Episode 11

1977 Words

Natatakot si Diva sa uri ng tingin na ibinibigay sa kaniya ni Al ngayon. Lahat ng mga negatibong bagay na puwedeng mangyari sa pagitan nilang dalawa ni Al ay pumapasok na sa isipan niya. Dalawa lang kasi sila dito sa loob ng isang napakalaking bahay. Lihim niya na ring sinisisi ang sarili kung bakit sumama siya rito. "What are we doing here, Al? Who is the owner of this big house?" Ang mas lalong ikinakatakot niya na baka trespassing sila. At kapag minalas sila baka dito na siya bawian ng buhay. Itong kasama niya kung umakto akala mo pag-aari nito ang lahat. Hagis dito, hagis doon ang ginagawa nito sa mga dala-dala nito. "Kung hindi mo naintindihan ang tanong ko, uulitin ko ulit. Kaninong bahay 'to? Ano'ng ginagawa natin dito?" Imposible naman kasi na pag-aari nito ang bahay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD