"Sigurado ka bang sasama ka talaga sa 'kin?" paninigurong tanong ni Al kay Diva. "Oo nga!" matigas niyang pahayag. Umulan man o bumagyo wala nang makakapigil pa sa kaniya. "Are you sure?" Paulit-ulit siya nitong tinatanong kaya paulit-ulit din ang sagot niya. "Oo nga! Sasama nga ako!" "Mas malayo ang lalakarin natin kumpara sa nilakad natin papunta rito," wika nito na para bang gusto nitong ipahiwatig sa kaniya na 'wag na siyang sumama. Mukhang duda ito kung kakayanin niya ba ang malayong lakaran. Kahit hindi siya mahilig maglakad-lakad para gumala sa Maynila, sa pagkakataong ito kahit tumakbo pa siya ng ilang kilometro ay malugod niyang gagawin. "Sasama nga ako! At kahit doble pa ang layo ng lalakarin natin o kahit triple pa kumpara sa nilakad natin papunta rito, ayos lang sa 'k

