My Mortal Enemy is My Lover
PROLOGUE
CHELSEA'S POV
"Aray!" isang matigas na bagay ang tumama sa kanyang pwetan isang araw sa school na kanyang pinapasukan. Highschool student siya at kasalukuyang nasa fourth year na siya sa high school. Hinanap nya ang pinanggalingan ng matigas na bagay na tumama sakanya. At hindi siya nagkamali, nanggaling ito sa pinaka ayaw at pinakakinabubwesitan nya sa loob ng campus. "Leon! wala ka nanaman bang magawa sa buhay mo? Bakit mo ako binato? E kung batuhin din kaya kita?" Singhal niya dito. Si Leon Mondragon, isang spoiled brat na nanggaling sa isang mayamang pamilya sa kanilang lugar. Walang araw na hindi siya nito inaasar sa loob ng campus. Naging hobby na yata nito ang pang aasar sakaniya. Para bang hindi nakukumpleto ang araw nito kapag hindi sya nito napag titripan. "Ops! Sorry! saad nito na nakangisi pa sakanya sabay peace sign ng kanyang kamay. "Diko alam na nandiyan ka pala. Paharang harang ka kasi dyan. Anu ba kasing ginagawa mo diyan sa daan. "Anu ba pakialam mo? Sayo ba tong daan na ito?" Ang taray mo naman, tingnan mo nakasimangot ka nanaman lalo ka papanget nyan sige ka." "Kapag tlaga ikaw ang lagi kong makikita, papanget tlga ako dahil bukod jan sa napakasama mong ugali, nakakabwesit pa yang pagmumukha mo! Ang ganda ganda ng araw, ikaw lang ang panira! Kaya pwede ba? Tantanan mo ako! Get lost Mondragon!
Umalis na siya sa lugar na yun at tinalikuran ang empaktong lalaking tatawa tawa pa at tuwang tuwa na nasira nanaman nito ang araw niya. Nagpunta siyang canteen para kumain dahil nagugutom na talaga siya. Maaga siya umalis ng bahay kaya naman ay hindi siya nakapag alamusal sa bahay bago umalis. "Maaga pa naman para sa next class ko. Kakain muna ako para may energy at makapag isip ng maayos para sa exam namin sa Mathematics."
"Chelsea!" isang malakas na tawag ang narinig niya mula sa sulok ng canteen. Tawag sakanya sabay kaway ng kanyang bestfriend na si Gwen. "Gwen! tinunton nya ang lamesa kung saan napwesto ang kanyang kaibigan. "Dinaanan kita sainyo kanina para sana sabay na tayo pumasok kaso sabi ng katulong niyo e maaga ka daw umalis ng bahay." saad nito. "Oo, maaga ako umalis, may project kasi ako tinapos sa Library para maipasa ko na din ngayong araw." Ganun ba? Sabay tayo uwi mamaya? May ipapakilala ako sayo. Masayang sabi nito. "Who? kunot noong tanong niya. "Malalaman mo din mamaya. Message kita after my class ok?" "Ok! sagot nalang nya dito. Nagpaalam na ang kaibigan sakanya dahil may susunod na klase pa daw ito. isang ngiti naman ang sinagot nya dito bago ito tuluyang umalis at naiwan siyang magisa.
"Sino kaya ang ipapakilala nya saken? Ngayon ko lang siya nakitang excited ng ganun at nag nininging ang mga mata."
Ipinagpatuloy nya na ang kanyang pagkain dahil may susunod pa siyang klase. Nang matapos syang kumain ay umalis na sya sa lugar na iyon at tonungo na nya ang room lung saan ang susunod nilang klase. Nakita pa nya sa labas ng room ang ilan sa mga kaklase niya kaya kampante siya na hindi pa siya huli sa kanyang klase. Agad na syang pumasok sa room pagdating nya at dun nalang maghihintay sa pagdating ng kanilang guro.
"Hi Ms. Masungit!" Nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Leon mula sa kaniyang likuran.
"Anu ba Leon! Nananadya kaba talaga? Kung may sakit lang ako sa puso baka inatake nako dahil sa gulat ko sayo!"
Tawang tawa ang hinayupak na lalake sa kalokohan pinang gagawa niya. "What is it this time? huh?!" Can you please leave me alone?! Pagtataray niya dito sabay tinapunan niya ng isang masamang tingin ang lalake. Ngunit di pa rin siya nito tinigilan.
"Bakit ba ang taray mo ha? Mar regla kaba ngayon?!"
"Ano bang pakialam mo?! Di mo ba talaga ako titigilan sa pang aasar mo? Pag di ka pa tumigil sasamain ka na saken." pagbabanta niya dito. Ngunit wala yata sa bukabularyo ng lalakeng ito ang tigilan siya ngayong araw.
"Bakit ba ang sungit mo saken? Swerte mo nga pinapansin kita e. Di mo ba alam na halos lahat ng babae dito sa campus ay nagkakadarapa na mapansin ko? E ikaw, ako pa mismo lumalapit sayo. Tapos nag iinarte kapa."
"Excuse me? at bakit ko nmn kelangan magpapansin sayo? Bakit sino kaba ha? pareho lang tayong estudyante dito. Diko kelangan gumawa ng paraan para pansinin mo dahil wala kong pakialam sayo?!"
"Ouch! nasaktan naman yung ego ko dun! Sabay pisil kunwari sa kaliwang dibdib nito. "Alam mo dapat matuwa ka dahil sa dami nila,ikaw ang bukod tanging napansin ko."
"Pwes di ako natutuwa kaya pwede tigilan mo nako? Tatayo sana sya para lumipat ng ibang upuan dahil ayaw nya itong katabi ng biglang dumating ang kanilang guro. Wala syang choice kundi ang pagtyagaan ang presenya nito hanggang sa matapos ang klase nila.
LEON's POV
"Roger! Mauna na kayo sa room may dadaanan lang ako. Paalam nya sa mga kaibigan nya.
Nasa school campus sila at nag aantay ng oras ng kanilang klase ng makita nya si Chelsea sa di kalayuan. Aasarin nya muna ang dalaga dahil ilang araw nya itong di nakita mula nung sila ay nagbakasyon nung isang linggo. Sa lahat ng mga estudyante sa campus ay tanging si Chelsea lang ang nakakuha ng kaniyang atensyon. Siya lng kasi ang bukod tanging estudyante na di nagpapakita mg interes sakanya at di siya natutuwa dun dahil natatapakan nito ang kanyang ego. Mula nung pumasok sya sa eskwelahan na ito ay naging campus crush sya ng mga estudyante dahil sa taglay nyang kagwapuhan at dating. Di naman sa pagmamayabang ngunit malaki ang kumpyansya nya sarili dahil sa tikas na taglay nya. Matangkad sya sa height na 6'2 at magandang pangangatawan dahil regular ang kanyang ginagawanf work out. Varsity olayer din sya sa campus kaya nmn sikat na sikat sya sa buing eskwelahan. Kaya di nya matanggap sa sarili na may isang babae na kaya syang balewalain. Kaya nmn simula nung sungitan sya ng babae ay di na nya ito tinantanan na asarin araw araw. Hindi maikakaila ang taglay nitong ganda. Maputi ang balat nito at makinis. Maamo ang mukha at matangos ang ilong. Makintab din ang mahabang buhok nito na bumagay sa maliit nitong mukha. Di ko din maipagkakailang maraming kalalakihan ang nabibighani sa taglay nitong ganda ngunit tulad nya ay di niya rin ito pinapansin at minsan pa ay nasusungitan nya din lalo na at makulit ang lalakeng nagpapapansin dito.
Nang malapit na siya sa kinaroroonan nito ay kumuha siya ng maliit na bato at binato nya ito sa likuran. Tulad ng inaasahan niya ay tinarayan nanaman siya nito. At tuwang tuwa siya dahil nagtagumpay nanaman sya sa kaniyang balak. Tinalikuran siya nito ng nakasalubong ang kilay at lukot ang mukha. Nakangisi nya itong pinagmasdan palayo habang pasipol sipol habang nakataas pa ang kanyang dalawang kamay sa likod ng kanyang ulo. Nakita nya itong nagpunta sa canteen. Nagdesisyon siyang pumunta na sa room ng kanilang sunod na klase para dun nalng ito antayin at muling asarin.
Nadatnan nyang nagkakasahan ang kaniyang mga kaibigan habang nag aantay saknilang guro. "Bro. Tawag sakanya ni Roger. San ka galing? Bakit ang tagal mo?
"Dun lang Bro. May nakita akong magandang babae e. Syempre mga ganung pagkakataon dapat hindi natin pinapalampas yan!.
"Iba ka tlga Bro. Bakit nmn di mo kami sinama? Yan hirap syo e,pag mga ganyang bagay gusto mo sinasarili mo lang e. reklamo ng kaibigan nyang si Roger.
"Bro di pwede. Saken lng yung babaeng yun. Yaan mo at pag may nakita ako ulit irereto kita. Sabay ngisi at tapik nya sa balikat ng kaibigan.
Nga pala Bro. Birthday ng nakababata kong kapatid sa isang linggo. Wag kang mawawala. Maraming inimbita ng kapatid ko yung mga kaibigan niya sa school. Karamihan dun chix pre kaya maghanda ka. Sabay tawa ng malakas. Napailing nalang sya at tumango sa kaibigan bilang pag sang ayon.
Sige Bro. Pupunta ako.
CHAPTER 1
LEON's POV
Habang nagkukwentuhan silang magkakaibiga ay nakita niyang pumasok sin Chelsea at naupo sa kanyang upuan. Agad nya itong nilapitan at ginulat mula sa kanyang likuran. As usuall, nakakunot na noo ang bumugad sakanya sa ginawa nya.
Hi Ms. Masungit! bati nya dito. Ngunit pagtataray lang ang ginanti nito sakniya na siya namang inaasahan. Hindi nya alam oero ang sarap itong asarin. Kaya naman hindi nakukumpleto ang araw nya kapag hindi nya naasar iti at hindi nakikita ang nakabusangot nitong mukha. Dahil sa ginwa niya, tatayo sana iti at lilipat ng ibamg upuan upang iwasan siya ngunit siya namang pagdating ng kanilang guro.
"Good Morning class! Bati ng kanilang guro. Pleade have a seat and get one your pen because we will having an exam today.
Umayos ng upo ang buong klase at mahkatabi n nga sila ni Chelsea ngayon hanggang sa matapos ang buong klase. Nakaramdam siya ng konting saya dahil makakatabi nya ang dalaga sa buong klase nila. Hindi nya mapigilan na maya't maya ay hindi lingunin ang katabi. Para syang nahihipnotismo ng ganda nito. Marahil ay isa din iyon sa rason kung bakit nakuha agad nito ang atensyon nya nung unang kita palang nya dito. Hindi nya matandaan kung ilang beses nya itong tiningnan ng palihim hanggat sa natapos ang kanilang klase. Bago oa man ito nakalabas ng room nila ay hinabol niya ito at sinabayan ng habang naglalakad ng hallway palabas ng building.
"Saan ang punta mo? Ms. Masungit? tanungnya dito habamg naglalakad sila.
"Wala kang pakialam kung saan ako pupunta. pagtataray nanaman nito sakanya.
"Bakit ba ang init ng dugo mo saken? may gusto kba saken? tanung nya dito.
"Duh?! ako magkakagusto sayo? in your face! Pwede ba Mondragon. I don't have time for your nonsense moments ok? Leave me alone!
"Wala nmn akong ginagawang masama sayo ah? Bakit ba ang taray taray mo? Inis nya na tanung dito.
"Bakit hindi mo tanungin sarili mo? and pwede ba tantanan moko dahil di ako komportable kapag nasa paligid kita.
Mabilis ang ginawa nitong paglakad para makalayo ito sakanya. Dahil sa ginawa nito ay lalo siyang nagalit dahil sa pambabalewala nito sakanya.
"Akala mo ganun lang ako kadali sumuko? Dahil sa ginagawa mo mas namomotivate ako na asarin ka, aniya saknyang sarili. May naisip sya bigla na plano para sa babaeng patuloy na nambabalewala sknya.
"Tumingin sya sa kanyang pambisig na relo at tiningnan ang oras. Naalala nya may training nga pala kami ngayon. Dali dali syang nagpunta ng gym at nagbihis ng uniform para sa kanilang training sa basketball. Malapit na ang intrams at kelangan nilang paspasan ang pag training dahil may mga kalahok na taga ibang school ang dadayo saknila para makipaglaro at hindi pwedeng matalo sila nito. Buong araw siyang naging busy sa oh training kaya naman nakalimutan nya sandali ang planong namumuo saknyang isipan kanina para sa kay Chelsea.
Samantala..
Si Chelsea naman ay nakipagkita sa kaniyang besftreind na si Gwen pagtapos ng huli nilang klase dahil may usapan sila nito na magkikita at may ipapkilala daw ito saknya.
"Asan na kaya ang babaeng yun? Anung oras na dapat kanina pa sya nandito. tanong nya sa sarili. Sinubukan nyang tawagan ito sakanyang cellphone ngunit out of reach ang number nito. Naghihintay sa favourite place nilang magkaibigan sa kabayanan. Isa itong sikat na Cafe dahil sa masarap nitong mga pagkain at cozy na lugar. A best place for a couple na gustong magrelax at magcelebrate ng kanilang espesyal na araw. Ilang minuto pa siyang naghintay at nakita na din nya sa wakas ang kanyang kaibigan na paparating at may kasama siyang isang lalakeng matangkad gwapo at isang tingin palang ay masasabi mo ng may kaya ito sa buhay. Nang makarating ito sa mesa nila ay tumayo sya at ipinakilala siya lalakeng kasama nito.
"Bestie. Meet my cousin Greg. Greg this is Chelsea my bestfriend. Maagap na inabot ni Greg ang kamay nya bilang pakikipag kamay nito.
Nice to meet you Chelsea. sabay pisil nito sa kanyang kamay habang nakatitig sa mukha nya at malaki ang pagkakangiti. Isang simpleng ngiti naman ang ginawad nya dito.