"I miss you," paulit-ulit na bulong ni Brent kay Diva habang kumakain sila. Hindi niya ito pinapansin dahil naiinis siya rito. Mahigit isang buwan itong hindi nagpakita sa kaniya tapos ngayon bigla na lang itong susulpot ng walang pasabi. Magkatabi kasi sila nito ng upuan ngayon kaya malaya itong kulit-kulitin siya. Maya't maya rin nitong nilalagyan ng pagkain ang plato niya para raw hindi kaagad siya napapagod sa tuwing may ginagawa sila. "Mama," tawag nito sa mama niya na ikinagkas ng mga kilay niya. "Kami na lang po ni Ville ang maghuhugas ng mga pinagkainan natin," pahayag ni Brent kaya naman napaubo siya gano'n din ang kapatid niya. "Sigurado ka, Hijo?" "Yes, Ma!" Bahagya niya itong siniko dahil parang normal lang dito ang makipag-usap sa mama niya. Kinurot niya rin ito ng

