Pagkarating na nila ay dali-daling lumabas ng sasakyan ang makulit niyang pamangkin at tumakbo papasok ng bahay. Napailing na lang siya dahil sa kakulitan. Pinagbuksan siya ng pintuan ng kaibigan niya at bumaba na siya ng sasakyan. Habang bitbit nito ang bag niya ay inakbayan na naman siya nito at wala iyong malisya sa kaniya. Hindi niya nilalagyan ng malisya kung anong ginagawa ng kaibigan niya sa kaniya. Mabait na kasi ito noon pa man, at nagpapasalamat siya na naging kaibigan niya ito.
“ang tagal niyo!” sigaw ni Caleb na kakalabas ng bahay nila. Napakunot noo niya dahil may kasama itong babae at napailing din ang kaibigan niya. Problema ng isang ito? hindi ba ito nagbabago? palaging gago eh!
“bakit ka na naman nagdala ng babae dito? bahay mo ba ‘to? kapal ng mukha mo ah?” aniya at sinamaan ng tingin si Caleb.
“hoy! hindi ah… kaibigan ko lang ang babaeng ito… bakit ba ayaw mong maniwala na nagbago na ako para sa’yo?” kumunot noo niya dahil sa sinabi nito sa kaniya. Naaaning na naman ang taong ito. Saang lupalop na naman nagpulot ng mga pinagsasabi ang lalaking ito? Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili baka hindi siya makapagpigil ay bugbugin niya ng wala sa oras ang lawyer niyang kuripot. Tinaasan niya ito ng kilay at inisnaban. “hoy Elaiza! iyang mata mo talaga kunin ko ‘yan.” anito sa kaniya. Hindi niya ito pinansin at pumasok na lang sa bahay at dumiretso sa dining area. Nang makita niya nanay niya ay agad siyang ngumiti dito at nagmano na din. Napapailing siyang ng nakasunod sa kaniya si Caleb at nanenermon sa kaniya. “kunin ko talaga iyang mata mo! kunin ko ‘yan!” anito sa kaniya.
napatingin naman siya sa best friend niyang nilagay mo na sa sofa ang bag niya at lumapit sa nanay niya pagkatapos ay nagmano’t humalik dito. “amoy alak ka yata?” tanong ng nanay niya.
“gomenasai… nakainom lang po ng konti kagabi.”
“anong konti pinagsasabi mo diyan? late ka nga nakapunta ng opisina eh… kinain mo nga ang bento ko. Panigurado wala ka pang ligo. Ligo ka kaya muna doon sa taas. May damit sila kuya kambal at kuya Hanrich, manghiram ka muna sa kanila halos same lang naman kayo ng size eh.” lumingon siya kay Caleb. “o di kaya diyan sa isang iyan oh.” sabay turo niya kay Caleb gamit ang labi. “panigurado may dala ‘yang damit.”
“ayoko nga! ang baho ng kilikili niyan eh.” reklamo ni Caleb. Humagalpak siya ng tawa sa sinabi nito patungkol kay Edzel. Hindi naman talaga totoo iyong sinabi ni Caleb kaya lang natatawa talaga siya kapag nag-uumpisa ng magbangayan ang dalawa. hindi lang din siya ang nakitawa pati na din ang mga kasama niya. Ewan niya ba sa dalawang ito. Minsan nagkakasundo ang mga ito pero kadalasan puro bangayan naman. Mabuti na lang hindi iyan nagkakasakitan eh…
“ikaw naman mabaho bunganga mo ‘tapos may HIV ka na! kahit sino-sinong babae pinapatulan mo.” ani naman ni Edzel. Agad siyang lumapit dito at sinuntok ito sa mukha. Napalingon ito sa kaliwang parte at nang tumingin ito sa kaniya na may naglalakihang mga mata. Nagulat din siguro ito dahil sa ginawa niya. Tiningnan niya ito ng matalim sa mata. Napayuko ito dahil sa ginawa niya. “sorry best… hindi ko napigilan ang sinabi ko. Sorry.” alam niyang bukal ito sa puso ang paghingi nito ng tawad.
“tumingin ka sa akin.” utos niya at agad naman nitong sinunod. “anong gusto mo? umiyak ulit ako kagaya dati!” sigaw niya dahil nasasaktan siya. “alam mo ang nangyari sa kuya Ji ko? alam natin iyon pareho! alam natin iyon best. Huwag mong sabihin iyan please… ayos lang sa akin na mag-away kayong dalawa ni Caleb pero huwag mong sasabihin na magkaroon siya ng sakit.” sabay tulo ng mga luha niya. Ang sakit na nararamdaman niya nakapaloob pa sa puso niya. “please… please… huwag na huwag mo na sasabihin na magkaroon siya ng sakit…please… nagmamakaawa ako,,, huwag… huwag!” sigaw niya sabay paluhod dito. Ayaw niyang mawalan ng kaibigan ulit. “Wala na ang kuya Ji ko! wala na! huwag mong idadamay si Caleb!” sigaw niya dito sabay hawak sa kamay nito at nagsusumamo. “bawiin mo. bawiin mo iyon! bilis! bilis!” hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay ni Edzel.
Napaupo din ito at niyakap siya. “sorry… sorry… nakalimutan ko. Hindi ko na ulit sasabihin iyon.. pasensiya na… binabawi ko na binabawi ko… tahan na.” anito at niyayakap at hinahalikan siya sa pisngi.
“huwag mo na ulit sasabihin iyon.” aniya dito.
“hindi na… hindi ko na ulit sasabihin iyon. Ayaw kong nakikita kitang ganito kalugmok eh.” Nakita niyang lumpit si Caleb sa kaniya at niyakap din siya nito. Silang tatlo ang nagyakapan.
“huwag ka ng umiyak Elaiza…ditto lang si kuripot na lawyer… hindi ako mawawala sa’yo pangako yan. Hindi kita iiwan, mahal na mahal kita. Hindi ako papayag na kunin niya ng maaga. Hindi ako mawawala, tandaan mo iyan.” tumango siya at agad na ngumiti. Kahit paaano ay nakahinga siya ng malalim dahil sa sinabi nito.
“auntie… huwag ka na po iyak… naiiyak din po ako.” ani ng pamangkin niya na tumutulo din pala ang luha na nakatingin sa kanya. Nakita niya ang nanay niya na nakatingin lang sa kaniya ng malungkot ang mga mata. Ang mga pinsan naman niyang kambal ay nakatingin lang sa ibang direksiyon. Napapaluha na naman siya. Ang pamilya’t kaibigan niya ang lakas niya. Mahal niya mahal niya ang mga ito. Ayaw niyang magising isang araw na wala na ang mga ito sa buhay niya, Nang malaman niyang nawala ang kuya Ji niya isang malaking puwang ang nawala sa buhay niya. Minsan na nga lang siya magkaroon ng kuya nawala pa. Ayaw niyang maulit iyon. Nasasaktan siya… masakit lang na marinig niya iyon sa bibig ni Edzel. lumapit sa kaniya ang pamangkin niya, kumalas ang dalawa at niyakap naman siya ng mahigpit ng pamangkin niya. “please auntie… huwag na po kayong umiyak.”
“hindi na iiyak si auntie. Hindi na kahit kailan.” aniya dito para hindi na mag-alala pa.
“promise po?”
“promise.” aniya’t hinalikan ito sa ulo. “sige na. kain na tayo.” aniya’t tumayo na din.
“tabi po tayo… bawal po tumabi si uncle Caleb at uncle Edzel kasi mga bad po sila at pinaiyak kayo.” nakatingala ito sa kaniya at natawa siya ng konti sa sinabi ng pamangkin.
“okay… hindi sila pwedeng tumabi sa akin dahil mga bad sila kasi pinaiyak nila ako.” tumango ito sa sinabi niya at ngumisi pa. “tara na.” dali-dali naman na umakyat sa upuan ang pamangkin niya at umupo doon. Mas mataas ang upuan nito para abot nito ang lamesa, siya naman ay tumabi na dito.
“akyat muna ako sa taas.” paalam ni Edzel sa kanila pero bago ito umalis ay hinalikan muna siya nito sa ulo. Si Caleb naman ay sumunod naman kay Edzel sa taas. Nagkibit balikat na lang siya at nagsandok ng pagkain. Nilagyan niya din ng pagkain ang pamangkin at ang plato niya. Tahimik naman na umupo’t kumain ang pamilya niya. Siya naman ay ayaw na din na magsalita… naging paos siya ng dahil sa sigaw niya kani-kanina lang din kaya kumain na lang din siya. Napalingon siya sa kambal at hindi ito makatingin sa kaniya ng diretso. May tinatago ba ang dalawang ito sa kaniya? Ang nanay niya ay ganoon din. Lahat ba ng tao sa bahay na ito ay hindi na din mapagkakatiwalaan? Baka naaawa lang sa kaniya ang pamilya niya. Dahil wala na nga siyang ama at nawalan din siya ng nag-iisang kuya. No one can replace sa kuya Ji niya.
May pinsan siyang tatlong lalaki at tinatawag din naman niya ang mga ito ng kuya kaya lang, nag-iisa pa rin ang kuya Ji niya. Ang kuya Ji niyang nagligtas sa kaniya. Hindi iyon mapapantayan nang sino man.
“Ang bobo mo parteng iyon.” ani ni Caleb nang makapasok sa guest room.
“alam ko! alam ko! napikon kasi ako sa sinabi mo na mabaho ang kilikili ko.”
“tanga mo talaga. Nakita mo iyong ginawa mo? pinaiyak mo ang princess natin. Alam mo iyong babaeng iyon, masayahin iyon pero pinapaiyak mo. Sarap mong sipain diyan.”
“pasensiya na, okay? nakalimutan ko ang pinagdaanan niya. Nakalimutan kong may kuya Ji sa puso niya. Matagal na iyon pero sariwa pa rin sa alaala niya… ganoon magpahalaga ang Best ko ng mga kaibigan niya. I know that she’s not smart na mahina ang kokote niya pagdating sa mga bagay-bagay lalo na sa akademiks pero pagdating sa values doon siya mahusay. Hindi baling siya ang masaktan huwag lang ang mga mahal niya sa buhay. She’s selfless, kaya mas minahal ko siya ng husto at ang bobo ko na pinaiyak ko siya. Ayaw niyang may namamatay lalo na iyong mga taong malalapit sa kaniya. Kapag siguro sinaktan siya ng ibang tao, pagmamahal pa rin siguro ang isusukli niya sa mga ito.” aniya.
“yeah…she’s unique, kind and she always put her mind that no matter what , families and friends comes first.” tumango naman siya sa sinabi nito. “sorry din sa sinabi ko kanina, biruan lang talaga iyon pero mukhang pikon na pikon ka eh. Ang dali mo talagang mapikon kahit kailan. tsk.” napailing naman ito sa kaniya. “maligo ka na nga at amoy na amoy ko na ang alak na nasa katawan mo. Naglasing ka naman at hindi mo kami isinama…himala yata, pero ayos lang, kahit babaero ako marunong naman akong uminom nang tama lang sa kaya ng katawan ko at mukhang ikaw, lasing na lasing ka.”
“tumahimik ka nga! lalong sumasakit ang ulo ko sa’yo.”
“okay..sabi mo eh. May damit ako diyan sa closet, hiramin mo muna.”
“akin na iyon… hindi ko na ibabalik sa’yo ‘yon.” aniya.
“ano ka sinuswerte!? signature lahat ng damit ko, anong akala mo sa’kin? walking ATM?”
“tsk…” sagot niya at agad na pumasok sa banyo’t naligo. Nagtagal siya sa loob ng banyo at nagsisi sa sinabi niya kay Elaiza. Hindi niya napigilan ang sarili na hindi mapikon sa sinabi sa kaniya ni Caleb. Alam niya na biro alang iyon pero hindi niya naiwasan na hindi mapikon. Mainit yata ang ulo niya ngayon dahil sa kalasingan niya kagabi. Naglasing ba naman siya, alam naman niyang wala pa siya sa tamang edad para maglasing ng ganoon. He’s just sixteen and turning seventeen pa lang siya next month. Nakapaggastos pa siya ng ganoon kalaki, patay talaga siya sa ama niya dahil sa mga pinaggagawa niya. Sana hindi ang mga iyon pumunta sa bahay na ito dahil kung hindi lagot na naman siya. Naalala niya na ang tinawagan ng may-ari ay si Elaiza. Naglabas kaya ng pera ang babaeng iyon? Ayaw na ayaw pa naman nito naiistorbo sa pagtulog. Kailangan niya mag-isip ng paraan para mapatawad ng best friend niya. Ayaw niyang makita ulit ito na umiiyak. Iyong lumuhod pa ito sa harapan niya at pinapabawi ang mga sinasabi niya. Hindi niya na kayang makita ulit ang Elaiza na lugmok na lugmok dahil sa mga taong mahal nito. Ayaw niya na ulit na makita itong natutulala na lang bigla. Nakita na din niya ang Elaiza noon na umiiyak na nakatingin sa picture ni Ji.
Napamahal na din kay Elaiza ang batang iyon. Alam niya na mas matanda talaga sa kanila ang batang iyon pero, anong magagawa niya? Hindi niya na maibabalik ang nakaraan at kailangan malimutan ni Elaiza ang nakaraan dahil para din iyon sa kaniya. Kailangan nitong mag-move on pero hindi niya alam kung papaano matutulungan ang best friend niya. Nakakabaliw na talaga!
Nang makalabas siya galing banyo at nakatapis lamang ang kalahating katawan niya. May biglang nagbukas ng pinto at nanlaki ang mata niya. Ang best friend niya ang pumasok. “bakka hentai!” sigaw nito sa kaniya at dali-daling lumabas.
“bwi*** na babaeng iyon bigla-bigla na lang pumapasok nang hindi kumakatok ng pinto.” aniya sa mahinang boses at napangiti sa nakitang reaksiyon ng best friend niya. Kinagat niya ang labi niya dahil ayaw niyang sumigaw sa sobrang kilig. Nakita niyang namula ito sa pagkakita sa kaniya na nakatapis lang ng tuwalya. Huminga na lang siya ng malalim. Ayaw niyang mag-assume na mamahalin siya ng kaibigan dahil kahit kailan hindi nito nakikita ang halaga niya. Alam niya sa iyon. Napangiti na lang siya ng malungkot at nagbihis.