Episode 5

2018 Words
Pagdating ni Diva sa banyo ay agad niyang binuksan ang dala-dala niyang bag. Gano'n na lang ang kaniyang pagkadismaya na halos lahat ng naroon ay basang-basa at wala man lang tuyong damit na natira na puwede niyang suotin. Isa lang ang ibig sabihin no'n wala talaga siyang susuotin. Nanghihina siyang napasandal sa pader ng banyo. Inuntog-untog niya rin nang mahina ang kaniyang ulo. So, what now? Mananatili siyang nakahubad hanggang sa matuyo ang lahat ng mga damit niya? Nataranta siya ng biglang mamatay ang ilaw sa banyo. Binuksan niya nang kaunti ang pintuan at gano'n na lang ang nararamdaman niyang takot dahil madilim din sa buong kabahayan. Dahil kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan niya kaya lumabas siya ng banyo at tumakbo habang tumitili. Wala na siyang pakialam kahit na nakahubo't hubad pa siya. Takot kasi talaga siya sa dilim. Kaya nga kapag walang kuryente sa bahay nila sa Maynila ay halos hindi siya humihiwalay sa mama niya. "Ahh! Tulong!" malakas niyang tili na halos umalingawngaw sa buong kabahayan. Napahinto siya sa pagsigaw dahil mayroon din isang tao na sinigawan siya. "Will you stop yelling?" sita sa kaniya ng isang baritonong boses. Ang pinanggalingan ng boses nito ay parang malapit lang sa puwesto niya kaya kahit papaano ay nabawasan ang takot na nararamdaman niya. "Mister, nasaan ka? Puwede bang lumapit ka sa akin ng kaunti? Takot kasi ako sa dilim, eh." "Shut up!" bulyaw ulit nito na halos kasing lakas din ng tili niya. "You're too old to be scared." "Ah!" sigaw niya ulit at hindi pinansin ang sinabi nito. Napakalaki kasi ng bahay na lalong nakakadagdag sa takot niya. "What's your problem? Aren't you tired of screaming? Your mouth is like a car horn, you're too noisy!" asik nito sa kaniya. "Nasaan ka ba kasi? Bakit ang dilim? Bakit walang ilaw? Ano'ng nangyayari, Mister?" sunod-sunod niyang tanong sa lalaki pero hindi man lang ito nag-abalang sumagot. "Help me! I'm scared!" Hindi niya maaninag ang kaniyang dinadaanan kaya naman kinakapa niya na lang ang pader para hindi siya madapa. "s**t! What the hell is wrong with you, woman?" mariin nitong tanong sa kaniya habang mahinang nagmumura. Pagkalipas ng ilang minuto bumaha na ang liwanag sa buong kabahayan. Bumalik na ang ilaw kaya naman labis ang tuwa na nararamdaman niya. Noon lang din bumalik ang normal na pagtibok ng puso niya. Tumingin siya sa paligid at gano'n na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata dahil nasa tabi niya si Sungit. Nakahalukipkip ito habang matalim ang tingin sa kaniya. "Why are you f*****g naked? Sinasagad mo ba talaga ang pasensiya ko?" Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa pagkatapos ay bumalik ulit ang tingin nito sa mukha niya. "Sa tingin mo ba maaakit ako sa ginagawa mo ngayon?" Umigkas ang isang kilay niya at tinatagan ang loob kahit kanina pa siya naiilang dahil sa mga titig nito. "Para sa kaalaman mo kaya ako lumabas dahil walang ilaw sa banyo at saka wala akong balak na akitin ka, 'no! Ano naman ngayon kung nakahubo't hubad ako? Sa 'yo na rin naman nanggaling na wala kang pakialam kahit maglakad-lakad pa ako sa harapan mo, 'di ba? Bakit parang nagagalit ka ngayon? Bakit naaapektuhan ka–" Napahinto siya sa pagsasalita ng makarinig siya ng kaluskos kaya tumakbo siya nang mabilis para pumasok ulit sa banyo. Dahil sa pagmamadali, nadulas tuloy siya at bumagsak sa sahig. Hindi kaagad siya nakabangon dahil sa sobrang lakas ng pagkakabagsak niya. "What are you doing, woman? You're so stupid!" angil nito sa kaniya pero halata sa boses nito ang pag-aalala o baka naman imahinasyon niya lamang 'yon. "Ano ba'ng ingay iyon? Ay, kabayo! Kinakabayo!" bulalas ng isang boses babae mula sa kung saan. Marahil ito ang pinsan na tinutukoy ng lalaking kasama niya. Masuwerte pa rin siya at hindi lalaki ang nakakita sa kaniya sa ganoong sitwasyon. At dahil hindi niya kayang bumangon yumuko na lamang siya para ikubli ang kaniyang mukha dahil sa sobrang kahihiyan. "Ah-eh, maiwan ko muna kayo d'yan. Ahm...may mga gagawin pa pala 'ko," narinig niyang saad nito. Mayamaya pa ay narinig na niya na ang papalayong yabag ng babae. Hindi man lang nagpaliwag ang lalaking kasama niya kaya medyo nakaramdam siya ng inis. Sino ba naman ang hindi aalis kaagad? Siya, nakahubo't hubad. Ito namang lalaking kasama niya naka suot lang ng brief. "Lahat na nang katangahan sinalo mo!" sermon nito sa kaniya habang tinutulungan siyang makatayo. Hinintay muna nitong makaalis ang babae bago siya nito sinita. Kanina hindi man ito lang nagpaliwanag samantalang ngayon na silang dalawa na lang ang dami-dami na naman nitong sinasabi. "Ang sakit ng katawan ko," pagrereklamo niya. Inakay na rin siya nito papasok sa banyo. Napasimangot siya ng makitang namumula ang kaniyang mga tuhod. "Ang sakit ng tuhod ko," mahinang bulong niya. "Will you please shut up!" nakaismid nitong sita sa kaniya. "Masama na bang magsalita ngayon? Nasa malayang bansa tayo kaya puwede akong magsalita kahit kailan ko gusto at wala kang magagawa," aniya sa lalaking walang emosyon. Napakurap-kurap siya ng bigla itong tumalikod at basta na lamang hinubad ang suot nitong brief. At pagkatapos ay bigla itong humarap sa kaniya ng nakahubad. Balak pa yata nitong maligo at gagawin siya nitong audience. In short, panonoorin niya ito habang naliligo! "Bakit mo siya panonoorin? Puwede ka naman tumalikod!" anang isang bahagi ng utak niya. Walang ekspresyon na mababakas sa guwapo nitong mukha. Hindi man lang ba ito naiilang sa kaniya? Hindi niya mapigilan na hindi mapatingin sa katawan nito. Simula sa paa papunta sa tuhod pataas sa…kusang huminto ang kaniyang mga mata sa gitnang bahagi ng katawan nito. Nakita niyang nakasaludo ang alaga nito sa kaniya at bahagya pang tumatango-tango kaya naman tinitigan niya ito ng husto. "It looks like you want to touch and eat my precious pet," pukaw nito sa kaniya. Siguradong pulang-pula na ang mukha niya ngayon dahil nakita nitong titig na titig siya sa alaga nito. Kaya naman bigla siyang tumalikod at ikinumpas-kumpas ang daliri na akala mo may itinuturo siyang bagay kahit wala naman. "Lalabas na ako. Kanina pa pala ako tapos. Mauuna na ako sa 'yo," natataranta niyang wika habang nakatalikod dito. Nang hindi ito tumugon ay nilingon niya ito at nakitang nagsasabon na ito ng katawan kaya naman mabilis ulit siyang tumalikod. Hindi nga pala siya makakalabas. Paano siya lalabas? Eh, wala nga siyang saplot kahit isa. Kaya naman wala siyang ibang pagpipilian kundi ang hintayin itong matapos para manghiram ng damit. "Mister, puwede ba akong manghiram ng damit sa 'yo?" malumanay niyang tanong dito. "Just wait and Shut up! I don't want to hear a single word coming from your big mouth!" tugon nito. Bumuntong-hininga siya at pagkatapos ay tumango-tango. "Sorry." Kailangan niyang mag-adjust dahil siya ang may kailangan. Pagkatapos ng ilang minuto ay tapos na itong maligo. Balewala itong lumabas ng banyo kahit na nga kagaya niya wala rin itong kasaplot-saplot sa katawan. Pagbalik nito ay mayroon na itong suot na short at may dala-dala na rin itong isang tuwalya at isa pang bathrobe. Ito na mismo ang nagsuot ng bathrobe sa kaniya. "Next time, don't walk in front of me naked." Tiningnan niya ang mukha nito at kagaya kanina wala pa rin itong emosyon na mababakas sa mukha nito. Ang mga mata nito ay walang kabuhay-buhay na para bang puno-puno iyon ng kalungkutan. Dinala siya nito sa isang malaking kuwarto. Dahan-dahan siya nitong inilapag sa ibabaw ng kama. Marahil dito ito natutulog kapag nagagawi ito sa bahay ng pinsan nito. "Is this your own room?" usisa niya rito pero kagaya kanina wala siyang nakukuhang sagot mula rito? Namangha siya ng makitang malinis na malinis ang kuwartong pinagdalhan nito sa kaniya. Kumpleto rin ang mga gamit na naroon at maayos na nakasalansan ang mga libro. Kung noon na nasa bus sila ay mapang-asar ito at malandi. Ngayon naman ay masungit ito at laging pabulyaw kung magsalita. "Puwede bang pahiramin mo muna ako ng damit habang pinapatuyo ko 'yong mga damit kong nabasa?" maya-maya ay tanong niya rito. Hindi kasi siya nito sinagot kanina. Pakiramdam niya biglang uminit ang paligid dahil sa tingin na ipinupukol nito sa kaniya ngayon kaya naman bigla niyang binawi ang pagtitig dito. Ipinilig niya ang kaniyang ulo. "Mister, pahiram muna ako ng damit. Nilalamig na kasi talaga ako, eh," pag-uulit niya. Baka kasi bingi lang ito at hindi lang siya naririnig ng husto. "Who wouldn't be? Kanina ka pa palakad-lakad ng nakahubad. Your body is not a well-shaped, woman. So, stop walking like a f*****g model because you're not! And, instead of being attracted to you, I hate what you are doing now! I was even more disgusted with you!" Ang dami na namang sinabi. Umigkas ang isang kilay niya. "Manghihiram lang naman sana ako ng damit kasi nga nabasa lahat ng dala-dala ko. Pero, ayos lang kung ayaw mo. Huwag ka na lang magsalita ng kung ano-ano. Pasensiya na rin kung nakakaistorbo na ako. Hayaan mo, pagtila ng ulan aalis na kaagad ako rito," mahabang paliwanag niya sa lalaki. "Just choose a dress that will fit you in my dresser." Pagkasabi no'n ay lumabas na ito at pabalyang isinara ang pintuan. Napakasama ng ugali ng lintik na 'yon. Hindi man lang gentleman. Hindi pa siya nakakabawi sa pagkagulat ng muli na naman itong bumukas at kagaya kanina pabalya ulit nitong binuksan iyon. Dumiretso ito sa tukador at may hinahanap na kung ano. "Wear this," maawtoridad nitong utos sa kaniya na akala mo asawa siya nito. "Huh?" naguguluhan niyang tanong dito. Sabi kasi nito kanina mamili na lang daw siya ng damit na isusuot niya pero ngayon ito na mismo ang nag-abot ng damit na susuotin niya. Kumunot ang noo nito sa naging reaksiyon niya. "What? 'Di ba nanghihiram ka sa 'kin ng damit kani-kanina lang? Dahil ang sabi mo lahat ng mga damit mo nabasa ng ulan, 'di ba? May sasabihin ka pa ba?" Tiningnan niyang mabuti ang binigay nitong damit at sa tantiya niya aabot lang iyong hanggang sa kalahati ng hita niya. Ano'ng isusuot niya panloob? Wala na lang? Huminga muna siya ng malalim dahil balak niyang manghiram ng pajama o 'di kaya'y boxer short. "Kung hindi mo mamasamain, Mister, puwede bang pahiramin mo pa ako ng short?" Tiningnan nito ang damit na ibinigay sa kaniya. "Ano kasi…lahat talaga kasi nabasa at walang natira, eh." Tumango naman ito at muling naghalungkat. Nanlalaki ang mga mata niya ng hagisan siya nito ng panty. "I can read what you're thinking. Stop that!" saway nito habang nakakrus ang mga braso sa tapat ng dibdib nito. "I'm not saying anything!" mabilis niyang sagot habang nakatingin ng diretso sa mga mata nito. "Alam ko kung ano ang iniisip mo. Kaya kung anuman 'yang iniisip mo itigil mo na dahil nagkakamali ka." Ang galing naman nito. Maybe this man has power because he can read her mind. "I don't have any kind of power or whatever. It's easy to read a person's mind based on their reaction so don't be ignorant of that," sarkastikong dagdag nito. "Wala akong masamang iniisip," giit niya. "Liar," wika nito. "No. I'm not!" pagmamatigas niya kahit halatang-halata ang pagiging defensive niya masyado. "Yes, you are!" Ayaw talaga nitong magpatalo. Kaya naman wala siyang choice kundi sabihin dito ang gusto niyang sabihin. "Fine! Iniisip ko kung bakit may panty ka." "What's wrong with that? May problema ka ba kung nagsusuot rin ako ng panty?" tanong nito kaya mabilis siyang umiling-iling. "Wala naman akong sinasabi, ah." Napatingin siya sa panty na hinagis nito. Sa tingin niya kasi hindi iyon kasya sa lalaki dahil malaki ang pangangatawan nito. "Lalabas lang ako saglit, Babae. At kapag hindi ka pa nakapagbihis pagbalik ko babawiin ko 'yang mga 'yan at hahayaan kitang maghubad magdamag kahit na manginig ka pa sa lamig," anito bago siya iniwanan. Napakasama talaga ng ugali. Kung umakto pa ito akala mo ito ang may-ari ng bahay. Napairap muna siya sa hangin bago napagpasyahan na magbihis. Mahirap na dahil baka biglang bumalik ang lalaki at kunin nito ang mga bagay na ipinahiram sa kaniya kapag nadatnan siya nitong hindi pa nakakapagbihis. Sa tono kasi ng boses nito kanina halatang hindi ito nagbibiro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD