Nang makarating sila ni Brent sa bahay nito ay dumiretso kaagad siya sa kuwarto para i-check ang cellphone niya. Hindi niya kasi 'yon nadala kanina nang sumama siya Brent papunta sa palayan. Eksakto naman ma tumunog iyon hindi pa man niya nadadampot. Napamura siya nang sunod-sunod dahil ang kaibigan at katrabaho niyang si Shane ang tumatawag. Pinindot niya kaagad ang answer button at itinapat iyon sa tainga niya. "Nasaan ka ngayon? I almost called you a hundred times! Ngayon ka pa talaga um-absent? Kahit nga may sakit ka pumapasok ka pa rin! Nang mabaril si Angelo pumasok ka pa rin, 'di ba? Why now? Where the hell are you?" Halos hindi na siya makasingit dahil sa sunod-sunod nitong tanong sa kaniya sa malakas na boses. Totoo naman kasi 'yong mga sinabi nito. Noong mga panahon na naba

