Episode 3

1166 Words
"Naga! Naga!" sigaw ng konduktor. Dahilan para magising siya. "Pwede na kayong bumaba," dugtong pa nito. Luminga-linga siya sa paligid. Bakit halos lahat ng tao ay bumaba na? Halos ba lahat ng nakasakay Naga ang destinasyon? Nagtataka siyang napatingin sa mga ito. Binalingan niya ang katabi. Nakapikit ito. So, silang dalawa na lang ba ang magiging pasahero? "Bumaba ka na," saad nito sa kanya habang nakapikit. Mayroon ba 'tong third eye? Paano nito nalaman na nakatingin siya? Creepy! "Kumain ka o kaya umihi ka," dugtong pa nito. "Hindi ako gutom," sagot niya dito. "I think it's time," wika nito na ngayon ay dilat na ang mga mata. Nagtataka siyang napatingin dito. "Take off your pants," utos pa nito sa kanya. "Kanina ka pa, ah. Ang libog mo gago!" Kanina pa siya nanggigigil sa katabi kaya sinamantala niya na silang dalawa lang ang nasa loob ng bus. Ang galit na kinimkim niya kanina ngayon niya ilalabas dahil saktong walang makakarinig sa kanila kahit magsigawan pa sila. "What did you just say?" "Ang sabi ko gago ka! Malibog! Malandi!" "Ah, gano'n?" Tumango siya. "Oo! Gusto na rin kitang saksakin dahil sa kalandian mo!" Nakita niyang pinipigil nito ang sariling hindi mapangiti. "Ako dapat ang sumaksak sayo hindi ikaw ang sasaksak sa 'kin." Bigla nitong hinawakan ang kamay niya, dinala sa mga labi nito at kinintalan iyon ng mumunting halik. Dahil sa sobrang gulat hindi kaagad siya nakagalaw. The small contact brought tiny shivers down to her spine. Bigla siyang napabalik sa katinuan ng marinig niya ang malakas nitong tawa. Dagli niyang binawi ang kanyang kamay at inirapan ito. Sigurado rin siyang pulang-pula ang mukha niya ngayon. Kilala niya ang tipo ng lalaking kaharap. Itsura pa lang mahilig na sa babae. In short, Isa itong f*ck boy! "Lumayo ka nga!" bulyaw niya dito. "Bakit ko gagawin 'yon?" tanong nito na may halong pang-aasar. "Maraming bakanteng upuan kaya lumipat ka," utos niya dito habang nakataas ang kanyang kilay. "Probably!" anito. "Kaya nga lumipat ka ng upuan kasi halos lahat bakante di ba?" pagtataboy niya sa lalaking katabi. "Hindi ka ba bababa?" tanong nito sa kanya. Umiling siya. "Bakit Sagrada na ba 'to? Naga pa lang to, e. Bingi ka ba?" Makahulugang ngumiti ito sa kanya. "Gusto mo ba may mangyari sa 'tin kaya ayaw mong bumaba?" tumatawang tanong nito sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga. Pakiramdam niya umabot hanggang noo ang pag-igkas ng kilay niya. Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Asa." "You know, you shouldn't be staring at me like that," sita nito sa kanya habang sumisipol. "Wh-what?" Mga linyahan pa lang nito halatang manyakis na. "Hindi mo 'ko mabobola, Miss. Kabisado ko 'yong ganyang klase ng tingin. I'm sorry, I can't f*ck you here." "Yeah," pagsang-ayon niya. Umayos ito ng upo habang napapalunok. Anong akala nito magpapagalaw siya sa loob ng bus? Sa loob ng dalawampu't limang taon niya dito sa mundo hindi man lang niya tinangkang makipag-s*x kahit kanino. Gagawin niya lang iyon kapag kasal na sila ni Angelo, ang kanyang soon to be husband. "Later," tugon nito habang nakangisi. "We can catch up later," dugtong pa nito. Hindi niya na ito pinansin pa. Makikisama na muna siya dahil kailangan niya pa ito. Pwede siyang humingi ng tulong pagdating niya sa Sagrada lalo na't doon din ito papunta. Bumalik sa kasalukuyan ang kanyang isip. Malapit na niyang makaharap ang pakay. Kinakabahan siya pero wala siyang magagawa kundi harapin ito dahil wala nang ibang paraan. Unti-unting bumalik ang mga taong bumaba kanina. Nang mapansin na okay na ang lahat pinaandar na ulit ng driver ang bus. Dahil mahaba-haba pa ang byahe ipinikit niya ulit ang kanyang mga mata para matulog. "Sagrada! Sagrada!" sigaw ng konduktor. Napabalikwas siya sa pagkakaupo. Nagpalinga-linga siya wala na rin ang katabi niya. Shit! Saan na 'yon? Kinuha niya kaagad ang kanyang bag at nagmamadali siyang bumaba. Nakita niya naman kaagad itong naglalakad papasok sa lugar na may nakalagay na 'Welcome to Cawacagan' sumunod siya dito kahit umuulan. Di bale ng magkasakit huwag lang siyang maligaw. Nagpalinga-linga siya sa paligid at napansin niyang nasa kabila ang arko na may nakalagay na 'Welcome to Sagrada'. "Maniac! Stop for a minute!" malakas niyang sigaw para mabilis siyang mapansin nito. Tumigil naman ito sa paglalakad at dahan-dahan siyang nilingon nito habang masama ang tingin. "What do you want?" bulyaw nito sa kanya. "I need your help," diretsahang pahayag niya. Napakamot ito sa batok. The gesture was just so cute. Akala mo pinagsakluban ito ng langit at lupa. "What kind of help?" Bigla siyang kinabahan dahil sa titig nito at sa seryosong mukha nito. "Damn it! Ano tatanga ka na lang?" Pinagsalikop nito ang kamay nila at hinila siya. "Saan mo ba ako dadalhin?" tanong niya sa nanginginig na boses. Basang-basa na silang dalawa sa ulan. Nilingon lang siya nito pero hindi ito sumagot. Pilit niyang binabaklas ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak nito dahil naiilang siya pero hindi siya nito hinayaan. "Wait! This place isn't Sagrada," saad niya. Hindi siya basta-basta sasama dito dahil hindi niya alam kung saan ito pupunta. "I know." Tiningnan niya ito nang masama. Tinitigan din siya nito."Iiwanan talaga kita dito," pagbabanta nito sa kanya. "Marunong ka bang magbasa? May kailangan akong puntahan sa Sagrada para kausapin," maktol niya. Ang sabi kasi ng mama niya pwede siyang dumaan ng Sagrada para makarating sa Magiron kung saan nakatira ang kanyang sadya. "Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong niya ulit dito. Kanina pa kasi siya tanong nang tanong hindi naman siya nito sinasagot. Nagkibit-balikat ito. "Sa pinsan ko." "Saan banda nakatira 'yong pinsan mo?" usisa niya. "Somewhere up there." Ang dami nitong pasakalye. Somewhere up there daw hindi pa sabihin kung saan talaga banda. "Kailangan ba sagutin ko lahat ng tanong mo sa gitna ng ulan? Seryoso ka?" "Of course!" mabilis niyang sagot dito. Tumalikod ito pero muli ring humarap. "Bahala ka sa buhay mo!" Binitiwan na nito ang kamay niya at naglakad na ito palayo. Lumingon siya sa paligid walang katao-tao dahil malakas ang buhos ng ulan. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang nataranta kaya naman lakas loob niya itong sinundan. "Bahala na! Hindi naman siguro siya nito papatayin!" anang isang bahagi ng isip niya. "Hintay!" Huminto naman ito at lumingon sa kanya pagkatapos ay pumihit din paharap para ipagpatuloy na ang paglalakad. "s**t! Hintay sabi, e. Hoy! Pangit, hintayin mo ako!" sigaw niya dahil tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. Halos madapa siya sa kakatakbo para maabutan ito. Maputik na ang dinadaanan nila kaya naman nagpasya siyang tanggalin na lang ang sapatos na suot. Nang matanggal niya ang kanyang mga sapatos hindi niya na maaninag ang lalaki. Umupo siya sa isang tabi at tumitig sa madilim na kalangitan. Ang lakas ng patak ng ulan. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiiyak. Nagpalinga-linga siya sa paligid dahil hindi niya alam ang gagawin. Iniisip niya kung babalik ba siya sa kung saan siya nanggaling o susunod siya sa lalaki na hindi alam kung nasaan na ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD