Katatapos lang nilang kumain ng hapunan ni Brent nang may biglang tumawag dito kaya pansamantala muna itong nagpaalam sa kaniya. Habang hinihintay itong matapos sa pakikipag-usap sa cellphone nito ay nagpasya muna siyang pumunta sa labas ng bahay nito at sumakay sa duyan. Ang duyan na tinutukoy niya ay nakatali sa magkabilang puno ng caimito na nasa gilid ng bahay nito. Kung dati-rati ay lagi siyang nakabuntot kay Brent, ngayon ay hindi na. Minsan nga ay iniiwanan na siya nitong mag-isa pero hindi na siya natatakot. Kagaya ngayon. Nasa loob si Brent at siya naman ay nasa labas ng bahay nito habang nakasakay sa duyan. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa kapaligiran. Nakakaaliw din na pagmasdan ang mga alitaptap na lumilipad sa paligid ng bahay ni Brent. Unti-u

