Episode 36

2157 Words

Naiinis si Diva ngayon dahil uminom na naman si Brent. Hindi niya alam na umalis pala ito kanina pagkatapos nilang mag-usap. Ang akala niya ay mahimbing na itong natutulog. 'Yon pala ay umalis pa ito at nagpakalasing kasama ang kaibigan nitong si Genesis. "Hindi ka ba naawa doon sa nagtitinda ng itlog? Bakit mo pinatulan 'yong tao? Ano ba ang nangyayari sa 'yo?" sunod-sunod niyang tanong habang nakatayo sa harapan nito. Sesermunan niya rin sana si Genesis kaya nakaalis na ang lalaki. Alam niya kasing lasinggero rin ang isang iyon. "Huwag kang maniwala sa mga sinabi ni Genesis dahil hindi totoo 'yon. At saka hindi pa sira ang ulo ko para gumawa ng eksena," paliwanag nito. "Doon ako uminom sa bahay nila at hindi doon sa crossing. Ang gagong 'yon napakasinungaling talaga!" "Sabihin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD