Parang namanhid ang buong katawan ni Diva habang pinagmamasdan ang dugong umaagos mula sa kamao ni Al. Bumilis din ang t***k ng puso niya. For the second time in her life muli na naman siyang nakaramdam ng takot. The same fear she felt when Angelo has shot in his arms a year ago. "How stupid of you!" malakas niyang sabi kay Al bago ito iniwanan para makahingi ng tulong sa pinsan nito. Tumakbo siya palabas ng kuwarto nito para tawagin ang pinsan nitong si Roberta. “Roberta!” malakas niyang tawag sa pangalan ng pinsan nito. Hindi ito sumagot kaya inulit niya ang pagtawag dito at sa pagkakataong ito mas doble pa ang lakas ng kaniyang boses kumpara sa nauna. “Roberta!” paulit-ulit niyang tawag sa pangalan nito. “What happened? Bakit ba sigaw ka nang sigaw? Ano ba'ng nangyayari sa

