CHAPTER 1
Isang maingay na gabi sa loob ng isang Bar. Nakaupo si Edzel habang umiinom, mag-isa lamang siya dahil, may ginagawa ang mga kaibigan niya, si Eaiza busy sa kompanya nito, si Caleb naman ay busy din dahil may kasong inaatupag. Maglalasing siya dahil may nagawa na naman siyang tama sa buhay niya. Isang taon na ang lumipas magmula ng nakapunta na sina Elaiza sa japan. Isang taon na din at napakaayos na ng buhay nito, namiss tuloy niya ito. Namiss niya ang ngiti nito sa kaniya, ang ngiting totoo, ang ngiting palagi niyang gustong makita.
LUMIPAS ang oras at malalim na din ang gabi, lasing na ang mga tao sa paligid niya. Nagsusuka na din ang iba, may sumisigaw, may sumasayaw na din sa ibabaw ng mesa. Masakit na din ang ulo niya dahil ilang bote na din ang naubos niya. Lasing na din siya at nahihilo pa. Nang biglang pumailanlang ang isang malamyos na musika at nagandahan siya dito. Nasa KAWASAKI CITY, KANAGAWA JAPAN siya ngayon, at nagpapakalasing. Isang pinoy ang may-ari ng bar na tinatambayan niya, PHILIPPINE PUB MASHIRO NIESHA ang pangalan ng bar. Kaibigan niya din ang may-ari nito. Dahil sa sobrang ingay ng lugar hindi niya alam na may nagsasalitang magandang babae sa tabi niya. Nasa counter kasi siya ng bar, kung hindi pa siya lumingon, hindi makikita ng mapupunagay niyang mga mata ang isang babaeng nakapulang dress.
May hawak na itong baso na may lamang inumin. Lumingon din ang babae sa kaniya, mukhang pinay ito dahil na din sa mukha, ngumiti ito sa kaniya na nakakapagpahinto ng hininga niya, who is this girl? Is he attracted to her? gumanti na din siya ng ngiti dito. "you want to dance?" tumango ito sa tanong niya. Feel niya parang bumilis ang pintig ng puso niya. Bumilis nga ba or miss niya lang ang "best" niya.
"yes, I want to dance with you the whole night. You okay with that?" anang ng magandang babae sa kaniya. HE just smiled and offer his hand to her. Tumayo siya sa at giniya ang babae sa dance floor. Ang tugtog ay English, sa pagkakaalam niya ay Japanese ang original niyan. Iniligay agad ng babae ang kaniyang mga kamay sa batok niya, siya naman ay agad na hinapit ang babae palapit sa kaniya, namiss niya ang ganitong eksena kapag kasama niya ang best friend niya sa mga gimikan. Hindi lang naman kasi puro trabaho ang inaatupag nilang dalawa eh, gumigimik din sila, at siya palagi ang napagtritripan ng best friend niya, kaya palagi siyang kawawa. TO THE RESCUE naman ang magaling niya ding kaibigan na abogado kaya lang ang kuripot, na si CALEB, sino pa ba?
*CAN YOU STILL SEE ME YOUR DREAMS SHINING BRIGHTLY,
OR HAVE THEY GONE DULL AGAINST THE STAR?
TELL ME, ARE THEY BRIGHTER OR DULLER
NOW THAT I'M HOLDING YOUR HANDS?
I HAVE SEEN HEARTS LIKE YOURS GLOW WITH A PASSION WE CALLED LOVE
WHEN EMOTION OVERFLOW, I KNOW YOU'LL RISE ABOVE
Bagay ang kanta na pinatugtog nila para sa mga taong naiintindihan iyon. "I think you're a Filipino am I right or not?" ani ng babae sa kaniya.
"yes, half. How about you?"
" I am also a Pinay hehe" she just smiles at him. Ang ganda naman ngumiti ng babaeng ito. " you know what , ang gwapo mo. May girlfriend kana ba? I think meron kanang girlfriend, baka magalit ang girlfriend mo dahil nagsayaw tayong dalawa." Dagdag nito na may ngiti sa labi.
"I don't have any girlfriend. Walang magseselos dahil walang ikakaselos sa ginagawa nating dalawa. Walang malisya sa ginagawa natin, we're just dancing you know." Ani din niya dito.
"thank GOD wala, dahil ayaw kung masangkot sa magulong relasiyon niyong dalawa. I am here to celebrate my birthday, just me, alone." Anito sa kaniya na may pait ng ngiti sa mga labi.
" oh, happy birthday to you then, so, dahil kaarawan mo ngayon, ako ang magbabayad ng drinks mo. Ako lahat ang sasagot sa lahat ng iinumin mo. Don't worry, kaya kong bayaran iyan, hehe, hindi ako kuripot." Sabay tawa, pati ang babae ay natawa na lang din dahil sa mga pinagsasabi niya. Kahit ngayon lang, maging masaya siya sa piling ng ibang babae. Hindi puro ang best friend niya ang inaatupag niya, kahit isang gabi lang, makalimutan niyang minahal niya ito. Kaya lang iba ang mahal nito.
" I think, I like you." Wika ng babae.
" just a like?" tanong niya, magkaharap silang dalawa na natatawa sa mga pinagsasabi nila. "kulang pa. I want you to love me" he said in a joking way.
" love is a hard word that no one can explain. Even the philosophers." Anito sa kaniya na may ngiti sa labi. "like is a simple word that you can explain, I said, I like you, not a man, but a person." sabay kindat nito sa kaniya, natawa na lang siya dito.
" you know what, your smart." Komento niya sa mga sinasabi nito. Totoo naman kasi ang sinabi niya, matalino ang babae.
"Thanks for the comments."
"your welcome." Nagtawanan na lang ulit sila. "alam mo, nagsasayaw tayong dalawa dito pero, hindi pa natin alam ang pangalan ng bawat isa. I'm Edzel Tanaka. How about yours?" tanong niya sa babae na mayngiti sa labi.
"secret." Sagot nito sa kaniya na may ngiti sa labi.
"ang daya mo naman. Ako nagpakilala sa'yo ng personal, tapos ikaw itong hindi sasabihin ang pangalan." Aniya na nakapout pa ang mga labi.
"you know what , dahil sa ginawa mong pagpapakilala sa tunay mong pangalan, may posibilidad na maraming magkaka-interes sa'yo. Lalo na at kilala ang apiliyedo mo in the business world. Tanaka is one of the shipping company here in japan. Are you related to-." Hindi na niya narinig pa ibang pang sasabihin ng babae dahil nag-iba na ang tugtog naging rock na, kaya hindi na sila magkarinigan. Bakit kaya maraming alam ang babae sa Tanaka clan? Sino ba ito? Hinila niya ang babae patungo sa counter kung nasaan ang pwesto nila kanina. "one martini please, sagot niya." Anito sa isang bartender sabay turo sa kaniya. Lumingon muna ang bartender sa kaniya at sa'ka siya tumango.
"ang galante niyo talaga sir." Ani ng bartender na nagserve sa babae ng drinks. "mabuti na lang at wala si ma'am Elaiza at si sir Caleb dito." Dagdag nito. Kilala din kasi nila si Elaiza at Caleb. Ang mga employee ng kaibigan niya ay pinoy din kaya hindi na siya magtataka kung tagalog ang salita na ginagamit sa BAR. Dahil halos din naman ng mga tao na pumapasok ay pinoy at pinay, mabait kasi ang may-ari at marunong sa buhay. Palagi nga na sinasabi nito sa mga employees nito na magtipid kayo, dahil may mga pamilya kayo sa pinas na umaasa din sa inyo. Kaya siya naman ay nagbibigay sa mga employees nito ng mga tip.
"sino si Elaiza? Girlfriend mo?" narinig pala nito ang sinabi ng bartender.
"Nope, she's my best friend."
"oh, Akala ko kasi girlfriend mo, dahil kasasabi mo lang sa akin na walang magagalit dahil wala kang girlfriend. Iyang best friend mo ba hindi selosa?" tanong nito.
"nope, she's not like that." Pagtatanggol niya dito. "hindi siya magseselos, dahil palagi kaming busy sa mga trabaho namin." Aniya.
"Wala ba kayong time together?" tanong nito sa kaniya.
"mayroon naman, kaya lang ngayon ay sobrang busy na talaga namin eh."
"ganoon ba kayo kabusy kaya hindi kayo nagkikita?"
"yeah. Isa pa nakakapunta naman ako sa bahay nila eh. Welcome ako palagi do'n"
"wow, gano'n kaclose ang pamilya niyong dalawa? So, nakakapunta din siya sa bahay niyo?"
"yeah, palagi kasi siyang namimiss ni mommy eh, gusto kasi ni mommy na palagi niyang nakikita ang best friend ko sa bahay."
"wala ka bang kapatid na babae?" umiling siya sa tanong nito.
"wala eh, kaya ayon, ang best friend ko palagi ang punterya niya." Sagot niya.
"hahaha.... Kawawa naman pala siya, hindi ba nagagalit ang mama ng best friend mo na palagi siyang kasama ng mama mo? May iba kasi di'ba nagseselos dahil mas malapit ang anak sa iba." Anito.
"hahaha..." siya naman ang tumawa. Bakit ba nila pinag-uusapan ang best friend niya? Sa dinami-dami ng topic ang best friend talaga niya. "hindi naman siya magseselos, si tita pa nga ang magsasabi sa best friend ko na pumunta sa amin. Magmula kasi ng lumipat sila dito, mga pinsan na lalaki na niya ang kasama niya, then every Saturday ay nag-eensayo ang best friend ko ng iba't-ibang klase ng martial arts. Kasama ako, at ang mga pinsan niya, pati na din ang kaniyang lawyer."
"wow... So, marunong ka ng iba't-ibang martial arts?" tanong nito, kaya tumango siya at tinungga ang alak na nasa baso niya. Hilong-hilo na siya, at siguro pati na rin ang babae na katabi niya. Kanina pa sila umiinom, ilang bote na kaya ang naubos nilang dalawa?
"gusto mo pang uminom? Umorder ka lang, akong bahala sa'yo. Magpakalasing tayo hanggang umaga dito!" sigaw niya, hindi na din maintindihan ang mga sinasabi niya dahil sa kalasingan.
"go! Magpakalasing tayo!" sigaw din ng kasama niyang babaeng misteryosa. Hindi man lang sinabi nito sa kaniya ang tunay nitong pangalan o wala talagang sinabi kahit alyas man lang. Nakita niyang inumpisahan na tunggain ng babae ang bote kaya siya din, tinungga na din niya ang bote na may lamang alak.
Ilang oras ang lumipas ay wala ng malay ang babae kaya agad niyang sinabihan ang bartender na tawagan ang may-ari na agad naman nitong sinunod. "your drunk." Sabi ng boses na pamilyar sa kaniya. "how much is the cost?" tanong ng may-ari sa bartender. Narinig niya ang tanong nito sa bartender. Kahit lasing na siya, hindi pa naman siya bingi.
"100,000 yen po boss." Sagot nito.
"okay, lista mo yan at padalhan mo ng temporary receipt si Elaiza, alam ko na siya ang may hawak ng pera ngayon ng lasinggong ito." Tama kayo ng dinig, si Elaiza lang naman ang may hawak sa pera ni Edzel, dahil ang mokong ay walang tiwala sa treasurer niya na dapat ito ang may hawak. Si Elaiza tuloy ang namomroblema sa mga pera ni Edzel kung paano ihahandle ang mga iyon. Hindi naman daw siya bangko para taguan ng pera, tao siya at may sarili ding kompanya na pinapatakbo at may mga employees din na pinapatrabaho. Paano daw kung mawala iyon sa kaniya? Napailing na lang siya, nandito siya sa harap. Akala ng mga tao dito na hindi siya nakikinig sa usapan? May tenga siya, kahit lasing siya, tsk. "ipahatid mo na lang si Edzel sa condo niya malapit dito."
"okay po boss. Eh, paano itong babae boss?" ang tinutukoy siguro nila ay si SECRET.
"isama mo na din iyan sa condo niya. Baka may mangyari pa diyan, nako! Kargo di-konsensiya pa natin iyan." Dagdag nitong sabi.
"hoy! am still here!" sigaw niya sa dito " baka nakakalimutan niyo, 'di pa ko lashing!" sigaw niya.
" lasing kana! iuuwi kana namin, isasama ko na sa bahay mo itong babae na'to dito." sabay turo ang babaeng nakainuman niya. Wala din siyang magagawa dahil lasing na din naman na siya. Ano pa ang silbi niya e? baka pagsamantalahan pa ang babae sa daan. Ang ganda pa naman nito. Mahirap na baka siya pa ang bentangan kapag may nangyari dito dahil siya ang huling kasama nito. tss.
" salamat pare." aniya niya dito, sa sinserong paraan.
"tss, wala yun. Salamat din kundi dahil sa inyo, hindi ko maiipundar itong bar na'to. Ako nga may malaking utang na loob sa inyo eh, sa inyong pamilya, kung hindi niyo kami tinulungan eh, andun pa din ako sa pinas at nagbubuhat ng mga mabibigat na sako ng bigas." anito na may garagal na boses. "at least dito, kasama ko na ang pamilya ko at nakapag-aral na din ang mga kapatid ko at nakapagtapos ko na din ang anak ko, at higit sa lahat nakahanap ulit ng babaeng magmamahal at hindi na ako iiwan pa." anito sa kaniya, kahit hindi niya masiyadong aninag ang mukha nito alam niyang konting-konti na lang ay iiyak na ito.
"tss. huwag ka ngang umiyak, napakaiyakin mo talaga." sermon niya dito at tumawa.
"boys! iuwi niyo na nga 'to!" mas lalo tuloy siyang natawa dahil alam niya na napipikon na ito sa sinabi niyang napakaiyakin nito. "huwag mo kong tawanan!" sigaw nito sa kaniya. "langya ka! ganda na ng mga pinagsasabi ko tapos sasabihin mo 'yun, wala ka talagang kwentang kaibigan! ang ganda ng moment eh! sisirain mo lang! umuwi ka na!"
" ang ingay naman!" sigaw ng babaeng misteryosa. "bakit ba kayo sigaw ng sigaw?! bingi ba kami!?" sigaw nito sa kaibigan niya.
" nandoon na eh! iiyak na ako, sisirain ng mokong na 'to ang drama ko sa buhay!"
" ah, okay, sige po, drama lang kayo diyan." anito at natulog ulit. Natawa na lang siya dito.
"Ang cute." aniya.