“Hoy best!” sigaw ni Elaiza kay Edzel na kakapasok lang ng opisina niya. May tumawag sa kaniya kaninang madaling-araw dahil naglasing daw ang kaibigan niya. Hindi na siya lumabas pa para puntahan ito dahil alam niya na nasa maayos na kamay ang best friend niya. Hindi niya alam kung bakit naisipan nitong maglasing nang hindi sila kasama ni Caleb? Ano kayang problema ng best niya? maayos naman ang kompaniya nila, wala naman siguro itong problema sa pera dahil may pera naman ito. nababayaran din naman nila ang mga utang nila sa bangko araw-araw at nagdedeposito naman din sila araw-araw. may ibang problema kaya ito?
“best, masakit ang ulo ko. Can you massage my head? please…” humiga ito sa sofa na nasa loob ng opisina niya. Huminga na lang siya ng malalim at agad na tumayo. Kumuha siya ng ointment sa kaniyang first aid kit niya.
“kumain ka na ba?” tanong niya.
“hindi pa nga eh, ang sakit ng ulo ko dahil sa hangover.”
“bakit ka naman kasi naglasing? may problema ka ba?”
“wala akong problema.” sagot nito. lumapit siya dito at umupo sa sofa, pinatong niya ang ulo nito sa legs niya’t nilagyan ng ointment ang kamay niya. Inumpisahan na rin niyang masahiin ang ulo nito. Walang malisya sa ginagawa nilang dalawa. kahit pa makita sila ng pinsan at mga magulang ay wala ang mga itong pakialam. dati na kasi nilang ginagawa eh, minsan kasi ang binata ang nagmamasahi sa ulo niya kapag sumasakit ito. “best.”
“hmm?”
“gala tayo mamaya.”
“hindi pwede, may trabaho ako at may mga pepermahan pa ako. ang dami ko pang babasahin na mga papeles na nakatambak sa mesa ko.” aniya.
“ano ba ‘yan!?” sinamaan niya ito ng tingin at tamang-tama tumingin ito sa kaniya na nakangisi kaya inisnaban na lang niya. “sige na nga, sasamahan na lang kita dito magbasa ng mga walang kwentang deals na ‘yan.”
“kung makapagsabi naman na walang kwenta.”
“sa totoo naman eh, patungo lang naman iyan sa basurahan. pustahan tayo.”
“hindi ako pupusta sa’yo dahil madaya ka.” aniya.
“hoy! hindi kaya.”
“si Caleb tawagan mo, sa kaniya ka makipagpustahan at hindi sa akin dahil wala kang mapapala sa pustahan. sabihan mo iyong kuripot na iyon na ang utang niya bayaran na niya. Uutang ‘tapos kapag sisingilin hindi marunong magbayad. kuripot talaga! eh, sa mga babae naman niya napupunta ang pera. akala niya siguro hindi ko alam na marami pa din siyang babae.”
“hoy! hindi na nga iyon nambabae eh. ang mga babae ang humahabol sa kaniya at hindi siya. alam mo naman iyon, kapag sinabi niyang hindi na siya nambabae tinutupad niya.”
“gustong-gusto naman niyang hinahabol siya, kapal ng mukha niya sa totoo lang. akala mo naman kung sinong gwapo. mas gwapo ka pa do’n.”
“aminado ka na gwapo ako?”
“oo naman! best friend kita eh, isa pa hindi ko naman na ide-deny na gwapo ka dahil totoo naman talaga na gwapo ka.”
“gwapo nga ako pero hanggang doon lang.” bulong ni Edzel.
“may sinasabi ka best?” tanong ni Elaiza sa kaniya.
“wala. gutom ka na ba? magpapabili ako ng pagkain sa labas.” tanong niya sa dalaga.
“hindi pa naman dahil bago ako umalis ay kumain muna ako sa bahay at si nanay ang nagluto. may dala nga akong bento eh, gusto mo?” agad –agad siyang bumangon ng marinig niya ang salitang bento. “narinig mo lang si nanay nagluto at may dala ako ang bilis mong bumangon ah. ganiyan ka na ba ka patay gutom?”
“hindi naman, miss ko na kasi mga luto ni nanay eh at isa pa, matagal na akong hindi nakakabisita sa bahay niyo dahil busy din naman ako sa work dito sa opisina at minsan nga dito na ako natutulog eh. nagpapahatid na lang ako ng damit para may maisuot ako.” totoo naman ang sinabi niya. hindi na nga sila halos nag-uusap eh, nasa iisang building lang sila. kapag naman ang dalaga ang bumisita sa bahay ay ang mommy niya ang palaging kasama nito at wala na silang time together to talk some stuff. isa pa busy din sila at may training sila ng karate’t kung paano humawak din ng baril. Hindi niya alam kung para saan ang mga iyon?
ang palaging sabi lang ng mommy’t daddy niya ay magagamit nila sa future. wala silang magagawa at nag-eenjoy din naman si Elaiza sa mga ginagawa nito kaya lang ang pagiging sadista hindi ng dalaga ay hindi nawawala. wala nga silang laban ni Caleb eh kapag nag- sparring sila. palagi sila may pasa pero ang dalaga, tuwang-tuwa kapag nasasaktan silang dalawa ni Caleb.
napatingin siya kay Elaiza na nasa desk na nito at nilalabas ang mga pagkaing dala. bigla tuloy siyang naglaway, miss na talaga niya ang luto ng nanay ni Elaiza. ano kayang niluto nito? magaling din magluto ang dalaga eh kagaya ng nanay nito. may pinagmanahan, hindi lang maganda kundi mabait pa’t maalaga sa mga relatives nito’t kaibigan.
kahit na pasaway nga sila ni Caleb minsan, iniintindi pa din sila ni Elaiza para hindi daw sila mabugbog kapag galit na ito sa kanilang dalawa. kinakalma pa din nito ang sarili at hindi pa din nagbabago ang ugali nito, kung paano niya naging kaibigan nito noong bata pa sila ay ganoon pa din ito sa kanila. Elaiza is always Elaiza. nag-aaral din ito para humusay sa pagsasalita ng English at Nihonggo. mas nadadalian ito sa Nihonggo kesa sa English. naalala niya dati, muntik ng hindi ito pumasa sa English subject dahil na din sa palagi itong lutang. mabuti na lang at napakiusapan niya pa ang teacher nila noon na ipasa ito para makapaso. wala siyang aasahan ditto kapag English subject eh, ayos ito sa assignment dahil pinapakopya niya ito palagi. kaya lang, bagsak na sa recitation or sa after lecture quiz. hindi na siya nagtataka kung bakit ang grado nito sa English, Science, Math, TLE, puro seventy-five. Pagdating naman sa MAPEH ayos ang grado nito dahil isang athlete ang kaibigan niya pero sa Health, bagsak din kaya lang, nahihila sa PE, Arts at Music. Diyan na subject active siya.
“best! best!” sigaw ni Elaiza. napakunot noo siya dahil kanina niya pa tinatawag ang kaibigan niya pero nakatulala lang itong nakatingin sa mesa. may problema talaga itong lalaking ito at hindi man lang nagsasabi sa kaniya. wala siyang nagawa kaya lumapit siya dito at hinawakan ang noo nito. wala namang lagnat, “best!” tawag niya ulit.
bigla itong tumayo sabay sigaw ng “bagsak ka!”
“hah? anong bagsak pinagsasabi mo diyan?” tanong niya. hindi pa naman bumabagsak ang kompaniya nila di’ba?
“wala. tara na nga, kain na tayo. namiss ko ang luto ni nanay eh.” anito’t sabay akbay sa kaniya patungo sa desk niya. hindi pwede na kumain sila sa desk niya. madudumihan ang mga pepermahan niya. akala lang pala niya, kinuha lang nito ang bento box na nasa mesa at siya naman ay kinuha na lang tubig na nasa mesa’t binitbit patungo sa center table. paano iyan? isang pares lang ng chopstick ang dala niya? ay, busog pa naman siya at ito lang din ang kakain dahil kailangan din nito uminom ng gamot. naglasing at siya pa ginawang masahista, na pumayag din naman siya sa sinabi nito. hindi niya kasi mahindian minsan ang best friend niya. pasaway talaga ito minsan pero mas pasaway talaga siya noon. kung alam lang ng mga nakakakilala sa kaniya ngayon kung gaano siya kapasaway noong bata pa siya pero, hindi naman sila umabot sa guidance office eh. mahilig lang talaga siyang tumakbo noon at umakyat ng mga puno. kaya binansagan siyang Tarzarina eh.
“nga pala, magpapatawag ako ng meeting next Saturday sana kaya lang, hindi ako pwede nang araw na iyon. Tutal, we’re partners naman, pwede Ikaw na lang mag-attend may naka-schedule akong training niyan eh.”
“ikaw nagpatawag ‘tapos ako a-attend sa meeting? hoy babae! baka nakakalimutan mo rin na busy din akong tao pero ayos lang. Malakas ka sa akin eh.”
“naman! alangan na pabayaan mo na lang ang kompaniya natin? lagot ako kay uncle Soskie niyan kapag nagkataon. Hindi ko na mababawi ang Yamamoto group niyan.”
“di’ba ang pinsan mo ang bahala sa Yamamoto?”
“yeah… siya muna pinapahawak ko do’n. may mga kinontak na siyang tao para makabili ng share kaya lang hindi pa rin sapat iyon para mabawi namin ang kompaniya… wala talagang choice kundi bilhin ang shares ng magkapatid na Yamamoto. Si Shikaya sana kaya lang out of town dahil sa pagmomodelo ata.” aniya
“updated ka yata masiyado? baka nakakalimutan mo ang nangyari sa’yo last year nang dahil sa kanila. sinira nila ang buhay mo best… hindi mo dapat balawalain iyon. kailangan mong makuha ulit ang kompaniya nila sa lalong madaling panahon.”
“alam mong hindi iyon ganoon kadali.” aniya na may kinikimkim na galit sa puso. Nang dahil sa kanila, nasira ang image niya, pinaratangan siya ng kung anu-anong hindi naman totoo at wala naman ang mga itong napatunayan. alam niyang masama ang maghiganti kaya kailangan niyang maging kalmado sa lahat ng oras. Hindi sa lahat ng bagay ay paghihiganti ang solusiyon. Hahanap siya ng paraan para hindi dumanak ang dugo sa mga kamay niya o gagawa siya ng paraan para maibsan ang galit niya. dahil niya sa puso niya na hindi sapat ang pera para maging masaya siya.
kung sakali man na nakapaghiganti siya sa pamilyang sumira sa kaniya, magiging masaya kaya siya? iyon ba talaga ang hinahangad ng puso niya? Aaminin niya sa sarili na kahit lumipas na ang isang taon ay mahal niya pa rin si Shino. hindi naman nawala iyon sa kaniya eh. oo, may parte ng puso niya kinamumuhian niya ang taong iyon pero, nanaig pa rin ang pagmamahal niya rito. Ayaw niyang gugulin ang oras para lang makapaghiganti sa isang tao.
iniisip na lang niya, pinagtagpo sila maikling panahon pero kung darating man ang araw na pagtatagpuin ulit sila ng tadhana at mahal pa rin nila ang isa’t-isa. Gagawin niya ang lahat para maging panghabambuhay na. Kung magtatagpo sila na may mga mahal ng iba ang bawat isa. Magiging masaya na lang siya para sa binata. at least, minahal niya ito ng buong puso sa maikling panahon lamang at ikukuwento niya sa anak niya at sa mga apo niya sa future na may isang lalaking unang minahal niya.
naging masaya naman siya sa piling ng binata.
Hindi lingid sa kaalaman ni Elaiza, habang tulala siya ay nakatingin lang din si Edzel sa kaniya. Nagtataka ito kung bakit tulala ang dalaga. Sino kaya ang iniisip ng dalaga? nagugustuhan na ba siya nito? isang taon na ang lumipas ay umaasa pa din siya na mamahalin siya ng dalaga kagaya ng pagmamahal niya rito. mula bata pa lang ay gusto niya ng palaging nakikita ang dalaga. Lihim niya itong iniibig pero, iba ang iniibig nito.
alam iyon ng puso niya na may mahal ng iba ang dalaga at hanggang ngayon ang lalaking iyon pa rin ang mahal nito kahit isang taon na ang lumipas. ganoon ba siya kahirap mahalin? hanggang pagiging best friend lang ba talaga ang kayang ibigay sa kaniya ng kaibigan niya? Hindi ba lalampas kung ano man ang nararamdaman niya sa ngayon. hanggang dito na lang din ba siya? hindi ba siya makapagsabi sa dalaga na mahal din niya ito. Mahal na mahal at gagawin niya ang lahat mahalin din siya nito. Kaya lang, ayaw niyang pilitin ang dalaga na pakasalan siya kahit palagi siyang kinukulit ng mga magulang niya na magpakasal silang dalawa.
ayaw niyang ilagay ang best friend niya sa isang situation na siya lang ang naging masaya. Marriage is not a choice. ang pagpapakasal ay kailangan mahal niyo ang bawat isa. Kung magpapakasal kayo, dapat agree ang bawat isa dahil panghabangbuhay iyon na desisyon. Hindi lang dahil pinagkasundo kayo ay papayag na kayo. Fight for your love! oo, mahal niya si Elaiza pero kaibigan niya rin ang dalaga at matalik na kaibigan ayaw niyang traydorin ito. Hindi niya pangungunahan ito dahil ang desisyon ng dalaga ay para rin sa kanilang dalawa.
Kung darating ang panahon na mahal na siya nito, ikalulugod niyang tanggapin dahil ang babaeng inaasam niya ay napasa