lasagna po at saka cold water,” I placed my order to the staff. “Thank you.” Narinig ko na bake mac ang pinili ni Sxan at tubig. Napapikit at buntong hininga na lang ako sa inis nang umupo si Sxan sa harap ko at nagsimulang kumain. Tumayo ako at binitbit ang pagkain ko sa kabilang mesa. Tiningnan niya lang ako at hindi na pinansin ang isa’t isa. Wala pa ata sa kalahati ang nauubos ko, tumayo na siya at nagsimulang magligpit. Is he already done eating? Blender ba ang bibig niyan at kay bilis na madurog ang pagkain. Pagkadating ko sa susunod na klase ay nakita ko agad si Sxan na nakaupo sa bandang gita, sa bandang likuran naman ako umupo. Lahat ay nagpakilala dahil kahapon ay nabakante ito dahil walang teacher. Uwing-uwi na talaga ako, habang nagsusulat ng essay ay pag-uwi lang ang nasa isip ko. Two thirty na ng hapon, alas tres ang labas ni Liqour ng eskwelahan. Buti na lang at huli na itong subject na papasukan. Nang natapos ang klase ay ang nagmadali na agad ako, tinext ko na rin si Manong na pakisundo na ako. Napansin ko na parang naghahadali rin si Sxan, dahil tumatakbo siya palabas ng school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD