Malalim na ang gabi pero dilat na dilat pa rin ang mga mata ni Diva. Binabantayan niya kasi si Brent na hanggang ngayon ay mataas pa rin ang lagnat. Nakayakap ito sa kaniya at wala na yata itong balak na pakawalan siya. Samantalang kapag nagkakasakit si Angelo hindi naman ganito ang posisyon nila. At isa pa, ayaw no'n na mahawa siya kaya itinataboy siya nito sa tuwing may sakit ang kasintahan. Hindi kagaya ng katabi niya ngayon na daig pa 'yong linta kung makakapit. "f**k! I can't breathe, Brent," bulong niya rito. Kanina niya pa binabaklas ang mga braso nitong nakapulupot sa katawan niya pero mas lalo lang nitong hinigpitan iyon. "Papatayin mo ba ako?" Bigla itong nagmulat ng mga mata. "Don't leave me, Ville." Tumango siya. "I won't." Ngumiti naman ito ng tipid sa kaniya at pagk

