"Do you plan to watch the rain all night until it stops?"
Napapitlag siya at muntik pa siyang malaglag sa kinauupuan dahil sa biglaang pagsulpot ni Al.
Mabuti na lamang at nahila nito ang kaniyang damit bago pa man siya bumagsak sa sahig.
Lagi na lang kasi itong sumusulpot mula sa kung saan-saan.
Pinatirik niya ang kanyang mga mata. Nagsisimula na naman kasi siyang mainis sa presensiya ng lalaki.
"Pumasok ka na sa kuwarto para makapagpahinga ka na," wika nito sa kaniya. Kagaya niya, nakatanaw din ito sa labas.
"Saan ako matutulog?" tanong niya rito.
"In my room," mabilis nitong sagot.
"Sigurado ka? Baka nabibigla ka lang?" alanganin niyang tanong rito.
Ang laki-laki ng bahay tapos magsasama sila sa iisang kuwarto?
Umismid ito. "Why? Do you have a problem with that?"
Hindi siya umimik bagkus ay nakatingin lang siya sa mukha nito.
"If you don't want to sleep in my room, you can sleep outside the house!"
Hindi ulit siya umimik.
"Do you hear me? Are you f*cking mute?" naiinis nitong tanong sa kaniya.
"Oo na," walang buhay niyang tugon dito.
"Hindi ka ba puwedeng magsalita nang dahan-dahan lang? Lagi ka na lang nakasigaw para kang hindi lalaki."
Dahil sa sinabi niya tiningnan siya nito ng nakamamatay na tingin.
"Let's go to my room!" aya nito sa kaniya na akala mo tauhan lang siya nito. "Malamig na rito at isa pa malalim na ang gabi," dagdag pa nito at pagkatapos ay nauna na itong pumasok sa kuwarto nito.
Pinalipas niya muna ang ilang minuto bago siya sumunod sa lalaking laging masama ang hilatsa ng mukha.
Pagdating niya sa kuwarto nito naabutan niya itong inaayos na ang mga unan pati na rin ang kobre kama.
Tumikhim siya para makuha ang atensiyon nito. "Dito na lang ako sa lapag matutulog, Al," imporma niya rito habang nakahalukipkip.
Nilingon siya nito. "What do you expect? Of course, diyan ka sa lapag matutulog, babae. Ano'ng akala mo magtatabi tayong dalawa dito sa kama ko? In your dreams, woman."
Binabawi na niya ang binitawan niyang salita kanina na gentleman ito dahil ubod ito ng sama.
Umiling-iling pa ito na para bang may nasabi siyang salita na wala sa diksiyonaryo.
"Matulog ka na, babae." Tinuro nito ang sahig. "Humiga ka na diyan para makapagpahinga ka na. Pero kung ayaw mong matulog diyan sa lapag, doon ka na lang sa sofa matulog."
Hinagisan siya nito ng unan at kumot. Pagkatapos ay patalikod itong humiga sa kaniya.
Hinayupak!
Ang lamig-lamig tapos sa lapag siya nito patutulugin?
Ano ito sinusuwerte?
Ang sofa naman na sinasabi nito ay pang-isahan lang kaya siguradong hindi siya makakahiga roon ng maayos.
Ang lawak ng espasyo ng hinihigaan nitong kama tapos ang damot-damot ayaw man lang mag-share?
Nakatayo lang siya habang masamang nakatitig sa likuran nito. Ang sarap ihulog sa kama ng lintik.
Makalipas ang ilang minuto dahan-dahan siyang humiga sa kama kung saan ito natutulog para hindi siya makagawa ng anumang ingay.
Queen size naman ang kama nito kaya malaki ang espasyo kahit dalawa silang humiga roon.
Nagulat siya ng bumaling ito sa direksiyon niya hindi pa man siya nakakahiga ng tuluyan.
Nanlaki ang dalawang niyang mata ng bigla itong tumayo at tumingin sa kaniya ng masama.
"What are you doing?" hindik nitong tanong sa kaniya na akala mo ginagawan niya ito ng masama.
"What am I doing?" maang-maangan niyang tanong dito habang nanatili pa rin na nakahiga sa kama nito. "Wala naman akong ginagawang masama, ah."
"I told you to sleep on the floor, didn't I?" Magsasalita pa sana ito pero inunahan na niya.
"Masakit 'tong buong katawan ko tapos itong paa ko naman puro paltos dahil ang layo ng nilakad nating dalawa kanina. At saka puwede bang 'wag kang madamot? Napakalaki naman nitong kama mo tapos ayaw mong magpahiga. Dapat nga ikaw 'yong humiga sa sahig at hindi ako, eh."
"Bakit ako? Kuwarto ko 'to kaya ako ang masusunod sa ating dalawa. At sino ka para utusan ako? Sino ba'ng nagsabi sa 'yo na sumama ka rito sa bahay ng pinsan ko? Ako ba? Kaya 'wag kang magreklamo dahil kagustuhan mong sumama sa akin kaya magtiis ka. Pinilit ba kitang sumama rito? Hindi naman, 'di ba?"
Oo nga, naman! May katuwiran nga naman ito. Kaya lang hindi naman siguro kalabisan kung makikihiga siya sa kama nito lalo na't malawak pa naman ang espasyo.
"Masakit nga kasi 'tong mga paa ko at saka 'tong katawan ko. Kaya ang gusto ko sana makahiga ako ng maayos at komportable ngayong gabi. 'Yon lang naman ang hinihingi ko sa 'yo, eh. Masama ba 'yon?"
Nag-iba naman ang ekspresyon ng mukha nito marahil nakaramdam ito nang awa para sa kaniya.
"Fine! I will let you sleep in my bed tonight. But, don't be naughty and don't ever touch me," anito sa kaniya habang nakapamaywang. "Is that clear, woman?"
Medyo makapal din pala ang mukha ng lalaking 'to. Pero kaysa patulan niya ito ngumiti na lamang siya ng peke dahil kahit marami itong kondisyon ay pumayag pa rin naman ito sa huli.
"Maraming salamat, Bossing." Masaya siyang nagtalukbong pero kalaunan naisip niyang tawagan muna ang ina kaya nagmamadali siyang bumangon para kunin ang cellphone niya.
"Where are you going?" tanong nito pero hindi niya na ito sinagot dahil nagmamadali na siyang lumabas mula sa kuwarto nito.
Tatawagan niya ang ina para ipaalam dito na nasa maayos siyang kalagayan.
Kaya naman patakbo siyang pumunta sa sala dahil ipinatong niya pala kanina sa center table ang cellphone niya.
Pagdating niya sa sala kaagad niyang dinampot iyon at nakita niyang may mga miss calls at text messages roon ang ina at ang nag-iisa niyang kapatid.
Huminga muna siya ng malalim bago pinindot ang numero ng kaniyang ina.
Dalawang ring pa lang ay sinagot na kaagad nito ang tawag niya. "Ma, kumusta po kayo ni Dani?" bungad niyang tanong sa ina.
"Okay lang kami rito, Anak. Ikaw kumusta ka diyan? Nakarating ka na ba? Malakas din ba ang ulan diyan? Kumain ka na ba?" sunod-sunod na tanong nito sa kaniya mula sa kabilang linya. "Kanina pa ako tawag nang tawag sa 'yo. Akala ko kung ano na ang nangyayari sa'yo d'yan, eh."
"I love you, Ma." Iyon lang ang tanging nasabi niya sa ina.
"I love you too, Anak. Mag-iingat ka diyan lalo na't wala kang kasama," bilin nito sa kaniya. Narinig niya rin ang pagsinghot nito sa kabilang linya.
"I love you too, Mama," buong pagmamahal niyang wika sa ina. "Huwag na po kayong mag-alala malalampasan din po natin ang lahat ng ito."
"Sana nga, Anak. Sana nga."
"Huwag po kayong masyadong mag-alala, Mama, ayos lang po ako rito. Matulog na po kayo at 'wag na po kayong magpuyat. Good night, Ma. I love you."
"Goodnight, Anak. I love you, too. Mag-ingat ka diyan, ha? Tawagan mo kaagad ako kapag nagkaproblema ka riyan."
"Opo," matipid niyang sagot sa ina. "Bye, Ma."
"Bye, Anak."
Nang matapos ang pag-uusap nilang mag-ina ay pabagsak siyang humiga sa sofa na naroon sa sala at pagkatapos ay tumingala siya sa kisame.
Gusto niyang tawagan si Angelo pero parang nagdadalawang-isip siya.
Hindi kasi siya nagpaalam sa kasintahan niya at lalong hindi nito alam ang kinakaharap niyang problema ngayon.
“What are you doing here?” tanong ni Al sa kaniya ng maabutan siya nitong nakahiga sa may sofa habang nagninilay-nilay.
“Dito na lang ako matutulog, Al. Huwag mo na akong intindihin dahil okay lang ako rito,” sagot niya nang hindi ito nililingon. “Matulog ka na dahil alam kong pagod ka,” dugtong niya pa.
Tutal hindi naman bukal sa loob nito na pahigain siya sa kama nito kaya naman hindi na niya ipagsisiksikan pa ang sarili rito.
“Your wish is my command, woman. Just take care because there are so many ghosts here," pahayag nito at pagkatapos ay balewalang pumasok ulit ito sa kuwarto nito at iniwanan na siyang mag-isa.
Mabilis tuloy siyang napabangon at kumaripas nang takbo pabalik sa kuwarto nito.
Naabutan niya itong nakahiga na at balot na balot ang katawan ng kumot. Dahil sa inis niya hinablot niya ang kumot sa katawan nito.
“What is your problem, woman?” bulyaw nito sa kaniya na tila nabigla sa kaniyang ginawa.
Ngumiti siya ng malapad. “Huwag ka munang matulog, lalaki. Mag-usap muna tayo,” mungkahi niya rito. “Marami akong itatanong sa ’yo,” dagdag niya pa.
Kung hindi siya nito tinakot ang ganda na sana ng buhay niya doon sa sala. Kaya bilang ganti hindi niya muna ito patutulugin.
Tinitigan lamang siya nito at hindi ito umimik.
“Nag-uusap na kasi tayo pero hindi pa natin kilala ang isa’t isa kaya naman gusto ko sana na makilala ka. Al, lang ba talaga ang tunay mong pangalan? Ilang taon ka na nga pala? Ano'ng pinagkakaabalahan mo sa buhay? Single or married?"
“Are you done?” Iyon lang ang tanging nasabi nito ng matapos siyang magsalita.
“I’ll make a resume tomorrow and I'll give it to you. But for now, let me sleep because I’m f*****g tired.”
Masyadong maarte ang lalaking 'to.
"Magpapakahirap ka pang gumawa ng resume samantalang puwede mo namang sabihin sa akin ng diretso ngayon," aniya rito pero hindi siya nito pinansin.
"Sleep and don't make a noise. Kung ayaw mo pang matulog puwes magpatulog ka dahil nakikituloy ka lang," pasuplado nitong wika sa kaniya. "Makisama ka dahil hindi ikaw ang masu–"
"Oo na!" Pagpuputol niya sa mga sasabihin pa nito. "Ang dami mo na namang sinasabi." 'Yong hitsura nito kabaligtaran ng pag-uugali nito. Porket guwapo napakasuplado.
Naglagay pa ito ng unan sa pagitan nilang dalawa at pagkatapos ay marahas itong nagtalukbong ulit.
Akala siguro nito gagapangin niya ito.
Ang kapal ng mukha!
Humiga na rin siya patalikod dito kaya magkatalikuran silang dalawa.
Napatingin siya sa isang maliit na lamesa at may nakita siyang baraha na mukhang hindi pa nagagamit.
Maingat siyang bumangon at humakbang para kunin ito.
Nang mahawakan ito kaagad sumagi sa isip niya ang namayapang ama.
Ano bang mayroon sa baraha?
Bakit nalulong dito ang kaniyang ama?
Kung siya ang tatanungin wala naman itong magandang dulot sa sarili lalo na kung isa ka nang pamilyadong tao.
Sabihin na lang natin na nanalo ka ngayon ng daan-daang libo o kaya naman isang milyon pa ang halaga ng napanalunan mo.
Paano kung kinabukasan minalas ka na?
Hanggang sa mga susunod pang mga araw?
Iyon siguro ang eksaktong nangyari sa kaniyang ama.
Bukod sa naging irresponsable ito sinangla pa ang bahay at lupang sakahan nila.
Siguro wala na itong maipusta kaya pati ang mga naipundar ng ina ay nadamay na.
Kung hindi lang siguro ito nalulong sa bisyo malamang kasama pa nila ito hanggang ngayon.
Kung naging huwaran sana ito wala sana siya rito ngayon kasama ang lalaking maarte at laging galit sa mundo.
Napabuntong-hininga muna siya bago ibinalik ang baraha sa lalagyan nito.
Kagaya kanina maingat siyang humakbang at humiga ulit sa kama habang nakatutok ang kaniyang mga mata sa likuran ng taong katabi niya.
Naramdaman niyang gumalaw ang lalaking at kalaunan ay bumaling ito nang higa kaya naman nakaharap na ito sa kaniya ngayon habang payapang natutulog.
Hindi niya maintindihan ang sarili.
There was no question that Al was devilishly handsome. Pero guwapo rin naman ang taong pakakasalan niya.
'Yon nga lang mas lamang pa rin talaga ang katabi niya kung sa hitsura at pangangatawan ang pag-uusapan.
Pero sa pag-uugali? Walang-wala ito kay Angelo. Dahil ang fiance niya ay mabait, maginoo at matalino hindi kagaya ng katabi niya na bastos at lagi pang nakabulyaw.
Mabilis niyang ipinilig ang kaniyang ulo dahil kung ano-ano ang pumapasok sa isipan niya na hindi naman dapat.
Bakit kailangan niyang paghambingin ang dalawa?
Sa hitsura at ugali pa lang magkaiba na.
Maybe she just missed Angelo kaya siguro nababaliw na siya.
“Matawagan nga dahil kung ano-ano nang pumapasok na masamang bagay sa isipan ko,” naiinis niyang wika sa sarili.
“Hi, babe,” bungad ni Angelo mula sa kabilang linya ng sagutin nito ang tawag niya.
The tiredness was obvious in his voice.
Bigla tuloy siyang nakonsensiya kung bakit tinawagan niya pa ito gayong malalim na ang gabi.
“Hello, babe. Nagising ba kita?" Hininaan niya rin ang boses niya dahil baka magising ang katabi niya.
“Hindi naman. Kumain ka na ba?"
"Tapos na."
"Alright. I love you. Sweetdreams. See you soon."
“I love you too. Always take care, okay? Magpahinga ka na at kumain ka sa tamang oras palagi. Alagaan mo palagi ang sarili mo dahil wala ako diyan sa tabi mo.” Tuwing mag-uusap sila lagi niyang pinapaalala na kumain ito ng maayos at mag-iingat ito palagi. "Kinilig ka na naman," biro niya rito dahil narinig niyang tumawa ito nang malakas mula sa kabilang linya.
“Sino ba naman ang hindi kikiligin kung ang taong mahal mo ang kausap mo? Pati nga itlog ko rito kinikilig na rin, eh,” balik nitong biro sa kaniya kaya naman kapwa na sila nagtatawanan ngayon.
Angelo was her best friend and long-time boyfriend and now her fiance. Apat na buwan na lang ikakasal na sila.
Mga bata pa lang magkaibigan na sila at malapit na talaga sa isa't isa.
Nagsimula ang kanilang relasyon noong unang taon niya sa mataas na paaralan at si Angelo naman ay nasa ika-tatlong taon na noon.
Parehong alam ng kanilang mga magulang na may namamagitan na sa kanila.
Ayos lang naman daw kung maging magkasintahan na sila basta lagi lang daw nilang tatandaan na mag-aral muna at huwag gumawa ng isang bagay na makakasama sa kanilang dalawa.
Since then, Angelo was a very perfect boyfriend for her. Malayong-malayo ito sa kaniyang ama.
He was the man that she wanted to be with until her last breath.
Mas matanda ito sa kaniya ng tatlong taon. Sa tinagal-tagal nilang magkasama ni Angelo hindi pa sila nag-away ng malala dahil mapagmahal, maunawain at mapagpakumbaba ito.
Minsan kahit kasalanan na niya ito pa rin ang humihingi ng tawad sa kaniya.
Angelo was also a police officer.
Natatakot siya sa uri ng trabaho nito kaya halos araw-araw siyang nagpapaalala na mag-iingat ito palagi dahil ayaw niyang mabiyuda kaagad balang araw kapag naging mag-asawa na sila.
“I love you at alam mo ‘yan, ‘di ba?” paglalambing nito. "Huwag mo akong alalahanin dahil lagi akong nag-iingat. Ayaw ko kasing umuwi sa 'yo na may sugat o galos man lang. Alam ko kasing mag-aalala ka, eh."
“Mabuti at alam mo! Kapag umuwi ka na may sugat o galos man lang lagot ka talaga sa akin!" pananakot niya rito.
"Yes, commander," tugon nito na halatang tumatawa pa rin.
"Sige na, magpahinga ka na. Goodnight and I love you," wika niya rito.
"Mas mahal kita. Goodnight, babe. Bye," paalam naman nito bago pinatay ang linya.
"Bye."
Nang matapos ang kanilang pag-uusap pakiramdam niya nakahinga siya nang maluwag.
Nagulat siya ng may babasaging bagay na bumagsak mula sa kanyang likuran kung saan nakapuwesto si Al.
Nilingon niya ang lalaki at nakita niyang nakaupo na ito ngayon habang dumudugo ang kanan nitong kamao
Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis itong nilapitan.
"What did you do?" bulalas niya rito habang hawak-hawak niya ang kamao nitong dumudugo. "Where's your first aid kit?" Balisa siyang tumingin-tingin sa paligid baka sakaling makita niya ang hinahanap. Napalingon siya rito nang hindi ito sumasagot. "Bingi ka ba? Where's your first aid kit?" ulit niyang tanong dahil mukhang wala itong balak magsalita.
"Damn it!" She was afraid of blood, too! Bukod sa dilim takot din siya sa dugo! What the f**k is wrong with this guy? Hindi niya kasi nakita ang nangyari dahil nakatalikod siya rito habang kausap niya si Angelo.