Brent misses Ville so much. Mahigit isang buwan kasi na hindi niya nakita si Ville dahil sa kabaliwan ng kapatid niya. Hindi naman pala ito buntis kagaya ng sinasabi nito. Todo alaga pa siya sa kapatid niya 'yon pala ay nag-iinarte lang ito. Kung hindi niya lang ito mahal baka ibinitin niya na ito patiwarik. Kahapon lang nito inamin sa kaniya na hindi naman pala ito nagdadalantao. Naaawa na raw kasi ito sa kaniya dahil bumubulong-bulong na siya sa isang tabi. Sa tuwing mag-uusap kasi sila ni Ville lagi niyang sinasabi na maselan ang pagbubuntis ng kapatid niya. Kung ano-ano kasi ang hinihiling nito tapos umaakto pa ito na nasusuka. Kaya sino'ng hindi mag-aalala? Kung tutuusin may asawa na ang kapatid niya na puwedeng mag-alaga rito kaya lang hindi niya naman ito matiis. Hindi

