Episode 33

2254 Words

Nagulat si Brent nang umupo sa kandungan niya si Ville. Simula nang makausap niya kahapon ang anak na dalaga ng isa sa mga tauhan niya ay nagalit na ito sa kaniya. Simpleng usap lang naman iyon dahil gusto raw nitong mag-aral kaya humingi ito nang tulong sa kaniya na agad naman niyang pinagbigyan. Halos magdamag niya rin itong sinuyo pero binulyawan lang siya nito at ipinagtatabuyan. Hindi rin siya pinagbigyan nito kagabi dahil naiinis daw ito sa kaniya kaya nga dito na siya sa sofa natulog magdamag. Ngayon naman ito na mismo ang lumapit sa kaniya at hinahalik-halikan pa siya nito sa mga pisngi niya. “Galit ka ba sa akin?” tanong nito. “I'm not.” Hinaplos-haplos niya ang maganda at may kahabaan nitong buhok. "Bakit hindi ka tumabi sa akin kagabi? Bakit dito ka sa sofa natulog?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD