Chapter Nineteen

2364 Words
Chapter 19 "Excited for date tomorrow?" Tanong niya nang nakahiga na kaming pareho sa kama. Sinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya habang nakayakap naman ang mga kamay niya sa akin. Hinalikan niya din ang tuktok ng ulo ko at tila inaamoy ako. I'm glad I took a hot shower before going to bed, mahirap na baka asarin niya akong mabaho kung sakali man. "No," Sagot ko at tiningala siya. Kumunot-noo siya tapos nagsalita. "Why?" "I'm not excited cause I don't know what and where's the place, and you're here at my room. This is bad, Doyle." He chuckled a moment I speak. Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang daliri niya. Inayos ko naman ang pagkakahiga ko tapos tinitigan siya. "It's not bad that I'm here, Ella. Bad lang kapag may gagawin tayo." Lumapad ang ngiti niya at nakakaloko ito. He's thinking about it. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Nilayo ko ang sarili ko sa kanya at nahiga sa unan ko. Siya naman ay natatawa lang sa inaakto ko tsaka niyakap ako. "Joke lang. Syempre hindi muna. But damn, I want to do it again with you." Inayos niya ang nagulo kong buhok then he gave me a peck on the lips. Napalunok ako. Kahit naman ako gusto ko pero mali kasi. Madadagdagan na naman ang kasalan ko kay Kev at sa sarili ko. "I want to do it too." Bulong ko. Nangislap ang mga mata niya sa sinabi ko at napangiti. "Seriously?" Parang mas nagmukhang interesado siya sa akin ngayon at mas nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Come on. Kiss me." Pag-anyaya ko sa kanya. I just want him. I want him so bad. Unti-unting nilapit niya ang labi niya sa akin hanggang sa madikit na ang tungki ng ilong niya sa ilong ko. Nararamdaman ko ang pagbigat ng paghinga niya. Pinikit ko na din ang mga mata ko, waiting for his incoming kiss, but then I felt his lips on my forehead. Napadilat ako matapos niyang halikan ang noo ko. "I'm not gonna do it kapag napipilitan ka. I'm sorry if I did it with you dati. I respect you now, Ella." Tapos kinumutan niya na ang katawan namin tsaka nakayakap sa akin nang mahiga siya. "Good night." He said after. Natuwa ako na nalungkot sa sinabi niya at the same time. Natuwa kasi may respeto na siya at napipigilan niya na ang sarili niya, nalungkot kasi gustong-gusto ko siyang angkinin ako. Nakangiti siya ngayong nakatingin sa akin. "Good night." I say after and closed my eyes. "I love you." I heard his whisper and then I fell asleep hugging him too. The next morning we prepare for our date. Pinauna muna naming makaaalis ang ibang staff kasi mamamasyal daw sila at manonood lang daw ng sine sa mall. Si Bella naman ay nagpa-iwan dito kaya mas maingat kami ni Doyle ngayon. Alam kong naghihinala na siya sa mga galaw namin, isang pagkakamali lang namin, kompirmado na 'yon sa kanya na may relasyon kami. Si Andrea naman ay nandito din kasama si Colby, ewan ko ba kung anong meron sa kanila pero parang may something. Hindi naman sila magkasintahan pero alam ko sa asaran at tuwing magkasama sila, may pagtingin sila sa isa't-isa. Nauna si Doyle na pumunta sa parking lot habang ako ay hinihintay ang ilang minuto para hindi kami halata na sabay umalis. "Ma'am Ella si Sir Doyle ba nakaalis na?" Tanong sa akin ni Colby. Nandito kasi kami sa patio, nakatambay lang at nagpapalipas ng oras. Nakabihis at nakaligo na din ako, ready to go na at hinihintay na lang ang text ni Doyle para makababa ako sa parking lot. "Oo yata, e. Bakit?" Patay-malisya kong sagot. "Si Bella kasi hinahanap siya. May ibibigay yata." Nagtinginan kami ni Andrea. Hindi ko pa alam if alam na ni Colby ang sa amin ni Doyle pero sa tingin ko hindi. Hindi din naman nakwento ni Andrea ito sa kanya at tinotoo ang sinabi na sa kanya lang pagkakaalam ang tungkol sa amin ni Doyle. "Nakaalis na 'yon, Colby. Baka may ibang sadya na pupuntahan dito sa Davao." Singit ni Andrea sa amin. Ngumiti siya sa akin. I like Andrea a lot. She's obsevative and supportive at the same time she remains silent about our forbidden relationship. "Or baka makikipag-date." Nagulat na lang kami sa biglang singit ni Bella. Nakabihis siya at naka-make up pa. She's wearing sleeveless blouse and high-waist pants. Halatang aalis yata. Tumikhim ako at napukaw ang atensyon niya sa akin. "It's none of our business." Bulong ko. Nakakapanibago, parang gusto kong manampal ng isang staff ko. Bakit ba siya interesado kay Doyle? "Yeah, I know. Pero Ma'am Ella, himala yata ngayon, hindi kayo magkasamang dalawa?" Kunot-noo niyang tanong. Nagtinginan kami ni Andrea. Si Andrea ay humalukipkip, si Colby naman ay nakatingin na sa akin hinihintay ang sagot ko. Tinignan ko muna ang phone ko checking for Doyle's text para makababa na ako sa parking lot kasi alam kong naghihintay na 'yon sa akin. "He has his own decision in life. I have mine too. Let's just focus on ourselves." I cleared. She smirked. Bitch, what's with that smirk? Can I slap your face? "I see. Kasi it seems like you two have a special bond with each other kapag magkasama kayo. You're like super close." Dagdag pa niya. Seriously? Isang salita na lang sasabihan ko na ang babaeng 'to. Magsasalita pa sana ako nang sumingit si Andrea sa amin. "Close sila kasi parehas silang head sa team na 'to, Bella. Ano bang gusto mo magkagalit silang dalawa palagi? Tsaka bakit ka ba nagtatanong about kay Sir Doyle? You're not even his girlfriend nor he's not even interested pursuing you." Tuloy-tuloy at makahulugang sabi ni Andrea. I wanna clap for what she said. Ang galing niyang magpuna kay Bella. Halatang napahiya si Bella sa mga sinabi ni Andrea. Si Colby naman ay nakanganga habang nakatitig kay Andrea, nagulat siguro sa mga sinabi nito. "Fine. You're right, Andrea. I shouldn't care. I'm going." Iwas niya na sa amin at mabilis na umalis. Nagtinginan kami tapos bigla kong naramdaman ang vibrate ng phone ko kaya mabilis ko itong tinignan. Doyle: Come down. Waiting here. Ayon ang laman ng text at mabilis na akong nagpaalam kina Andrea at tinungo ang elevator para makababa sa parking lot. Nang makarating ako ay agad kong hinanap ang sasakyan niya. Nang makita ko na ay hinintay ko muna siyang makababa para pagbuksan ako ng pinto sa front seat. Ganyan siya kadesperate na asikasuhin ako araw-araw. Nang makapasok na ako ay mabilis din siyang nakapasok at kinabit na ang seatbelt namin. "You look stunning in that dress." He compliments after buckling the seatbelt. Medyo kinilig ako sa sinabi niya pero di ko pinahalata kasi baka magkalimutan kami kung saan kami pupunta. Hindi ko pa kasi alam kung saan niya ako dadalhin. Hindi ko kabisado ang Davao, I don't know kung siya din pero alam ko maalam siya sa ways kasi event organizer siya. Siya ang mas nakakaalam ng Davao kesa sa akin. "I can't take your compliment, may kasalanan ka pa sakin." Tinaasan ko siya ng kilay at kaagad naman kumunot ang noo niya. He started to drive carefully before speaking. "Kasalanan?" "You're not saying where are we going to." Natawa naman siya sa sinabi ko at umiling habang nakatingin sa daan. Sumulyap siya saglit sa akin at nagsalita na din. "Kasalanan na pala ang hindi ko sabihin kung sa'n tayo magdedate. Hmmm." He chuckled. Napalo ko siya sa braso sa pang-aasar niya sa akin. "Aray naman!" Reklamo niya. Napalakas ko ata ang pagpalo. "Ikaw kasi, e. Sabihin mo na nga. Mas nasstress ako sayo." Umirap ako sa kanya at tumingin sa bintana. "Tss. Fine. Sa Jack's Ridge po. Heard it's nice there. May restaurant so I can took you to dinner date mamaya." Napatingin ako sa nakangiti niyang labi at kinindatan pa ako. May mga namumukpok na naman na karpentero sa puso ko at alam ko na kagagawan na naman 'to ng feelings ko kay Doyle. "So Jack's Ridge? Anong meron do'n?" I ask. First time ko lang marinig kasi 'yon. "You'll find out later. Just relax and enjoy the road trip with me." Hinawakan niya ang kamay ko na lagi niyang ginagawa kapag nasa kotse kami. Bigla ko na naman naalala ang paghihinala kanina ni Bella sa amin. Baka ngayon nababaliw na 'yon at alam niya na umalis din ako. Baka naghihinala na 'yon na magkasama kami which is totoo naman. "Doyle, si Bella kanina before I came at the parking lot, naghihinala." "Bakit daw?" Mabilis niyang tanong. Lumingat siya sa akin at bumalik din ang tingin sa daan. "Bakit daw wala ka kanina at hindi tayo magkasama. I feel like nakakahalata na siya sa atin." Dugtong ko. "I don't care. Not even interested about her opinion when she discovered about us." Walang gana niyang sabi. "Pero may connection siya kay Dad." Nahalata kong humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela at tumiim-bagang siya. "I don't care. Sabihin na kaya natin sa kanila?" "Doyle!" Saway ko. Nakakabigla kasi, e. Hindi pwedeng sabihin na namin ito kasi maraming maiipit. Hindi ko pa tapos ang trabaho ko at pinapatunayan ko pa kay dad na kaya ko. Na magiging proud siya sa kalalabasan ng trabaho naming ito. "Ella..." "Please, Doyle. I have this mission. I am engaged with Kev. Madaming maiipit at masasaktan kapag inamin natin kung ano tayo and you know it." Putol ko sa kanya. "Fine, baby." Bumuntong-hininga siya habang nakatingin pa din sa daanan. "Pigil pa. Konti pa, Doyle. Konting tiis pa." "Kelan mo ba hihiwalayan si Kev?" Bigla niyang tanong. Napatigil ako sandali. Kahit ako hindi ko din alam kung kelan ako makikipaghiwalay. Ayokong makasakit ng tao pero hindi tama na magsinungaling ako. Masasaktan at masasaktan ko din si Kev pagdating ng panahon na malaman nila ang tungkol samin. Three years and eleven months ang masasayang na panahon na ginugol sa akin ni Kev na mahalin ako. Mag-four years na kami after this mission at alam kong sayang. Sayang ang lahat na kahit ako ay manghihinayang. Parang hindi ko yata kayang gawin ang tinatanong sa akin ni Doyle. I can't hurt Kev. He's almost perfect to me. He's been very good handling at my worsts, keeping and loving me, but I can't love him the way I love Doyle. "Hindi ko pa alam." Yon na lang ang nasabi ko sa tanong niya. Natahimik kami sa buong byahe hanggang sa makaidlip ako. Medyo malayo-layo pala ang Jack's Ridge sa hotel. Tama nga siya para walang makakilala sa amin na staffs. Ginising niya ako nang makarating kami sa Jack's Ridge. Hapon na nang makarating kami dito. Pagkapasok pa lang namin ay namangha na ako sa peaceful ng place. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami papasok. Siya na din ang kumausap sa staffs doon habang ako ay kinakabisado ang lugar. Sobrang ganda dito na parang ancestral ang theme. "Come on." Nakangiti niyang hinablot ang kamay ko matapos niyang makipag-usap at nagsimula na kaming maglakad papasok. "Ang ganda naman dito." Sabi ko habang tumitingin sa paligid. "Yeah, but mas maganda ka." Napatingin ako sa kanya sa sinabi niya. Bolero ang lalaking 'to. "Ikaw talaga!" Puna ko. "Anong ako? Sayo lang ako." Banat niya pa. Napangiti na lang ako sa sinabi niya at tuluyan nang naglakad para libutin ang lugar. Magkahawak kamay lang kami na parang magkasintahan. Dito malaya kaming nakakagalaw kasi walang nakakakilala sa amin. Sana lang wala talagang makakita sa amin dito na magkasama na kakilala namin. "Tara doon." Hinila niya ako kung saan. Medyo nakakapagod din maglibot buti na lang nakaflats sandals ako kasi kung mag-heels man ako siguro pagod na ang paa ko. Nakarating kami sa kung saan man niya gusto pumunta. "There." Nakangiti niyang sabi at niyaya na ako maupo doon sa isa sa mga bench. "Ano bang meron dito." Nang marating namin ang spot ng benches ay namangha ako sa nakikita ko. "Doyle? Are you seeing what I'm seeing?" I ask in disbelief. "Yeah. That's why I want to take you here." Sagot niya habang hinihila ako paupo. Kitang-kita kasi ang lungsod ng Davao mula dito. Bird's eye view ang nakikita ko ng city ng Davao mula dito. Ang ganda at nakakawala nga ng stress sa paningin. "Baby," Tawag niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko habang ako ay nakatingin pa din sa view. "Hmm?" I ask at napatingin sa kanya. "Like what you see?" Malambing niyang tanong. "Opo." Sagot ko at ngumiti sa kanya. Nagkatitigan kami tsaka niya ako hinalikan. "Thank you for taking me here." Dagdag ko. "And thank you for being here with me." He then said at sumandal. Matapos noon ay ninamnam namin ang oras na magkasama kami habang nakatingin sa papagabi nang lungsod. Ang ganda lang pagmasdan ang city lights. Sobrang ganda samahan mo pa ng malamig na simoy ng hangin. "Come here." Tumayo siya at tumayo din ako. Mula sa likod ko ay niyakap niya ako at pinagsalikop ang mga kamay namin. Ramdam ko ang hininga niya sa batok ko at ang baba niya sa balikat ko. I even feel his heart beating so fast like mine. I want this moment forever with him. I love to be with him. "Mahal na mahal kita. I just want to let you know that ikaw lang wala nang iba. Sana ako din gano'n sayo. Sana ako lang din." Pabulong niya nang sabi habang magkahawak pa din ang kamay namin at nakayakap siya mula sa likod ko. "I love you, too. I can't afford losing you again." I whimpered. "Say it again, baby." He demands. "I'm inlove with you Vosch Doyle Brockk and I can't afford losing you again, not even this time." Ramdam ko na napangiti siya sa mga sinabi ko. "Damn! I just can't stop loving you. Mamahalin kita sa kung anong paraan na gusto mo, kahit patago man basta sakin ang atensyon mo, panalo na ako sa laban. Panalong-panalo na ako, Ella." Hinalikan niya ang leeg ko pagkatapos niyang sabihin 'yon. "Hey guys! Ang ganda dito oh!" Napukaw ang atensyon namin sa sigaw ng isang pamilyar na boses ng isang babae. Nagkatinginan kami ni Doyle. ©CharlSweetMind
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD