P O T R I C K NAMANGHA ang mga mata kong nakatingin sa unti-unting paglubog ng araw. Para itong marahang nalulunod sa pinaka-dulong parte ng karagatan. Napaka-gandang panuorin. Kung isa itong scene sa isang pelikula, tiyak kong sobrang romantic nito. Ngunit magiging gano'n lang iyon ka-romantiko kapag dalawang taong nagmamahalan ang sabay na nanunuod ng sunset. Kapag mag-isa naman, mararamdaman mo 'yong lungkot dahil tila iniiwan ka habang minamasdan ang marahang paglisan ng araw sa kalangitan. Nakaka-senti. But for me? Ayos lang na panuorin ko 'tong mag-isa ngayon. Sa katunayan, ang saya ko nga kasi nasaksihan ko 'yong ganitong tagpo at sa lugar pa kung saan pinaka-da-best mo itong makikita. Ang sunset kasi sa tabing-dagat ang pinaka-espesyal sa lahat ng takip-silim para sa akin. Someh

