bc

Four Years Older

book_age16+
2.0K
FOLLOW
8.4K
READ
drama
sweet
bisexual
humorous
lighthearted
brilliant
witty
school
slice of life
gay
like
intro-logo
Blurb

Nang magkulang ng fifty-three pesos ang bayad sa pinamiling groceries ni Potrick Dela Paz aka 'Pot', kinabahan siya dahil ayaw niyang mapahiya sa harap ng kahera at ng mga taong nakapila.

Sakto namang may dalawang lalakeng college students na nasa likuran niya, may hawak na apat na in-can beers at nagmamadali. Sinagot nito ang kulang niya para makaalis na sa pila.

Nang makita ang pangalan ng university na pinapasukan ng mga ito sa uniporme nila, nagkaroon ng ideya si Pot sa eskwelahang papasukan niya sa unang taon niya sa kolehiyo.

Sa pagpasok niya sa mas malaking mundo, hindi niya inaasahan ang tila rollercoaster ride-thrill na yayanig sa kanyang puso.

chap-preview
Free preview
Prologue
At the age of 17, I guess I'm different. Pangalan ko pa lang, kakaiba na. Well, my name is Potrick Dela Paz pero ang tawag sa akin ng mga taong malapit sa akin ay Pot. Naging nickname ko na rin sa katagalan. Nagkamali kasi ng isang letra 'yong nurse na nagsulat ng pangalan ko doon sa ospital kung saan ako ipinanganak. Iyong dapat ay 'A' ay naging 'O' that instantly became 'Potrick'. It should be 'Patrick' instead pero 'yong mga magulang ko, hindi na nila pinalitan. Bukod daw kasi sa cute, kakaiba rin pakinggan. Now, you know. Ano pa bang kakaiba sa akin bukod do'n? Ah, yeah. One more thing, hindi ako straight. Medyo nalilito pa ako kung paano ko ile-label 'yong sarili ko dahil kung kumilos naman ako ay tuwid pa rin at walang halong lambot sa katawan. The way I speak, gano'n rin. Ang rason lang naman kung bakit sinimulan kong kwestyunin ang sarili ko ay noong minsan akong manuod ng gay p**n. Ewan, out of curiousity ay pinanuod ko 'yon and voila—ganito na ako. Well, hindi ako pala-nuod no'n ha? That was the first time and the last, period. Ano pa ba? Hmmm. Siguro, hindi ako katulad ng mga kasing-edad ko dahil mas malawak 'yong pananaw ko sa pag-ibig compare to them. Say what? Do I really need to explain it? Okay. Hindi ko na i-e-elaborate pero para sa akin, 'pag dumating sa'yo 'yong love—you need to make sure na worth it 'yon at hindi basta may pang-post ka lang sa mga social media accounts mo and then after a month or two, wala na. Tapos na. Hindi kasi kontrata ang pag-ibig, na natatapos every 6 months tapos hahanap ulit ng panibagong kontratang matatapos din naman. 'Di gano'n 'yon, uy! You need to make a right choice, maghintay sa perfect timing at kung darating ay darating. Hindi kailangang mainip. Kailangan nasa tamang pagkakataon ang lahat, 'yong bang hindi binasta lang? A real relationship with goals. Hindi 'yong relasyong hindi matibay, hindi 'yong tipong madaling bumigay. You know what I mean? Hindi ko alam kung na-explain ko nang maayos na 'yon but hopefully, nakuha niyo 'yong thought sa side na pinaglalaban ko. Basta ako, if I ever found the one for me—I will make sure na worth it siya at ako para sa kanya. Iyong tipong totoong love na may sense at totoong feelings na tagos sa heart. A real love story. Okay, masyado na yata akong maraming sinasabi tungkol sa love. Siguro, iyon lang 'yong pagkakapareho ko sa ibang teenager dyan—marami akong 'say'—pero at least may sense at point naman ako, 'diba? Back to my life story. Ako ang bunsong anak. Dalawa lang kami ng kapatid ko, si Kuya Peter — isang 4th year college student na nagdo-dorm sa malayong unibersidad. Umuuwi lang siya tuwing weekends para makasama kami. May isa akong super-close na kaibigan, si Dorothy aka Dori. Kung may pa-contest ang paramihan ng break ups, ay panalo na siya! 16 pa lang si Dori pero naka-17 na siyang ex-boyfriend. Hindi ko lang sure kung tig-iilang buwan ang mga 'yon. Ang alam ko lang, madali siyang ma-fall. Hindi na siguro mawawala ang gano'ng ugali sa isang teenager. When I moved to university life, hindi naman ako nag-expect ng kahit ano bukod sa new surroundings at mga bagay na matututunan ko do'n. Ang hindi ko inasahan ay ang mapalapit sa dalawang taong una ko nang nakita noon. Lahat ng sumunod na nangyari, hindi ko na napigilan at tila isang tubig sa ilog na patuloy sa pag-agos. And guess what? Nagpadala ako sa agos nito. Alam ko kung kanino tumitibok 'yong puso ko. But fate played a trick on me at lalo akong nilito. Ngayon hindi lang ako 'yong nahihilo, pati 'yong puso ko. Well, I just fell in love with a college guy that's four years older than me.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
54.7K
bc

NINONG III

read
417.3K
bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
57.0K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.9K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

BAYAW

read
82.1K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook