Kabanata 1
Helena's Pov
"Kahit na ibenta nyo ang lahat ng ari-arian na meron kayo ngayon ay hinding hindi pa rin ito sapat na pang bayad sa utang nyo sakin." Saad ni Sebastian sa aking ama. Nag karoon ng malubhang sakit noon ang aking ina, hindi naging sapat ang mga perang naipon ng aming pamilya sa pag papagamot nito kaya naisipan ng aking ama na mangutang kay Sebastian Lozano. Isa sa pinakang mayaman na negosyante dito sa bayan ng Zibia. Malaking halaga ang hiniram ng aking ama dito upang pang dagdag na din sa negosyo namin na unti-unti na ding bumabagsak. At heto na nga sya ngayon para maningil.
"Tapos na ang isang taon na palugit na ibinigay ko sa inyo, kung hindi nyo ako babayaran ngayon siguro naman ay alam nyo ang kahahantungan nyo. Kakayanin nyo bang mag lingkod sakin bilang isang alipin? Nakakahiya naman kung malalaman ng buong taga Zibia na ang pamilyang Cooper ay isa na ngayong taga pag silbi ng pamilyang Lozano." Nakangising saad nito habang nakatingin sa ama ko.
"Pakiusap Sebastian, bigyan mo pa kami ng isang pag kakataon." Pakiusap ng aking ama dito. Matanda na si Ama, hindi naman ganun kalakihan ang kinikita ng aming bukirin upang mabayaran ang inutang nito kay Sebastian.
"Bibigyan kita ng isang pag kakataon, pumayag ka na ipakasal sakin ang nag iisa mong anak." Saad ni Sebastian kaya napatingin ako ng masama dito.
"Yan lang ang tanging pag pipilian nyo, kung hindi kayo papayag sa gusto ko tuluyan ko ng kukunin ang lahat ng ari-arian nyo at maninilbihan kayo sakin sa loob ng sampung taon." Nakangising saad ni Sebastian. Hindi naman ako papayag sa gusto nyang mangyare, hindi ko kakayanin na manilbihan ang aking ama sa katulad nya.
"Kung yan ang gusto mo, pumapayag na ako." Sagot ko dito. Tiningnan ako ng aking ama na may pag aalala. Wala na akong pag pipilian kundi ang sumang-ayon sa kasal na gusto nito. Ito lang ang alam kong paraan para makalaya sa pag kakabaon sa utang kay Sebastian.
Umalis ako sa tahanan namin na kasama si Sebastian, mabilis na kumalat sa bayan ang usapin tungkol sa aming nalalapit na kasal. Hindi ko lubos maisip na mag papakasal ako sa katulad nya, kilala si Sebastian sa pagiging sugapa sa kapangyarihan at kayamanan. Kaya hindi na ako mag tataka kung lahat ng naisin nya ay nakukuha nya. Isa lang ang sigurado kong hindi nya makukuha sakin, yun ay ang puso ko.
Lumipas ang isang linggo at ikinasal na kaming dalawa. Wala akong magawa ng angkinin nito ang aking katawan. Lumipas ang isang buwan at nag dalang tao ako. Masaya ako dahil hindi na ako nag iisa ngayon, aalagaan ko ang anak namin at hindi ko hahayaan na maging katulad ito ng kanyang ama. Lumipas ang mga araw at unti-unti ko ng nararamdaman ang buhay na nasa aking sinapupunan. Palagi ko itong kinakausap, lagi kong pinaparamdam sa kanya na labis ko syang minamahal.
Sa araw ng aking panganganak ay nag silang ako ng napaka gandang sanggol na babae at pinangalanan ko itong Beatrice. Ang ibig sabihin ng pangalan nito ay nag dadala ng kasiyahan at pinag pala. Dahil simula ng ipag buntis ko ito ay labis ang aking sayang naramdaman, bukod dun ay biyaya sya sa amin ng kanyang ama.
Simula ng ipinanganak ko si Beatrice ay labis ang ipinakitang pag mamahal ni Sebastian dito. Mas binibigyan nya ito ng pansin kesa sa kanyang trabaho. Naisip ko na malaki ang naging pag babago ng asawa ko simula ng dumating si Beatrice samin kaya naman isang biyaya talaga si Beatrice.
Ngunit isang umaga, habang nag lalakad lakad ako sa hardin habang buhat buhat si Beatrice ay narinig ko ang pag uusap ni Sebastian at ng matalik nitong kaibigan. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng mga narinig ko tungkol dito. Sa kung anong tunay na layunin nya sa aming anak, nais nya itong gamitin kapag lumabas na ang taglay nitong kapangyarihan. Bilang ina ni Beatrice ay hindi ko hahayaan na mangyare yun. Alam ko ang taglay na lakas na kapangyarihan ni Beatrice at hindi ko hahayaan na gamitin ito sa kasamaan. Sa kabilugan ng buwan ay ginawa ko ang ritwal proteksyon sa aking anak.
"Inuutusan ko ang kapangyarehan ng aking anak na mag tago muna sa ikalaliman ng kanyang pag katao. Pinapahintulutan lamang kitang lumabas sa oras na kailanganin kana nya. Isinasamo ko din ang aking buong kapangyarihan na proteksyonan at pangalagaan ang aking mahal na anak laban sa masasamang loob na nais lamang syang gamitin para sa pang sariling layunin." Matapos kong bitawan ang litanyang ito ay nag liwanag si Beatrice, at ang lahat ng kapangyarihan ko ay lumipat dito. Ilang sandali itong nag liwanag at may markang lumitaw sa kanyang noo, ang sagisag ng aming kapangyarihan ang apoy, tubig, hangi at lupa at bigla din itong nag laho.
Ngayon ay panatag na ako, mas mabuti pang malaman nilang walang kakayanan si Beatrice, kesa gamitin nila ito sa kasamaan. Lumipas ang mga araw na napansin ko na sobra ang naging pag aalaga sakin ni Sebastian. Malakas ang kutob ko na may hindi tama, wala akong magawa dahil wala na akong kapangyarihan upang proteksyonan ang aking sarili. Lumipas ang ilang araw at nararamdaman ko na ang unti-unting pag babago ng aking katawan. Nakakaramdam ako ng labis na pang hihina hanggang sa tuluyan ng bumigay ang aking katawan. Ni hindi ko na kayang buhatin si Beatrice kaya naman ang kanyang ama na ang nangangalaga dito.
Dumating sa punto na sumusuka na ako ng dugo at walang magawa ang mga doctor, tulad daw ito ng sakit ng aking Ina na walang lunas. Wala akong magawa kundi hintayin nalang na mabawian ng buhay. Kung mamamatayman ako, alam kong hindi sila mag tatagumpay sa binabalak nila sa anak ko. Isang gabi, habang wala akong tigil sa pag ubo ng dugo dumating si Sebastian dala ang isang baso ng tsaa.
"Huwag mo ng pahirapan pa ang sarili mo Mahal kong Asawa. Ako na ang bahala sa ating anak, hinding hindi ko sya pababayaan kaya maari ka ng mamatay." Nakangiting saad nito.
"Hayop ka Sebastian, alam kong may kinalaman ka kung bakit ako nag kakaganito!" Sigaw ko dito ngunit mas lalo lang akong nakaramdam ng panghihina.
"Tapos na ang tungkulin mo dito Helena, wala ka ng pakinabang sakin kaya nararapat lang na mabura kana sa mundong ito. Magiging sagabal ka lang sa mga plano ko, kaya inumin mo na to para isang pag hihirap nalang." Saad nito at pwersahang pinainom sakin ang tsaa na dala nya. Doon bumalik sa isip ko ang lahat ng mga pangyayare, nang ipanganak ko si Bea ay palagi ako nitong dinadalhan ng tsaa sa silid ko. Ito ang dahilan kung bakit unti-unting bumigay ang katawan ko, marahil ay may lason ang tsaa na pinapainom nya sakin.
"Hinding hindi ka mag tatagumpay sa mga pinaplano mo Sebastian, sinusumpa ko na magiging abo lahat ng mga pinag hirapan mo!" Saad ko dito habang hawak hawak ang kamay nito na may hawak ng tasa ng tsaa.
"Paalam Helena, matulog ka ng mahimbing." Saad nito at hinalikan pa ako sa noo. Naiwan ako sa kama ko na hindi na makagalaw, tumutulo ang luha ko habang inaalala ang pag dating ni Beatrice sa buhay ko.
"Patawad anak kung hanggang dito nalang si Mama, alagaan at ingatan mo ang sarili mo laban sa masasamang tao katulad ng Ama mo. Mawawala man ako, pero maiiwan ang kapangyarihan ko sayo. Sasamahan pa din kita at hindi pa babayaan." Pag kabitaw ko ng mga katagang ito ay nanikip na ang dibdib ko at tuluyang na walan ng hininga.
***Breatrice's Pov****
Lumipas ang dalawangput apat na taon-
"Beatrice!!" Sigaw ng kapatid kong si Elvina. Madali kong iniwan ang aking labada at pinuntahan ito sa kanyang silid.
"Bakit ang tagal mo? Siguro ay nakikipag daldalan ka na naman sa mga kasamahan mong taga pag silbi!" Inis na saad nito sakin. Sya si Elvina, ang nag iisang bunsong kapatid ko. Tatlong taon ako ng matuklasan ng aking ama na wala akong kapangyarihan kaya naman labis ang pag ka dismaya nito sakin. Muli itong nag asawa at ipinanganak nito si Elvina. Simula ng mag asawang muli ang aking Ama ay na walan na ito ng pakialam sakin. Para sa aking ama ay wala akong pakinabang, isang basura sa pamilyang Lozano. Hindi ko din naman sya masisisi dahil wala naman talaga akong silbi bilang anak nya. Hindi ko alam kung bakit isinilang pa ako kung wala naman akong angking kakayahan. Sa pamilyang ito, napaka halaga para sa kanila ang taglay mong kapangyarihan dahil mapapanatili nito ang katayuan mo sa pamahalaan.
"Bilisan mo na, ayusan mo na ako dahil darating na ang panauhin ng ating Ama!" Utos nito kaya naman inayusan ko na ito. Cadden ang tawags tahanan ng pamilyang Lozano, at sa Cadden si Elvina ang prinsesa, ang kanyang ina ang mahal na reyna at ang aking ama naman ang hari. Habang ako ay anak din naman nya ngunit mas kinilala nila bilang alipin, taga pag silbi sa anak nilang si Elvina. Hindi ako naging masuwayin sa aking ama, lahat ng naisin nya at ng kanyang asawa at anak ay sinusunod ko upang hindi sila magalit sakin. Tinanggap ko nalang na ito talaga ang aking kapalaran, ang pag silbihan ang aking kapatid.