Chapter Eighteen

2191 Words
Chapter 18 "Anong heaven ka dyan?" Humalakhak ako at pinalo siya sa braso nang nakapasok na din siya sa kotse at inaayos ang seatbelt namin. "Sa heaven nga, baby. Ang kulit." Ngumiti pa siya at lumabas ang dimples niya. Shit. Bakit ang pogi niya sa paningin ko? Dagdag pa 'yong makukulit niyang buhok na humarap at napunta sa noo niya. Sama mo na rin ang mga mata niyang nangingislap habang nakangiti sa akin. "Heaven... you mean se-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko kasi humalakhak siya ng tawa habang pinapaandar na ang kotse palabas ng building ng hotel. "s*x, baby?" At humalakhak pa siya. Umismid na lang ako at umiling. "Bastos!" Hinampas ko ulit siya sa braso. Nahuli niya naman ang kamay ko at hinalikan ang likod non tapos hinawakan. "You wanna do it again with me? Sabihin mo lang." Nangiti siya ng maluwag at kinindatan ako tapos bumalik din ang tingin niya sa daan. "Doyle! Stop that!" "Fine. I'll stop, baby. I'm not gonna do it again, unless you permit me to do so." At humalakhak siya. Hindi ko na lang siya pinansin at nilaro-laro niya na lang ang kamay ko na hawak niya. Natahimik na lang kami sa loob habang nagdadrive siya. It's already 7:06 PM, city lights, long drive with the one you love is the best moment of my life that I dream of. Sana lagi na lang kaming ganito, masaya. Maya-maya pa ay huminto kami sa tapat ng parang coffee shop. Inalis niya muna ang mga seatbelt namin tsaka siya bumaba at pinagbuksan ako. Nang mapansin ko ang pangalan ng lugar ay natawa na lang ako sa kanya. "Heaven's Milktea?" Natatawang tanong ko sa kanya. He chuckled and held my hand, "Yes baby. Sabi ko sayo pupunta tayong heaven, e." At ngumiti siya tsaka inalalayan akong maglakad papasok sa loob. Milktea shop pala itong pinuntahan namin, tama nga siya Heaven's Milktea ang pangalan ng shop. Mukhang masasarap naman ang mga pagkain nila kasi puro sweets at dessert ang nasa menu nila sa taas. Inalalayan ako ni Doyle na maupo pagkatapos ay umupo na din siya sa tapat ko. Kami na lang ang customer sa shop. Binigyan kami ng menu ng isang waiter. "Baby ano sayo?" Tanong niya sa akin habang kunot-noong nakatingin sa menu. Nagtingin muna ako. Mukhang masarap ang cookies and cream na flavor na milktea. "Cookies and cream tapos cheese cake na lang." I said looking at the menu. Ramdam kong nakatingin din siya sa akin kaya napatingin ako sa kanya na nakangiti siyang nakatingin sa akin kaya napangiti na din ako. "'Bout you? Ano sayo?" I ask para mawala ang kilig kong nararamdaman. Ngumiti siya and held my hand, "You. Always you." Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko at napalo siya sa braso. He just smirked and kissed my hand. "Tss. Corny." Pagkasabi ko ay umiling siya at natawa. "Ikaw naman talaga kasi, e." Humalakhak pa siya. "Seryoso kasi." Nag-pout ako at hinawakan niya naman ang baba ko. "Okay. Uhmm... Wintermelon na lang tapos potato chips." Nakangiti naman ang waiter sa amin habang nililista ang orders namin. Mukhang kinikilig din sa ginagawa sa akin ni Doyle. Inulit niya ang orders namin tapos tsaka na umalis. "Is this date?" Tumikhim ako. "Just a simple date, baby. I wanna treat you, nakagawa ako ng kasalanan, e." I just smiled. Gantong-ganto ang Doyle na minahal ko dati, kapag nakakagawa siya ng kasalanan or ibang bagay na ayaw ko or labag sa relasyon namin, he'll go and treat me or date me. "Doyle, we have to be careful in this." Medyo nalungkot ang mukha niya sa sinabi ko. "I know. I took you here. Medyo malayo sa hotel." Bumuntong-hininga siya at napasandal sa upuan. This relationship has limits and I know pareho kaming masasaktan, hindi lang ako pati ang mga pamilya namin at kay Kev. Kev don't deserve me and I feel so bad about it. "Be happy, Ella. I want you to be happy with me and enjoy this moment with me." Sabi niya nang mahalata niyang nalungkot ako. "Yeah." I swallowed. "Listen, if your dad found out about this, about us, I swear, I will fight for you this time. Duwag lang ako dati kasi wala akong ipagmamalaki, but now damn Ella, I can marry you this time." Hindi na ako nakapagsalita sa mga sinabi niya kasi dumating na ang orders namin. Tahimik kaming uminom at kumain ng dessert nang mahalata kong may pangalan ang cup ng milktea niya samantalang sa akin ay ang nakalagay ay "baby" lang na word. "Bakit baby?" I ask at pinakita ko sa kanya ang nakasulat sa cup na 'baby' lang. Ang daya kasi, e. Doyle sa kanya tapos sa akin 'baby' lang. Unfair. Natawa naman siya sa pinakita ko. "Baby kita. I don't like them to know your name 'cause you're mine, baby." He sipped on his cup. Natawa na lang ako. Parang bata ito kapag naiinlove ng masyado sa akin. Natapos ang simple date namin sa milktea shop na puno ng usapan tungkol sa past memories namin together when we're college. Umuwi na din kami pagkatapos kasi baka hanapin pa kami ng staffs pero ang alam ko nasa kani-kanila nang rooms ang mga 'yon. Habang nagdadrive si Doyle ay nakatitig lang ako sa kanya. Hawak-hawak niya kasi ang kamay ko at nakatingin sa daan. Dito ko lang napansin na ang ganda ng side view niya. Perpekto ang pagkatangos ng kanyang ilong, isama mo pa ang panga niya na maganda, tapos ang labi niyang pinkish. "I wish we're like this everytime." Napasinghap ako sa sinabi niya habang nakatingin pa din sa daan. Hindi muna ako umimik at inayos ang pagkakaupo ko. "Not everytime." Malungkot kong sabi sa kanya. Napatingin siya sa akin at ngumiti ng pilit. "You're mine." Huli niyang sabi at huminto na ang kotse. Dito ko lang napansin na nasa parking lot na pala kami ng hotel. Humiwalay na ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at tinignan ang oras sa phone ko. Mukhang gabi na kasi. May nakita akong messages from unknown number bago ko tignan ang oras. It was 8:09 in the evening. Sandali lang pala kami ni Doyle doon. Hindi ko pa siya nasulit. Inalis ko na ang seatbelt ko at akmang bababa na sa kotse pero pinigilan niya ako na siya namang kinapagtaka ko. "Dito muna tayo, baby. Bitin, e." Hinila niya ako papalapit sa kanya. "Baka hinahanap na kasi tayo." I stutter. "Five minutes, please." He then said and hug me. He kissed the top of my head. Nararamdaman ko ang pagtibok ng puso niya kasi nakatapat ang mukha ko sa dibdib niya. I feel so safe in his arms. "Kahit dito lang sa kotse kasama ka, buo na ang araw ko." I heard him speak and comb my hair using his fingers. Hinawakan niya ang mukha ko at tinapat ang mukha niya sa akin tsaka nagsalita, "Can I kiss you?" He asks. Tumango ako at ngumiti. Para siyang bata na nanghihingi ng candy sa akin sa tanong niya. Bumabalik ang dating Doyle na gentleman niya. Unti-unti niyang nilapit ang labi niya sa labi ko at hinalikan ako ng may pag-iingat. Dahan-dahan hanggang sa mapahawak ako sa batok niya at siya naman ay sa ulo ko. We savore the moment, kissing and feeling the emotions between the kiss. Bumaba ang halik niya sa leeg ko habang nakapikit pa din ako at nakahawak sa leeg niya. Napapakagat na ako ng labi sa tindi ng sensasyon. Bigla naman siyang nahinto at napadilat ako agad. Nasampal niya ang noo niya at napailing. "Sorry. Damn, Ella. I'm almost carried out by that kiss." He said at napasandal ang ulo niya sa driver's seat. Nailang din ako. Kahit ako din naman nadala sa halik niya. Nakakalasing. Pero bawal muna ito, ayoko munang gawin 'yon kasi alam kong baka may ibang kahihinatnan ang lahat. "You're so mysterious, baby. What's on your thoughts?" Basag niya sa katahimikan naming dalawa. "Tara na. Baka kasi nag-aalala na sila na wala tayo." Yaya ko na lang sa kanya kasi medyo matagal na kami dito sa kotse. Tumango siya at pinatay ang makina ng kotse tsaka bumaba at pinagbuksan ako. Hindi kami magkasabay na pumasok sa elevator para hindi mahalata. Nauna lang ako ng konti tsaka siya sumunod. Nang makarating na ako sa floor ng room ko ay nakasunod siya sa akin habang naglalakad ako sa corridor. "Goodnight, baby." Gulat na alang ako nang malapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi tsaka siya ngumiti ng matamis. "Goodnight." Naiilang kong sabi. He smirked and hold my hand. Walang tao at medyo tago kami sa CCTV kaya okay lang naman. "Wala ba akong goodnight kiss?" Nilapit niya pa ang mukha niya sa akin habang pilyong nakangiti. "Okay." I kiss his cheek and felt my blush. Damn, I'm even blushing kissing him. Sobrang lakas ng epekto sa akin ni Doyle. Maluwag ang ngiti niya pagkatapos noon at tsaka na siya nagpaalam na pumasok sa elevator. Tumalikod na ako para maglakad papunta sa tapat ng room ko nang makita ko si Andrea sa gilid. Agad na bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba. Nakita niya kaya kami? Kanina pa kaya siya dito? Ano ba 'tong mga iniisip ko? Alam niya na kaya na may relasyon kami ni Doyle. I act normally na parang walang nangyari habang nagkatitigan kami sa isa't-isa. I know myself. I can defend myself. Don't act like you're nervous, Ella. Pagpupursigi ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa room ko. Nang malagpasan ko na siya ay humarang siya sa daan ko na nagtataka ang mukha. "Ma... Ma'am Ella, totoo po ba 'yong nakita ko?" Mas bumilis ang t***k ng puso ko. So nakita niya nga. Damn. This is f*****g crazy. Napalunok muna ako at patay malisyang sinagot siya, "Ang alin?" Kumibit-balikat pa ako. "Si... Si Sir Doyle po... at kayo." Putol-putol niyang sabi. Fine. I don't care at all. He's mine and I will fight for what we're doing. "Yes," Pilit akong ngumiti. "Wala ka na don. Labas ka na." Nagsimula ulit akong lagpasan siya. "Ma'am wait," Hinila niya ako sa braso at napatigil ako. "Ma'am, sorry. Matagal ko na po kayong gusto ni Sir Doyle na dalawa. Ang totoo po nyan, lagi ko po kayong pinagmamasdan at halata ko po na meron." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ma'am I'll remain silent about this. Maasahan niyo po ako sa secret niyo." Dagdag niya pa na nakangiti. She seems nice. "Well, that's good Andrea. Thanks." "Sobrang saya ko po na confirmed na may namamagitan po sa inyo. Mas bagay po kayo kesa kay Sir Kev." Dagdag pa niya. Madaldal pala itong si Andrea. "Andrea, I trust you about this. Please, h'wag na h'wag mong ipagsasabi kay Kev. I know you know him. I don't want him to get hurt." Paalala ko sa kanya. Tumango siya sa akin. "Yes, Ma'am Ella." I patted her head and walk again. Nagpaalam naman siya sa akin at kasabay noon ang pagpasok ko sa kwarto ko. Medyo nakakagaan lang ng loob kapag may isang taong sumusuporta sa tagong relasyon namin ni Doyle. Alam ko masama ito at gulat ako na may Andrea na nakasuporta sa amin. Sana lang totoo ang mga sinabi niya at pinangako niya. Mabilis na lumipas ang mga araw at ganon kami ni Doyle, patago kung kami ay nag-uusap maliban lang kung tungkol sa trabaho. We're so careful lalong lalo na kapag kaharap namin si Bella. Halata niya na din kasi minsan. Hindi kasi makapagpigil si Doyle lalo na kapag may kumakausap sa akin na client na lalaki at kung todo makatingin sa akin. He's possessive when it comes to me. Gusto niya siya lang ang pinapansin ko at kinakausap na lalaki. "Ella," Tawag niya sa akin nang mapagtanto ko na nandito nga pala siya sa room ko. "Why?" Napunta ang atensyon ko sa kanya at pinatay na ang laptop ko na kanina ko pa tinititigan kasi pinag-aaralan ko ang presentation ko sa lunes. Gabi na kasi at katatapos lang ng trabaho namin at ito ako ngayon inaaral ang presentation para sa Monday. "Kanina ka pa dyan. Don't stress yourself. Tomorrow is Saturday. You have time to review that." Naupo ako sa kama at siya din ay tumabi sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin. "I just can't get off my attention on that f*****g presentation." Napamura na ako at umiling. Medyo mahirap kasing ipaliwanag ang reports bukas kasi may loss sa investments ng company. Iniisip ko kung paano sila macoconvince. "Tsk." He hissed. "You're stressing yourself." Inipit niya ang nahulog kong buhok sa mukha sa tenga ko. "Tomorrow is Saturday, what if let's have a date? Para naman hindi ka mastress." Napatingin ako agad sa sinabi niya. Mukhang nagliwanag ang mukha niya nang mapatingin ako sa kanya. "Saan naman? Baka makita nila tayo, alam mo naman ang mga yan kapag weekends namamasyal dito sa Davao." "We'll be careful. Ako na ang bahala. Deal?" Malawak ang ngiti niya sa akin. "Fine." "I'll sleep here. Would you mind?" He asks while smiling playfully. "Tulog lang ha." Umirap ako at hinila niya ako pahiga. ©CharlSweetMind
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD