Alas-onse na nang umaga ng magising si Diva kaya naman kaagad siyang bumangon para iligpit ang pinaghigaan niya. Hindi pa man siya natatapos sa pagliligpit ng biglang bumukas ang pintuan. Sumulpot si Brent habang salubong ang mga makakapal nitong kilay. Nakasuot ito ngayon ng kupas na pantalon at long sleeve. "Finally! Nagising ka na rin! Kanina pa dapat ako nakaalis kaya lang ang tagal mong gumising," bungad nitong wika sa kaniya. Naningkit tuloy ang mga mata niya. "Saan ka pupunta? Hindi ka pa magaling, 'di ba? Bakit lalayas ka na?" Nilapitan niya si Brent at sinalat niya ang leeg nito dahilan para bahagya itong mapaatras. Wala na itong sinat pero hindi niya tiyak kung maayos na ba talaga ang pakiramdam nito. "Saan ka pupunta at sino ang pupuntahan mo? Babae ba ang pupuntahan

