Chapter Twenty

2489 Words
Chapter 20 Agad akong humiwalay sa pagkakayakap ni Doyle mula sa likod at inayos ang sarili ko. Si Doyle hindi din makapaniwala sa nakikita niya ngayon. "Ella? Doyle?" Gulat na sabi ni Ica sa amin nang makita kami at mabilis na lumapit sa amin. Nagsidatingan din sina Natan at Julie kasunod niya na siya sigurong tinawag niya kanina. "Hey!" I stuttered greeting them. I don't know if they saw us hugging pero feel ko nakita nila. "Look at you! Long time no see ha!" Bati naman sa amin ni Julie at nakipagbeso na sa amin. Hinalikan ako sa pisngi ni Julie at Ica samantalang sina Doyle at Natan ay nagbeso din. "What's up, bro?" Bati ni Natan sa kanya. Natan, Julie, and Ica are our college friends. Malalapit sila sa amin kasi we're circle of friends naman dati. Well, lumipat nga lang si Natan sa UP kaya nahiwalay but still nasa circle of friends pa din namin siya dati. Natan and Kev are so close. Alam kong may hindi pagkakaintindihan dati si Natan at Doyle but nasettle naman na nila 'yon. I don't know kung ano 'yong di nila pagkakaunawaan dati pero dati pa 'yon. Si Julie at Ica naman ay laging magkasama na napunta na din sa circles ko with Cel and Feri, kaso mas close ko talaga sina Cel and Feri. They're my best friends. I can't believe na dito pa kami magkikita-kita sa Davao to think na malawak ang Davao City tapos nandito pa kami nagkita-kita at sa ganitong sitwasyon pa sa date namin ni Doyle. "Okay lang, bro. Kayo? Small world, dito pa tayo nagkita-kita." Napatawa si Doyle para siguro mawala ang awkward sa amin. Ako ay pilit lang na ngumiti kina Ica at Julie. "Hindi ko na kayo nakilala kasi madilim na, alam mo naman malabo mata ko." Sabi ni Julie sa akin habang nakangiti. "Ano ka ba? Kayo din kaya hindi ko nakilala. Akala ko may artista na, e." Biro ko pa. "Seriously, Ella?" Ica laughed. "Nagawa mo pang magbiro. By the way, nandito pala kayo ni Doyle?" Pumanhik ako sa tanong niya. Si Doyle ay tumingin sa akin ng makahulugan habang kinakausap siya ni Natan. Si Julie ay halata sa mukha niya na she's waiting for my response. They're both curious kung bakit kami nandito ni Doyle at kami lang dalawa. "Ah... Yes, we're here for our project. Some sort of company work given by my dad." I respond confidently para maniwala sila which is totoo naman talaga. "Ah, yeah! I knew it," Napangiti pa si Ica na parang may inaalala. "Noong magkita kami ni Kev one time he mentioned na may mission daw kayong dalawa in order to get married at pinaghiwalay daw kayo sa mission ng mga parents niyo and it's true. Ikaw nandito while Kev is on Manila." Sasagot pa lang sana ako kay Ica pero sumegunda si Julie. "Oh, see. Bakit hindi mo sinabi Ica?" "Hindi ko sinabi kasi hindi ka nagtanong." Ica laughed again. Natawa na lang ako sa kanila habang tumatango. "Kayo? Bakit pala nandito kayong tatlo?" Ako naman ang nagtanong. Nagkatinginan sila at ngumiti. "Of course to travel! Yayayain nga sana namin kayo e kaso busy pala kayo sa works niyo. Si Feri on vacation, si Celeste on racing, kayo nina Kev and Doyle nasa work din, so kaming tatlo na lang." Tuloy-tuloy na sabi ni Ica. Medyo madaldal si Ica since college pero happy go lucky siya. Si Julie naman medyo kind of nerd siya pero masaya ding kasama while Natan is some kind of less talkative. I don't know lalaki e. "Great. Timing pala nagkita-kita tayo dito." Pilit akong ngumiti. "Yes, Davao City is a great place, huh." Napatawa pa si Julie. Lumapit sa amin si Doyle at Natan. Tumabi sa akin si Doyle kaya medyo umiwas ako kasi mahirap na baka kung anong isipin nila. "Ano guys? Kumain na ba kayo?" Tanong ni Natan na nakangiti. Si Julie ay napangiti din kaya nagtinginan kami ni Ica. Ngumiti ako kay Ica tapos siya din kasi alam naman naming may namamagitan sa dalawa since college ewan ko lang kung nag-aminan na. "Hindi pa. Ano tara?" Sagot agad ni Julie kay Natan tapos lumapit sa kanya si Natan at inakbayan ito. Sabay kaming napatikhim ni Ica at natawa samantalang si Doyle ay kumunot ang noo. Oo nga pala, simula kasi nang umalis si Doyle dati papuntang New York ay hindi niya na naabutan ang friendship namin. Tanging si Kev lang ang nakasali sa circles namin. "Let's go." Si Ica at hinawakan na ako sa kamay. "Alam niyo guys buti nakita namin kayo kasi kung hindi third wheel ako sa dalawa." Dagdag pa ni Ica. Nagtinginan kami ni Julie na ngayon ay inaakbayan pa din ni Natan habang naglalakad kami papunta sa kung saan. Si Doyle ay tinignan ko din at nandoon lang siya sa likod namin ni Ica since hawak ni Ica ang kamay ko habang naglalakad. "Ilang years na sila?" Tanong ko kay Ica since siya naman ang laging kasama ni Julie. She pouted and shrugged before responding, "I don't know. Hindi sila masabi, e." "I see." Sabi ko na lang habang tinitignan ang nauuna sa amin na sina Natan at Julie na magkaakbay. "Saan pala tayo kakain?" Tanong ni Doyle at tumikhim mula sa likod namin. Natigil kami sa kakalakad at sina Julie din. Napatingin ako kay Natan kasi parang siya ang nakakaalam kung saan ba kami kakain ng dinner since gabi na din. "May malapit na pinoy restaurant dito. Doon na lang. Okay ba?" Si Natan nga ang sumagot. Tumango ako at ngumiti tsaka tumingin kay Doyle na nakatitig sa akin. "Can we have a solo dinner?" Tanong ni Doyle uli pertaining to me. Oh gosh. My heart is beating so fast and I'm nervous. Hindi niya na naman kasi mapigilan ang emosyon niya sa akin. "With whom, bro?" Tanong ni Natan clarifying something at kumunot ang noo niya. "With Ella." Tipid niyang sagot at napayuko habang pinapaikot ang phone niya sa kamay niya. I know that he's disappointed sa date namin since nagkita-kita kami unexpectedly ng mga kaibigan ko na alam kong hindi niya naman masyadong close. "Guys, ano ba kayo? Ngayon nga lang tayo nagkita-kita, e. Sabay-sabay na tayong mag-dinner. C'mon! Let's go na." Biglang hinila na ako ni Ica at naglakad na tapos kami na ang nauna sa kanila. Hindi ko na nahagip ng tingin si Doyle since nasa huli na siya. Sumunod na din sina Julie at Natan sa amin at hindi ko alam if nakasunod na din sa amin si Doyle. Nakarating kami sa Filipino Restaurant nga na sinasabi nila Natan at mukhang masasarap naman ang nasa menu nila doon. Paupo na ako sa isa sa mga upuan katabi ni Ica nang hilain ako ni Doyle para tumabi sa kanya kaya wala na akong nagawa kundi maupo na lang sa tabi niya. "Stay beside me." Pabulong na sabi niya sa akin nang makaupo na ako. So bale magkatabi kami ni Doyle at kaharap namin ang couple na sina Natan at Julie samantalang si Ica ay nasa kabilang side katabi ni Julie. Animan ang upuan kaya may isang bakante pa sa side namin. "Guys pili lang sa menu, sagot ko na." Sabi agad ni Ica sa amin. "Okay ka lang, Ica? First time? Nilalagnat ka yata, e." Puna ni Julie at natawa. Natawa na din ako kasi naman parang first time nga niyang manlibre sa amin at sa restaurant pa. "Oo nga. Kulit." Nagsitinginan na kami sa menu. Si Doyle ay medyo seryoso pa sa kakatingin kaya tinitigan ko siya. Bakit ang pogi ng side view niya? Feel ko kapag naging babae si Doyle mas maganda siya sakin. Nakakainsecure naman. "Don't stare at me. I'll kiss you." Narinig ko na namang bulong niya. Buti na lang medyo maluwag ang table kaya medyo distant sina Julie sa amin kaya siguro hindi naririnig ang bulong niya. Kinuha niya naman ang phone niya at nagtype dito kaya kinuha ko din ang akin kasi alam kong ako ang itetext niya. At tama nga kasi nag-vibrate naman agad ang phone ko na hawak ko na ngayon. I read his message to me. Doyle: I wanna be with you alone. I replied so fast kasi kinilig na naman ako. Ella: We cant. Theyre here. Pigil muna. I sent it and nakita ko agad na binasa niya ito. Maya-maya lang ay kinuha na ng waiter ang mga order namin. Light dinner lang ang kinuha ko at ganoon din ata si Doyle. Si Ica ay nagsimula nang magkwento ng mga pangyayari sa buhay nila. Ganitong-ganito siya dati noong college pa lang, madaldal na talaga. "Oy, buti naging okay kayo ni Doyle? Diba last time magkagalit ata kayo." Ica laughed at natigil ako sa kakatawa even Doyle. "Yes we're okay naman na. We're working together as a team." I say and keep myself calm kahit na kinakabahan ako. Tumikhim si Doyle at tumahimik ang table namin, si Julie at Natan ay nakatingin din sa amin ni Doyle. "Balita ko break na daw kayo ni Sara, Doyle? Totoo ba?" Segunda naman ni Julie. Ano ba 'to? Parang hot seat yata kami dito. Ang tagal naman kasing dumating ng orders namin. "It's true. I broke up with her." Walang ganang sabi ni Doyle at hinawakan niya ang phone niya tsaka nilaro na naman ito. "Why? Ang cute niyo kayang couple. Bagay na bagay kayo." Ica commented and take a sip on her water. Tumikhim ako at napatingin kay Doyle. Doyle just shrugs to Ica. "There's nothing to be clarified for. She cheated on me." "She cheated?!" "Hindi na bago." Magkasabay na sabi ni Julie at Natan tapos napatingin kami kay Natan kasi halatang alam niya ang ugali ni Sara. "What?!" Biglang sabi agad in Julie. "You know that she's a cheater?" "Yep. Dati." Tipid lang na sagot ni Natan at halatang naiilang. Si Ica ay halatang gulat. Si Doyle ay nakatuon ulit ang atensyon sa phone niya. "And you know it, aren't you?" Si Ica naman ngayon. "She's my friend. I know what she's doing. Her last relationship before Doyle, she cheated too." Natan shrugs. Kita kong tumiim-bagang si Doyle mula sa narinig niya habang nagtatype sa phone niya. "Cheater or not, let's respect Doyle's decision." Sabi na ni Ica at ngumiti ng sympathy kay Doyle. Kung alam lang nila na nagchecheat din si Doyle with me baka hindi na sila maawa kay Doyle. "Hey guys, it's okay. At least I know her already." Doyle says. Nag-vibrate agad ang phone ko at nakita ko ang text niya. Doyle: Dont be jealous baby. I dont care about Sara. Nawala ang mabigat na nararamdaman ko sa dibdib bang mabasa ko 'yon kaya napangiti na lang ako tsaka nagreply. Ella: Im not. Know you love me. Umilaw agad ang phone ni Doyle nang maisend ko. Sina Ica naman ay nagkwentuhan na ulit tungkol sa kung saan-saan. Nagreply din agad si Doyle habang tinitignan ko siya na nakangiti. Mukhang kinikilig siya sa sinabi ko. Mabilis siyang nag-reply kaya nabasa ko ito agad. Doyle: Glad you know. :)) Hindi ko na siya nireplyan kasi dumating na ang hinihintay naming orders. Tahimik lang kaming kumakain sa table habang si Ica ay kwento nang kwento. Siya lang talaga ang maingay sa table namin.. "Hindi ba mag-ex kayo? Okay lang ba sayo Doyle na after this ikakasal na si Ella?" Biglang sabi ni Ella since ang kinukwento niya ay ang past college life namin. Napatikhim si Doyle at ako naman ay natigil sa kakanguya ng kinakain kong buko salad na since nasa dessert na ako. "Ye-yeah. Past is past, Ica." Sagot ni Doyle na naaalangan. "Sabagay two years lang kayo dati while Ella and Kev ay mag-four years na next month." Sabi naman ni Julie. Naramdaman kong bumuntong-hininga si Doyle. Kung bakit ba naman kasi lagi kaming iniintriga ng mga 'to. I know Doyle is hurting right now. "And ikakasal na sila. I'm so excited." Si Ica na nakangiti pa ng matamis sa akin halatang excited nga sa kasalan namin ni Kev kung mangyayari ba. Naubo si Doyle at humalukipkip ako tsaka ngumiti ng pilit. "Yeah. I agree. They're perfect couple." Sumang-ayon si Natan. "Imagine handsome and beautiful groom and bride soon to be." Dagdag pa nito. Mas lalong naubo si Doyle sa sinabi ni Natan kaya napatigil sila sa kakaisip sa kasalan namin ni Kev. "Bro, okay ka lang?" Tanong agad ni Natan kay Doyle habang umuubo pa din ito. Mukhang nasamid yata. "Inom ka tubig. Here." Ica offered a glass of water. Tinaas lang ni Doyle ang kamay niya senyales na okay lang siya sa amin. "You okay?" I ask patting his back kasi ako naman ang katabi niya. "I'm fine. It's just..." At naubo ulit siya. Si Julie ay lumapit sa kanya kasi namumula na siya kakaubo. "Uy Ella, I'm worried about him." Sabi nito sa akin while patting Doyle's back too. Natigil na din si Doyle sa kakaubo at uminom ng tubig. "I'm okay." He clarifies. Tumingin siya sa akin ng makahulugan. "I think we should go back to our hotel baka hinahanap na tayo." "O-okay." Kahit pa naguguluhan ako sa inaakto niya ay sumang-ayon na lang ako. "Guys sorry. Baka kasi hinahanap na kami ng team namin. So, mauna na kami ha?" Paalam ko kina Ica na siyang taka lang ang mga mukha nilang tumitingin sa amin. "Saan ba ang hotel niyo? Nakahotel pala kayo?" Si Ica. "Yep. Marco Polo." "Ah with your team? Akala ko kayo lang dalawa." Makahulugang sabi ni Ica at pinagmasdan kaming dalawa. Alam kong maghihinala at maghihinala sila at hindi ko sila masisisi. Sana lang hindi kami mahuli ni Doyle. "Ikaw naman Ica kung ano-ano ang iniisip mo." Si Julie at binatukan niya si Ica. "E malay ko ba? Sige guys 'till next time baka hinahanap na nga kayo." Nagpaalam na si Ica sa amin. Nagpaalam na din ako sa kanila pati si Doyle. "Thanks Ica for the treat. 'Till next time ha." Sabi ko pa at tsaka nakipagbeso sa kanila bago umalis. Mabilis kaming umalis ni Doyle sa restaurant kasi alam kong naiilang siya sa kanila. Well pati din naman ako. Hindi kami nag-imikan sa byahe pero hawak lang namin ang kamay ng isa't-isa. Naka-on naman ang stereo kaya hindi boring ang byahe. Ang totoo nga niyan nakakaenjoy pa kasi kasama ko siya while driving. Nakarating kami sa hotel hours after since medyo malayo ang hotel sa pinanggalingan namin. Nagpark na agad siya sa parking lot at mabilis akong pinagbuksang ng pinto nang makababa na siya. "I'm sorry they ruined our date." I say after kong makababa sa kotse. "It's fine. At least nasolo kita kahit saglit lang." He responds. Tumuloy na kami sa elevator para magpunta sa kanya-kanyang rooms. Nang makarating na kami sa floor ng room ko ay pagbukas ng elevator ay bumungad sa amin ang nagtatakang mukha ni Bella. Oh s**t. Here we go again. ©CharlSweetMind Ig: CharlSweetMind Twitter: CharlSweetMind. Follow me :))
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD