Kabanata 2

1574 Words
"Huwag na huwag kang pupunta sa tanggapan ng mga bisita, hindi nanaisin ng ating ama na humarap ka sa mga bisita lalo na at ganyan ang itsura mo." Saad ni Elvina matapos ko itong ayusan. "Maususunod, kung yan ang nais mo." Sagot ko dito at lumabas na ito ng silid nya. Bumalik ako sa likod ng Cadden upang ipag patuloy ang aking nilabhan. Ako ang nag lalaba ng mga damit ni Elvina, hindi nya ito pinapalabhan sa ibang taga pagsilbi kundi sakin lang. "Bakit nandito ka pa Beatrice, hindi ba dapat ay nasa tanggapan ka ng bisita?" Pag tatakang tanong ni Ate Maya, ang pinunong taga pag silbi. Napaka buti nito sakin at parang anak na ang turing nito sakin. Marami syang na kwenti tungkol sa ina kong si Helena, at sabi nito ay kasing ganda ko daw ito. "Hindi naman po ako kailangan dun, mas mabuti pa pong tapusin ko nalang itong mga labahin ko para makapag pahinga na ako." Malumanay na sagot ko dito. "Hindi naman dapat ikaw ang gumagawa nyan, napaka sadista talaga ng kapatid mo. Hindi na ako mag tataka kung san ito nag mana, nakapa itim ng kanilang budhi. Mabuti nalang at hindi ka nag mana sa ama mo Bea, nakuha mo pa din ang ugai ng iyong ina." Nakangiting saad nito sakin. Maraming nag sasabi sakin na napaka bait ng aking Ina kaya mahigpit na ipinag babawal ng aking Madrasta na pag usapan ito sa Cadden. Maging ang mga lumang kagamitan ng aking ina ay ipinasunog nito, isa lamang ang aking nailigtas ang gintong kwentas nito na may kakaibang desenyo. Hindi ko ito sinusuot at nakatago lamang ito sa aking kwarto, natatakot kasi ako na baka kunin sakin ito ng Madrasta ko. Yun nalang ang bagay na meron ako galing sa aking ina kaya naman labis ang pag iingat ko dito. Habang nag sasampay ako ng mga nilabhan ko ay nagulat ako makita ang lalaking nakatayo sa harapan ko. "Nandito ka lang pala, kanina pa kitang hinahanap." Nakangiting saad ni Atreyu. Kababata ko si Atreyu, nag mula sya sa pamilyang Siennar at isa sa kanilang kapangyarihan ay pasukin ang isip ng tao habang natutulog ito. "Sa lawak ng Cadden ay mahihirapan ka talagang hanapin ako. Bakit ka nga pala nandito? Hindi ba dapat ay nasa tanggapan ka ng mga bisita?" Nakakunot noo na tanong ko dito. "Alam mo naman na ikaw lang ang sadya ko dito sa tuwing sumasama ako sa aking Ama. Halika at may ibibigay ako sayo." Saad nito at hinila ang aking kamay patungo sa tabing batis. Isa si Atreyu sa mga mababait sakin, alam ko naman na naawala lang ito sakin dahil sa sitwasyon ko. "Para sayo, nakita ko yan sa pamilihan nung isang araw kaya naman ng makita ko yan ay ikaw agad ang naisip ko." Nakangiting saad nito. Napaka gandang panali ito sa buhok, ngunit hindi ko ito matatanggap. "Pasensya na Atreyu ngunit hindi ko yan matatanggap. Tiyak na magagalit lamang ang aking kapatid kapag nalaman nitong niregaluhan mo ako. Kaya mas mabuti pang sa kanya mo nalang yan ibigay dahil mag dudulot lamang yan ng labis na galit ni Elvina." Saad ko dito kaya naman bakas sa muka nito ang lungkot. "Patawad Bea, kung may paraan lang sana upang mailabas kita dito sa Cadden ay ginawa ko na. Hindi ko na kayang makita ka sa ganitong sitwasyon. Hindi ka dapat nila tinuturing na isang alipin. Pinapangako ko sayo, gagawin ko ang lahat para mailabas kita sa impyernong ito." Saad nito at hinalikan ang aking noo. Dahil sa sinabi ni Atreyu ay nag karoon ako ng maliit na pag asa, sana nga ay matulungan ako nito. Dahil pag nangyare yun, ako na siguro ang pinakang masayang tao sa buong mundo. Isa lang naman ang nais ko, ang makawala sa kamay ng pamilyang umaabuso sakin. Gusto ko din masilayan ang labas ng Cadden na kailanman ay hindi ko pa nasisilayan. Baka sa kaling mahanap ko sa labas ang tunay na kasiyahan na kailanman ay hindi ko naramdaman sa loob ng Cadden. "Nandito ka lang pala Atreyu, pinapatawag ka ng iyong Ama." Saad ni Elvina dito kaya tumayo na si Atreyu para umalis. Naiwan naman si Elvina, hindi ko magawang salubungin ang tingin nito sakin dahil tiyak kong nag liliyab na naman ang mga mata nito sa galit. "Kung sa tingin mo ay makukuha mo si Atreyu sakin, nag kakamali ka mahal kong kapatid. Hindi ka nababagay kay Atreyu kaya tigilan mo ng mangarap dahil habang buhay ka nalang na magiging alipin!" Inis na saad nito at tuluyan na itong umalis. Yung maliit na pag asa ko ay unti-unti ng nabura dahil sa mga narinig ko kay Elvina. Tama si Elvina, hindi ako nababagay kay Atreyu dahil wala naman akong kakayanan. Isa lamang akong ordinaryong babae, at sa hanay ng mga alipin lamang ako nababagay. **Atreyu's Pov** Pag dating sa aming tahanan ay agad kong kinausap ang aking Ama tungkol kay Beatrice. Hindi na kaya ng aking damdamin na makita ang babaeng pinakamamahal ko sa ganong kalagayan. Isa lang ang alam kong paraan upang makuha ito sa Cadden, yun ay ang pakasalan ito. "Payagan nyo na po akong pakasalan si Beatrice." Saad ko na ikinagulat nito. "Nahihibang kana ba? Hindi mo alam ang sinasabi mo Atreyu. Kahihiyan lang ang makukuha mo sa babaeng yun. Wala syang taglay na kapangyarihan, magiging pabigat lang sya sa pamilya natin!" Galit na sagot nito sakin. "Pero Ama, mahal ko si Beatrice. Ako nalang ang tanging pag asa nya para makalaya sa pamilya nya. Hindi ka ba naawa sa kalagayan ni Beatrice? Biktima lang sya dito at hindi nya naman ginusto na ipinanganak syang walang kapangyarihan. Kaya nakikiusap ako sayo Ama, pag bigyan mo na ang hiling ko. Bigyan mo ako ng basbas upang hingiin ang kamay ni Beatrice kay Ginoong Sebastian." Pag mamakaawang saad ko dito. Narinig ko ang pag buntong hininga ni Ama. Batid nya ang pag hihirap ni Beatrice sa pamilyang Lozano at naawa din sya dito kaya naman sana ay pumayag na ito sa gusto ko. "Saan ka kukuha ng pera na ipang babayad mo kay Sebastian? Alam mo naman na hindi basta-basta ang nais mo Atreyu. Kinagisnan na sa atin na binibili ang mga babae sa pamilya nila, kaya tiyak kong malaking halaga ang hihingiin ni Sebastian sa iyo." Pag aalalang saad nito. "Siguro ay sapat na po ang pera na meron ako, sa sunod ko nalamang po iisipin ang pera na kakailanganin namin ni Beatrice sa pag sisimula namin. Ang mahalaga po ay mailabas ko sya ng Cadden." Sagot ko dito kaya napabuntong hininga ito. "Kung yan talaga ang nais mo ay wala na akong magagawa kundi ang suportahan ka sa nais mo." Nakangiting saad nito kaya naman labis ang saya ko. Tiyak kong matutuwa si Beatrice pag nalaman nito ang tungkol sa nalalapit naming kasal. Hindi na ako makapag hintay na maging asawa ito, isa lang naman ang nais ko para kay Beatrice. Ang makita itong maging masaya, dahil bibihira mo lang itong makitang nakangiti. Pero yung ngiti nito ay hindi mo makikitaan ng kinang sa mga mata. Sa mga pinag daanan nya sa kamay ng pamilyang Lozano, tiyak kong nakalimutan na nito ang ngumiti ng tama. At gusto kong makita ang magandang ngiti nito ng dahil sakin. Kinabukan ay muli akong tumungo sa Cadden upang kausapin si Ginoong Sebastian. Pag dating ko ng tanggapan ng mga bisita ay nandoon na ang mag asawang Lozano. Ilang sandali pa ay dumating na din si Beatrice at Elvina, agad na naupo si Elvina sa tabi ko at si Beatrice naman ay nanatiling nakatayo sa gilid ni Elvina. "Maupo ka Beatrice." Saad ko dito ngunit hindi ako nito pinansin. "Hindi na kailangan iho dahil mabilis lang naman ang pag uusapan natin at hindi na kailangan pa ang presensya ni Beatrice dito. Hiniling lang ni Elvina na masaksihan ni Beatrice ang anunsyo ko." Saad ni Ginoong Sebastian kaya napakunot ang noo ko. "Nag padala ng liham ang iyong Ama kagabi tungkol sa pag hinge mo ng kamay sa aking anak na si Elvina. Lubos ko naman itong tinatanggap dahil kayo naman talaga ang nararapat para sa isa't isa. Kaya naman maari na kayong mag pakasal ni Elvina sa araw na iyong mapipili. Bukod doon ay nabayaran na ng iyong ama ang danyos para sa aking Mahal na anak." kangiting saad ni Sebastian kaya napatingin ako kay Beatrice. "Paumanhin po, ngunit mali po ata kayo ng pag kakaunawa-" "Sige na Beatrice, pwede ka ng lumabas. Narinig mo naman ang dapat mong marinig kaya maari mo na kaming iwan dahil may mahahalaga pa kaming pag uusapan tungkol sa nalalapit naming kasal ni Atreyu." Saad ni Elvina kaya naman yumuko muna si Beatrice bago ito lumabas ng silid. Tatayo sana ako para sundan ito pero pinigilan ako ni Elvina. "Kung may nais kang pakasalan Atreyu, si Elvina yun at hindi si Beatrice. Isang kalapastanganan sa pamilya namin kung lalaktawan mo si Elvina na sya namang karapat dapat sayo. Ano ba ang nais mo kay Beatrice, wala naman itong kapangyarihan at ito din ang nais ng iyong ama. Ang pag bukludin kayo ni Elvina upang mas maging matibay ang relasyon ng ating pamilya." Saad ni Ginoong Sebastian. Hindi ako makapaniwala, nilinlang ako ng aking ama. Hindi na sana ako nag abala pang pumunta dito, hindi rin naman si Beatrice yung mapapangasawa ko. Tiyak kong sa mga oras na ito ay sobra kong na dismaya si Beatrice,si Beatrice na pinakamamahal ko,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD