Naabutan ni Brent si Chloe na binubuksan ang lahat ng kaldero na nasa loob ng kusina niya. Ang anak naman nitong si JL ay sinisipat ang lahat ng laman ng refrigerator niya. "Hindi ka pa ba nagluluto, Kuya?" tanong ng kapatid niya na ngayon ay nakikisingit na rin ito sa anak nito na tumitingin sa mga laman ng refrigerator niya. "Tanghali na kasi pero nakahiga pa rin kayong dalawa." Akala mo alipin siya nito kung makapagreklamo ito. "Hi, Tito," bati naman ng pamangkin niya. "I want to eat carbonara today. Can you cook for me, Tito?" "Ano ba'ng ginagawa niyong mag-ina rito?" tanong niya sa dalawa na akala mo mga gutom na pusa. "Dinalaw ka po namin. Hindi ka po ba masaya, Tito?" "Wala akong sakit kaya hindi niyo ako kailangang dalawin," naiinis niyang pahayag. "Wala na ba kayong makai

