"Nandito na tayo, Ville," imporma ni Brent kay Diva makalipas ang halos kalahating oras nilang paglalakad. "Huwag na huwag kang lalayo sa 'kin, maliwanag ba? At kapag sinuway mo ang utos ko, yari ka sa 'kin mamaya pag-uwi natin." "Opo. Hindi po ako lalayo mahal na hari," papilosopong tugon niya rito at pagkatapos ay luminga-linga siya sa paligid. Huminto sila ni Brent sa isang kubo na nakatayo malapit sa palayan. Napapaligiran din iyon ng mga puno ng saging at niyog. Nagulat siya nang patakbong lumapit sa kanila ang isang batang lalaki. "Good Morning, Tito Pogi," bati nito kay Brent pagdating nila sa kubo. Sa tantiya niya ay pito o walong taong gulang pa lamang ito. Pagkatapos nitong batiin si Brent ay napatingin naman ito sa kaniya. "Hi po, Tita Ganda." "Hi, baby boy," balik niyang

