Episode 2

1113 Words
Habang nasa biyahe wala siyang ginawa kundi mag-isip ng mga bagay na maaaring mangyari sa kaniya pagdating sa lugar na pupuntahan. Hindi rin siya makatulog lalo na't wala siyang tiwala sa katabi niya. Ibinaba niya ang bintana ng bus, feeling the cool breeze on her face. Hindi naman aircon ang sinakyan niyang bus kaya puwede niyang ibaba ang bintana hanggat gusto niya. Umaambon na lang hindi kagaya kanina na malakas ang buhos ng ulan. Napabuntong-hininga siya habang nadaraanan niya ang magagandang tanawin sa paligid. "I'm on the highway to hell," anang isang bahagi ng utak niya. Kahit kinakabahan determinado pa rin siyang makaharap ang nagngangalang Brint Jigs Madrigal. Gagawin niya ang lahat para makumbinsi ito na bigyan sila ng palugit. Ang tanging paraan lang ay ang puntahan ito at pakiusapan. It sounded so simple. But, deep inside her, she knew it wouldn't be easy. Nasa Quezon na sila nang mapansing papalapit ang konduktor para maningil ng pamasahe. "Kuya, sa Sagrada lang po ako. Doon niyo po ako ibaba, ah." Tumango ito at saka siya binigyan ng ticket. "Huwag n'yo pong kakalimutan, ha. Baka po kasi maligaw ako. Hindi ko po kasi kabisado 'yong lugar," paliwanag niya sa konduktor. Muli ay tumango na naman ito. Hindi ba 'to marunong magsalita? Puro tango lang talaga? Binalingan naman nito ang katabi niya. "Sagrada," sagot ng lalaki. Matagal niya pa pala itong makakatabi sa upuan hanggang sa makarating siya sa destinasyon. Well, hindi na rin masama at least hindi na siya maliligaw dahil pareho lang pala sila ng lugar na bababaan. Nagdesisyon siyang tawagan muna ang ina para hindi ito mag-alala. "Ma," bungad niya sa kabilang linya. "Oh, nasaan ka na, Anak? Anong lugar ka na? May baon ka bang pagkain at tubig?" sunod-sunod nitong tanong mula sa kabilang linya. "Gumising ako nang maaga pero hindi na kita naabutan. Maaga ka raw umalis sabi ng kapatid mo," dugtong pa nito. Natawa siya. "Ma," "Mag-ingat ka at huwag mong kalimutan na tumawag sa 'kin pagdating mo 'don." "I will. But please, don't think too much, Ma." Napaka-fragile pa naman ng ina pagdating sa kanilang dalawa ni Danica. Kahit imposible gagawin niyang posible para sa mga ito. Nakahanda siyang gawin ang lahat para sa dalawang taong mahal na mahal niya. "Opo, alam n'yo naman po na mahal na mahal ko kayo, e. Ingat din po kayo d'yan ni Dani, Ma." "Akala ko mahal mo 'ko? Bakit hindi mo ako ginising bago ka umalis?" kunwa'y nagtatampong wika nito. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Hindi siya nagpaalam sa ina dahil baka mag-iyakan na lang sila at hindi na siya makaalis pa. Ayaw niyang makita itong lumuluha dahil doble ang sakit na dulot n'on sa kanya. "Ma, love na love ko po kayo," saad niya sa ina habang tumatawa. Narinig niya naman na humagikhik ito sa kabilang linya pero hindi nakaligtas sa pandinig niya ang pagsinghot nito. "Ma, huwag na po kayong umiyak. Love ko naman po kayo, e." Tinapik siya ng katabi at sumenyas na huwag daw siyang maingay dahil hindi ito makatulog. Napangiwi siya. "Ma, mamaya na lang po ulit ako tatawag, ha. I love you to the moon and back." Kapwa sila nagtatawanan bago niya pinutol ang linya. Binalingan niya ang lalaking katabi na ngayon ay nakatingin na rin sa kaniya. Nakataas ang isang kilay nito. Namula siya kaya bigla siyang nag-iwas ng paningin. "Antipatiko! Hindi naman guwapo," kumbinsi niya sa sarili pero taliwas ito sa sinasabi ng puso niya. Ipinilig niya ang kanyang ulo. "Not my type," paalala niya sa sarili. Sa nangyayari sa kanya ngayon para siyang isang baliw dahil kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya samantalang malapit na siyang ikasal. Hindi niya na pigil ang mapasulyap muli sa katabi. Halatang pagod ito pero guwapo pa rin at malakas ang dating. Nakapikit na ang mga mata nito ngayon. Ang ganitong hitsura ay hindi nagtatagal sa isang relasyon. Siguradong kabilaan ang mga nagiging babae nito. Lihim siyang napairap. Naramdaman yata nito ang kaniyang pagmamasid kaya bigla itong nagmulat at tumingin sa kaniya. Binawi niya ang tingin dito at tumikhim. Binalingan niya ulit ang katabi pero nakita niyang nakatingin pa pala ito sa kaniya. Huminga siya ng malalim at lakas loob itong kinausap. "Uhm...excuse me." Nakatingin lang ito sa kaniya na para bang kinakabisado ang buo niyang pagkatao. Gusto niya sana itong tanungin tungkol sa lugar na bababaan nila kaya lang nawalan na siya ng gana dahil mariin itong nakatitig sa kaniya. Lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang ilang hibla ng kanyang buhok. Ngumiti ito, a kind of smile that wouldn't allow you to smile back. "Do you want me to pump you?" bulong nito. Marahas niya itong itinulak. "Huwag kang bastos! Tang*na ka!" Halos sakupin ang buo niyang katawan ng galit na nararamdaman pero nagawa pa rin niyang magpigil. Hindi siya basagulerang tao. She wanted to kick him off, kaya lang baka makaagaw sila ng pansin mas lalong nakakahiya. Napansin niyang napailing ang katabi habang pigil ang ngiti. "F*cking maniac!" akusa niya sa katabi. Para silang mga bata na nag-aaway ng palihim dahil sa nag-iisang kendi. "Me?" turo nito sa sarili. "Sino kaya sa atin ang walang tigil sa kakatitig? Sino kaya sa 'tin ang tumitingin mula ulo hanggang paa? I therefore conclude that you want me to f*ck you here," dugtong pa nito. "W-what? What do you think of me a f*cking maniac?" "Probably," kaswal na pahayag nito. She inhaled sharply. Kung wala sigurong tao sa paligid malamang sinampal niya na ang lalaking ubod ng bastos. "Take a deep breath, Diva. Take a deep breath," paulit-ulit niyang dikta sa sarili. Tiningnan niya ulit ang katabi. Tila tumigil sa pagpintig ng puso niya nang magtama na naman ang kanilang paningin at kagaya kanina may nakapaskil na ngisi sa mga labi nito. "What are you looking at?" tanong nito. Nagkibit-balikat siya. "What are you looking at?" panggagaya niya sa sinabi nito. "Ikaw ang nakatingin sa 'kin hindi ako! Kitang-kita ng dalawang mata ko na titig na titig ka sa 'kin. Maniac!" akusa niya sa lalaking nakangisi. Ang sarap talagang sapakin. "Me? Maniac? Goodness! Mga babae ang lumalapit sa 'kin at hindi ako." Hindi niya na pinansin pa ang sinasabi ng katabi. Tumingin na lang siya sa labas ng bintana. She saw the other buses move one by one. Dahil wala siyang maayos na tulog kagabi bigla siyang nakaramdam ng antok, kahit anong pigil niya kusang pumipikit ang mga mata niya. Lalo na nang maramdaman niya ang lamig na nagmumula sa labas ng bintana. Ilang sandali pa ay isa-isang namatay ang ilaw sa loob ng bus. Hindi na siya nag-abalang tumingin sa katabi dahil siguradong maiinis lang siya at baka uminit na naman ang ulo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD