Halos hindi makakain ng maayos si Diva dahil nakatitig na lamang s'ya sa kaharap niya. Ano kaya ang gagawin nito sa kaniya mamaya? Paano kung mabuntis siya? Pananagutan kaya siya nito? Hindi kasi malayong mabuntis siya lalo na kung isang linggo siya nitong gagamitin. "Eat!" Napasinghap siya at halos umangat ang puwet niya mula sa kaniyang kinauupuan ng bigla itong sumigaw. "Kumain ka nang marami para may lakas ka mamaya," paalala nito. Saglit siyang natigilan pero tumango rin kalaunan. "Oo," labas sa ilong na tugon niya rito. Ang sabi kasi nila sobrang sakit daw talaga kapag first-time mong makipagtalik. Ang ilan kasi sa mga kaibigan niya ay nagkukuwentuhan paminsan-minsan tungkol sa mga naging karanasan nito. Halos hindi nga raw makalakad ang mga ito at ang iba naman ay nagka

