"Ikaw ba si Brent?" tanong ni Diva kay Al. Kung kanina nakaupo lang ito, ngayon naman nakahiga na ito sa sofa. Kanina pa siya nanggigigil dito dahil sinasayang nito ang oras niya. Umalis muna siya sa harapan nito sandali para magbihis dahil hindi siya makakilos ng maayos. Tanging tuwalya lang kasi ang bumabalot sa kabuharan niya. "Ikaw ba si Brent, Al?" tanong niya ulit dito nang makabalik siya pero ang magaling na lalaki imbes na sagutin ang tanong niya ay sumisipol-sipol lang. Kaya sa sobrang inis niya ay nilapitan niya ito at hinawakan ang suot nitong boxer short. Hinatak niya iyon nang pagkalakas-lakas dahilan para mapunit ang kaisa-isa nitong saplot. Mabilis itong napabangon. “f**k!” reklamo nito. “What the hell are you doing, woman?” “Tinatanong kita kaya sumagot ka ng maay

