"Ate," tawag ng nakababatang kapatid ni Diva na si Danica. Hindi niya kasi ni-lock ang pintuan ng kuwarto niya kaya tuloy-tuloy na itong pumasok. "Pasensiya ka na kung sinabi ko kay mama na nakipag-s*x ka na kahit hindi naman talaga ako sigurado," untag nito sa kanya habang nakangiwi. "Mukha ka kasing haggard kaya 'yon kaagad ang pumasok sa isipan ko. Namumutla ka kasi tapos nanghihina ka pa." "Bakit alam mo ang tungkol sa mga bagay na 'yon, Danica? Lumalandi ka na ba, ha?" tanong niya habang nanlalaki ang kaniyang mga mata. "Napakabata mo pa para mga ganoong bagay, Dani, ha. Umayos ka!" "Hindi ako marupok, 'no! At isa pa, gusto ko pang makapagtapos ng pag-aaral kaya hindi ko gagawin ang mga bagay na sinasabi mo." "Ayusin mo lang! Itatakwil talaga kita bilang kapatid! Ang bata-bata m

