Episode 9

2097 Words

Alas-tres pa lang ng madaling araw ay gising na si Diva. Kagaya kahapon, malakas pa rin ang patak ng ulan na naririnig niya mula sa labas ng bintana. Tinatamad man na bumangon pero pinilit niya ang sarili dahil may lakad siya ngayon. Nagsisisi tuloy siya kung bakit hindi siya nag-file ng leave. Wala kasing kasiguraduhan kung makakauwi siya mamaya dahil masama pa rin ang panahon hanggang ngayon. At isa pa, hindi niya pa nakakausap ang taong sadya niya rito sa Bicol. Bago tuluyang bumangon ay napatingin muna siya sa direksiyon ni Al. Napakaamo ng mukha nito ngayon habang tulog kapag kasi gising si Al lagi itong nakasimangot. Napailing siya at marahas na napabuga ng hangin. Minabuti niyang lumabas na muna sa silid nito para makasagap ng sariwang hangin. Pakiramdam niya kasi hin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD