Episode 4

2063 Words
Basang-basa na si Diva sa ulan kaya nanginginig na siya. Parang gusto niya tuloy isumpa ang araw na ito. "Nakakainis! Ang baliw na 'yon, sinabi na ngang hintayin ako, eh! Ang bingi-bingi!" naiinis niyang kausap sa sarili habang luminga-linga. "Saan kaya ako pupunta sa kaliwa o kanan?" Baka nga kapag may nakakita sa kaniya sa ganoong sitwasyon baka isipin ng mga ito na isa siyang baliw. "What are you doing? Are you going to sit down here all night?" tanong ng isang baritonong boses mula sa kaniyang likuran. Unti-unti niya itong nilingon at napag-alaman na ang lalaki pa lang bingi ay binalikan siya. Kanina halos mapaos siya sa kakasigaw hindi man lang siya nito nilingon. "Bumalik ka pa! Hayop ka! Nakakainis kang lalaki ka!" anang isang bahagi ng utak niya. Gusto niya sana itong sitahin kaya lang wala naman siyang karapatan dahil siya itong sumunod-sunod dito. "What? Ano tititigan mo na lang ba ako?" pukaw nito sa kaniya habang nakataas ang mga kilay nito. "Kung iniisip mong romantic ito dahil nasa gitna tayo ng ulan puwes ako hindi. Hindi ako kinikilig dahil naiinis ako ng husto!" dagdag pa nito sa pabulyaw na tono. Ang kapal ng mukha! Sino ba ang nagsabing pinapakilig niya ito? Sarap sipain, eh! Umirap siya sa hangin dahil walang mangyayari kung papatulan niya ito. "Simulan na natin maglakad kaysa sa hintayin pa natin na tumila ang ulan," wika nito at nag-umpisa ng maglakad nang mabilis. She stared after him. Tanging malapad na likuran na lamang nito ang nakikita niya. Hindi siya makapaniwala na nandito siya ngayon sa ganitong sitwasyon. Naramdaman siguro nitong hindi pa siya kumikilos kaya lumingon ito at sumigaw na naman. "What? Do you f*cking want to stay here?" galit nitong tanong sa kaniya ng hindi pa siya kumikilos. "Lead the way," mahinahon niyang tugon dito. Sinunod naman nito ang utos niya. Maliit lang ang distansya na nakapagitan sa kanilang dalawa. Kahit malakas ang ulan nariring niya ang mahihina nitong pagmumura. Luminga-linga siya sa paligid. Nakaramdam siya ng takot ng makitang puro malalaking puno ang nadadaanan nila. Binilisan niya ang paglalakad kaya halos matalisod siya. Pinantayan niya ang lalaking kasama sa paglalakad. Kulang na lang hawakan niya ang laylayan ng damit nito dahil sa nararamdaman niyang takot. "What?" tanong nito dahil halos magkadikit na ang mga katawan nila. Siguro napansin nito na aligaga siya dahil kanina pa siya palingon-lingon. Tumitingin siya sa kaliwa. Sa kanan pati na rin sa likuran. Sino ba naman ang hindi? Walang kabahay-bahay sa dinadaanan nila. Paano kapag may sumulpot at patayin silang dalawa? Kahit sumigaw siya nang sumigaw walang makakarinig sa kanila. "Malayo pa ba 'yong bahay ng pinsan mo?" tanong niya rito habang hindi mapakali ang mga mata niya. Mababakas din sa mukha niya ang takot. "Malapit na," walang buhay nitong tugon sa kaniya. "Gaano na kalapit?" tanong niya ulit. Kanina pa kasi sila naglalakad, eh. Ang dilim-dilim na nang dinadaanan nila. Paano kung may ahas? Sh*t! Wala naman sana! "Ahh!" malakas niyang sigaw ng may biglang tumalon na palaka sa harapan niya. "You're so f*cking noisy!" sita nito sa kaniya. Wala man lang itong reaksiyon. Hindi man lang ba ito nagulat? Sabagay, sanay na sanay na siguro ito na makakita ng ganoon. Kumapit na siya sa laylayan ng damit nito para hindi ito makapag-lakad nang mabilis. Wala rin siyang pakialam kahit matalim pa ang tingin na ipinupukol nito sa kaniya ngayon. Medyo matarik na ang kanilang dinadaanan at pagkatapos ay tumawid pa sila sa ilog. "Malayo pa ba?" tanong niya rito. Huminto siya saglit kaya napahinto rin ito dahil nakakapit siya sa laylayan ng damit nito. "Puwede bang magpahinga muna tayo kahit sandali? Ang sakit na kasi ng mga paa ko, eh. Kanina mo pa kasi sinasabi sa akin na malapit na tayo pero hanggang ngayon hindi pa rin tayo nakakarating," reklamo niya habang hinihingal dahil mahigit isa't kalahating oras na yata silang naglalakad. "Kalahating oras na lang ang lalakarin natin, hihinto pa ba tayo? Gusto mo bang matuklaw ng ahas dito?" anito na halata sa boses ang pagkainis. Dahil sa sinabi nito napatayo kaagad siya ng tuwid. May ahas? At saka kalahating oras pa? Goodness! She's f*cking scared and tired! "Bilisan mong maglakad ng makarating na tayo sa bahay ng pinsan mo," wika niya at nauna na siyang maglakad na akala mo alam niya ang daan patungo roon. Naramdaman niyang hindi ito nakasunod kaya nilingon niya ito at sinigawan. "Come on! Diyan ka na lang ba?" nababanas na tawag niya rito. Ginaya niya lang ang sinabi nito sa kaniya kani-kanina lang. "Tsk! Stop talking while we're walking," sabi nito ng makalapit sa kaniya at kalaunan ay nilampasan na siya at nauna na ulit itong maglakad. Huminga siya nang napakalalim. "Whatever!" Para siyang maamong tupa na nakasunod lang sa amo papunta sa pastulan. Matapos ang mahaba-habang lakaran nakarating din sila sa isang napakalaki at napakagandang bahay. Tumingin siya sa paligid at nakita niya ang ibat-ibang halaman na nakapalibot dito. Nakaramdam man nang paghanga sa kapaligiran, nanaig pa rin ang pagod na kaniyang nararamdaman. Tiningnan niya ang lalaking kasama na nakabusangot at panay ang pagmumura. Kinapa nito ang susi sa suot nitong pantalon at pagkatapos ay pabalya nitong binuksan ang pintuan habang nagmumura. What the hell! Nakakahiya sa pinsan niya! Parang gusto niyang takpan ang sariling mukha dahil baka lumabas ang pinsan nito at bulyawan sila. "Pasok!" bulyaw nito sa kaniya. Hindi man lang ito magdahan-dahan sa pagsasalita. Dahan-dahan siyang pumasok pero napahinto siya dahil nilingon niya ito habang nagtatanong ang kaniyang mga mata. Hindi man lang ba ito magpapaalam sa pinsan nito? Napakabastos naman yata nito kung hindi man lang ito magpapaalam. "Wala ka bang ibang gagawin kundi ang titigan ako?" sita nito sa kaniya. Aba! Ang kapal din naman pala ng mukha nito, eh. "F*ckng maniac!" dagdag pa nito habang magkasalubong ang mga kilay. "Kapag ba tumingin sa isang tao manyakis na kaagad? Hindi ba puwedeng nagtataka lang?" katuwiran niya sa lalaking kaharap. Tiningnan siya nito ng matalim at walang babalang hinagis ang dala-dala nitong backpack sa sahig. Umupo ito pabagsak sa couch at nagsimulang hubarin ang mga saplot nito sa katawan. Nakasunod lang ang mga mata niya sa bawat ikinikilos nito. Una muna nitong hinubad ay ang suot nitong t-shirt. Isinunod naman nito ay ang sinturon at pagkatapos ay ang suot nitong pantalon. Ang brief na lang ang natitira nitong saplot ngayon. Pero bago nito hubarin ang huling saplot ay binato siya ng lalaki ng hinubad nitong t-shirt. "Stop looking!" bulyaw nito na halos dumagundong ang boses sa loob ng kabahayan. Nagulat siya dahil sa pagsigaw nito. Nahuli siya nitong nakatingin sa malaki nitong bukol sa gitna. Tumikhim siya. "Hoy! Hindi ako nakatingin sa 'yo at lalong hindi ako nakatingin sa namumukol diyan sa gitna mo," sikmat niya rito pero bigla rin siyang napapreno at napatakip sa bibig. Nakapamaywang pa ito sa harapan niya kaya hindi niya maiwasan na hindi titigan ang maganda nitong katawan. "Hindi ako nakatingin, 'no!" tanggi niya sabay iwas ng tingin. Teka nga! Bakit ito pa ang nagagalit? 'Di ba dapat siya itong magalit dahil bigla na lang itong naghuhubad sa harapan niya? "Hindi ka man lang ba nahihiya sa akin? Bigla ka na lang naghuhubad kahit na may ibang tao kang kasama," sita niya rito habang nakapamaywang. "Paano kapag may nakakita sa 'yo na ganiyan ang ayos mo? Para kang t*nga! Mukha namang drum 'yang shape ng katawan mo," panlalait niya pero taliwas iyon sa nakikita niya. Binalingan siya nito habang nakaigkas ang mga kilay. Umismid ito. "F*cking liar!" Naalarma siya ng akma na nitong huhubarin ang pinakahuli nitong saplot kaya naman tumalikod kaagad siya. "Teka nga lang! Ano 'yang ginagawa mo, ha? Nakalimutan mo na bang may ibang tao rito, ha? Kaunting respeto naman sana!" "Take off your clothes," untag nito sa kaniya. Kaya naman mabilis pa sa alas-kuwatro na napaharap siya rito. Napahawak rin siya sa sariling dibdib habang nanlalaki ang kaniyang mga mata habang nakatingin dito. Bigla siyang dinagsa ng takot ng makitang seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. "No, please! Gagawin ko ang lahat ng gusto mo basta huwag mo lang akong pagsamantalahan," pagmamakaawa niya rito. Nagsimula na rin na magtubig ang kaniyang mga mata. "What? What are you talking about? What are you thinking? That I'm going to rape you?" sunod-sunod nitong tanong sa kaniya habang hinihilot ang sintido nito kaya nakahinga siya nang maluwag. Hindi siya makasagot dahil 'yon ang eksaktong nasa isipan niya ngayon. "Maligo ka na! Dahil kung hindi ka titigil sa kakatitig sa alaga ko baka ipasok ko talaga 'to sa 'yo!" anito habang titig na titig sa kaniya. "Ano pa ang hinihintay mo diyan? Pasko? Bagong taon? Oh, baka naman gusto mo talagang gahasain kita," wika nito habang wala pa ring emosyon na mababakas sa guwapo nitong mukha. Napatuwid siya sa pagkakatayo bago patakbong hinanap ang banyo. Bigla na lamang siyang tumakbo na tila ba alam niya kung saan ang direksiyon ng banyo. "Go straight! Then turn right!" sigaw ng damuho ng kaniya. Ngayon niya lang napatunayan na sobrang t*nga niya talaga! Natunton niya nga ang banyo pero wala naman siyang bitbit na damit. Paano siya lalabas mamaya? "Mamaya ko na 'yon iisipin ang mahalaga makakaligo na 'ko dahil nagangatal na ako sa lamig," kausap niya sa kaniyang sarili bago hinubad ang kaniyang mga saplot at nagsimula ng maligo. Tapos na siyang maligo pero hindi pa rin siya lumalabas ng banyo. How can she? Wala siyang dala-dalang damit, eh! Nakasandal lang siya sa pader habang naghihintay na sana may milagrong dumating. Napatingin siya sa pintuan ng banyo ng makarinig siya nang malakas na pagkatok na akala mo sisirain na ito. "Aren't you done yet? What are you doing there? You've been there for almost two hours!" bulyaw nito mula sa labas ng banyo. Marahas na rin nitong kinakatok ang pintuan. "I'm not yet done," tugon niya rito. Ang totoo halos hindi na nga halata na naligo siya dahil tuyo na ang katawan niya. Nahihiya lang siyang sabihin dito na wala kasi siyang damit na dala. Ano'ng sasabihin niya? Kung bakit ba naman kasi puro na lang kat*ngahan ang pinapairal niya ngayong araw! Palakas nang palakas ang pagkatok nito kaya bigla siyang naalarma. Sisirain pa yata nito ang pintuan ng banyo! Nakakahiya talaga ang mga pinaggagawa nito. Lumapit siya sa pintuan at binuksan ito nang kaunti. "I couldn't go out, I didn't have any clothes here," pag-amin niya sa malumanay na tinig. "So what? I have seen many naked women. I have touched and tasted it! And you are no different from them! They are even more beautiful and sexy compared to you. So, I don't care if I see you naked now!" sabi nito sa kaniya na may kasamang pang-iinsulto. Marahas siyang napabuntong-hininga. Parang gusto niya itong sapakin nang paulit-ulit dahil sa pang-iinsulto nito sa kaniya. Hindi siya kagaya ng mga naging babae nito. Unang-una, hindi pa siya naikakama ng kung sinuman kaya virgin pa siya. Pangalawa, wala siyang balak ibalandra ang katawan nya sa taong hindi naman niya boyfriend o asawa. "I'm telling you this, I'm not interested, even if you walk in front of me naked. I don't care anymore because you're not even beautiful and sexy. And lastly, you're not even my type!" dagdag pa nito. At dahil hindi niya na maatim ang pang-iinsulto nito. Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pintuan ng banyo. Wala na rin siyang pakialam kung makita siya nitong walang kasaplot-saplot. Hindi siya nagsalita at basta na lamang itong nilampasan. Malalaki ang kaniyang ginawang paghakbang pero huminto din siya kalaunan dahil hindi niya alam kung saan siya paroroon. Dumiretso na lang siya sa sofa at kinuha niya ang dala-dala niyang bag kanina na ipinatong niya at pagkatapos ay bumalik ulit siya sa banyo para magbihis. Nakita niyang nakatingin lang ito ng mariin sa kaniya pero wala siyang pakialam sa nararamdaman nito ngayon o kung anuman ang iniisip nito. "What the f*ck are you doing?" tanong nito sa kaniya habang nakaismid. "Bakit? Ano ba'ng ginagawa ko?" naguguluhan niyang tanong dito. Hindi naman kasi ito makatingin sa kaniya ng diretso. "Are you stupid? Are you that stupid?" bulalas nito habang nakatingin pa rin sa ibang direksyon. "I'm not doing anything," pangangatuwiran niya. "Kinuha ko lang ang mga gamit ko para makapagbihis na ako," dugtong niya. "F*ck!" sigaw nito bago umalis sa harapan niya. Wala na siyang nagawa kundi sundan na lang ng tingin ang papalayong pigura nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD