Chapter Seventeen

2437 Words
Chapter 17 Tumagal ang halik namin at naihiwalay din naman agad nang pareho na kaming naghahabol ng hininga sa isa't-isa. Napangiti ako pati na din siya at hinaplos ang mukha ko. Hinawakan ko naman ang kamay niya na nakahaplos sa mukha ko. "I missed your lips." He then said and kiss my forehead. Humalukipkip ako at pinakiramdaman ang t***k ng puso ko. "Let's go. Baka mahuli pa tayo." Pag-iiba ko ng usapan at mabilis niya namang binitawan ang mukha ko at humawak na ulit sa manibela. "I swear if we have more time, I'll kiss you more." He chuckled and started to drive. Natawa na lang ako sa sinabi niya at hinawakan ang kamay niya. Magkahawak kamay kami habang nagdadrive siya. Nakatingin lang kami sa daan at tahimik, tila ninanamnam ang pangyayari na kaming dalawa lang. Sana lagi na lang kaming ganito, masaya at nagmamahalan kahit patago, pero mas gugustuhin ko ding mahalin siya ng hindi patago dahil alam ko sa sarili ko na siya lang ang nakakagawa sa akin nito, ang pasayahin ako, at ang sayang 'yon ay dinadala ako sa alapaap. Gustong-gusto kong sumigaw sa buong mundo at sabihing mahal ko siya pero hindi, alam kong may limitasyon ang lahat ng ito, ang malala pa may kapalit na kalungkutan ang lahat. Nakarating kami sa event na 15 minutes late. Okay lang naman daw sa team basta daw safe kami. Nag-alala pa nga daw sila baka kung ano nang nangyari sa amin. Ang hindi nila alam na may halikan pang naganap sa amin kanina. As usual tasks pa din ang ginagawa ko, presentation of business expansion and business innovation ng iShare na company namin. Si Doyle nasa gilid lang at kapag nalilingat ako tuwing nagsasalita ako sa harap ay ngumingiti siya sa akin ng matamis which is nakakalakas ng confidence at nakakabilis ng t***k ng puso. Natapos ang presentation ko na positive naman ang resulta. Ang mga investors ay pumirma na din sa contracts. Ngayon ay nag-aayos na kami ng gamit at sobrang busy ko kasi kinakausap pa ako ng isa sa mga investor tungkol sa business. "Excuse muna, Ms. Honsani. Sagutin ko lang 'to." Paalam ni Ms. Valdez kasi nagriring ang phone niya habang kausap ko siya. Ngumiti ako at nagparaya para sagutin niya ang phone niya. "Okay po. No problem. Take your time." "Salamat." At tumayo siya sa swivel chair tsaka tumalikod at lumayo sa akin. Lumingat naman ako sa labas at nandoon si Doyle hinihintay ako. Nang makita niya na nakatalikod si Ms. Valdez ay sumenyas siya kung pwedeng pumasok, tumango naman ako kaya agad siyang pumasok sa loob. "Matagal pa?" Mahina niyang tanong nang makapasok sa loob. I shrug kasi 'di ko naman alam kung matagal pa kaming mag-uusap. Nakatingala lang akong nakatingin sa kanya kasi nakaupo pa ako at siya naman ay nakatayo. "Akin na phone mo." Aniya. "Bakit?" I stuttered. Anong gagawin niya? "Basta. Please." Pagmamakaawa niya. Kinuha ko naman ito sa bulsa ko at inabot sa kanya. Binuksan niya ito at agad ding nilahad sa akin. "Password." Tipid niyang sabi. Kinuha ko ito para ilagay ang finger print ko at mabuksan. "Thanks." He just said at tumingin sa kay Ms. Valdez na patapos na atang kumausap sa phone. "Anong gagawin mo?" Bulong kong tanong kasi pabalik na nga si Ms. Valdez dito. "Gotta go. I'll wait you outside." Pagkasabi niya ay umalis na siya sa harapan ko at lumabas dala na ang phone ko. Kung ano mang balak ni Doyle na masama sa phone ko, 'wag naman sana. I trust him. "Sorry for waiting." Nabalik ang atensyon ko kay Ms. Valdez na ngayon ay umuupo na sa swivel chair. "It's okay, Ma'am. Seems the call is important." Pagsawalang-bahala ko at ngumiti. "Well, thank you Ms. Honsani. You did very well on the presentation, the proposal is very good. Well, I guess your company and mine will work together." Masaya niyang sabi sa akin. Napangiti namab ako dito. Dad will be proud hearing this. "Thank you, Ms. Valdez. I'm sure you won't regret anything binding your team on our company. Malaki ang market share namin compared to other logistics and I'm sure mababawi niyo ang mga investments niyo in time." Sagot ko. "Yes, glad to hear Ms. Honsani. Let's call it a day." Tumayo na siya kaya napatayo na din ako. "Thank you, Ms. Valdez. A pleasure to do business with you." Nakipagkamay na ako sa kanya at nakipagbeso na din. Nagpaalam na ako pagkatapos noon at nakita ko si Doyle na nasa labas pa din ng office ni Ms. Valdez at hinihintay ako. Binalik niya naman agad sa akin ang phone ko tapos siya na din ang nagdala ng folders na hawak ko nang naglalakad na kami palabas. Ang staffs ay nasa labas na din at hinihintay siguro kami. Agad na sumalubong sa amin ni Bella at lumapit kay Doyle na siyang kinairita naman nito. "Doyle," tawag niya at pinulupot ang kamay sa braso ni Doyle. "Let's have a dinner sa restau, my treat." Nakangiti pa nitong sabi. Seriously b***h? Umiwas si Doyle at hiniwalay ang braso niya sa pagkakahawak nito kasi tinignan ko siya ng makahulugan. Si Bella naman ay sumimangot sa ginawa niya. "Ask Ella first if it's okay with her." Sagot niya dito at bumaling ang atensyon nila sa akin. "No, I mean is lahat tayo. Dinner tayo sa restua, my treat naman." Bumalik ang ngiti niya. "Okay po ba, Ma'am Ella?" Bumaling ang tingin niya sa akin. Tumingin muna ako kay Doyle at umiwas siya ng tingin sa akin. I sighed. Wala naman sigurong mawawala. "Yeah, it's okay." Pagkumpirma ko at nagsingitian sila. Si Doyle ay tumingin lang sa akin ng makahulugan asking if I'm sure about my decision. Hindi ko na lang siya pinansin at nagsalita ulit. "Uhm..." Napunta ulit ang atensyon nila sa akin. "Hindi na lang ako sasama. Sa hotel na lang ako magdi-dinner." Ngumiti ako kay Bella ng pilit. Mukhang lumiwanag naman ang reaksyon niya sa sinabi ko at si Doyle naman ay kumunot ang noo. Lumapit siya sa akin. "I'll go with you. Hindi na din ako sasama." Mabilis niyang sabi. Nakita kong nagtaka ang mukha ni Bella, ang iba naman ay mukhang nanghinayang. "Sir Doyle, Ma'am Ella, baka naman po sama na kayo as a celebration na din kasi successful ang event natin." Tess convinced. Nagkatinginan kami ni Doyle at umiwas din naman ako agad. Mahahalata kami dito sa actions niya. "Okay, I'll go," sabi ko at ngumiti na lang. Si Doyle ay ngumiti din. "Thank you. Ma'am Ella." Sabi pa ni Tess at si Bella naman ay ngumiti ng pilit sa akin. "Sama na din ako." Sabi ni Doyle nang magsasalita si Tess para tanungin siya. "Thank you," nagpasalamat si Bella kay Doyle. "Let's go." At nagsimula na siyang maglakad papunta sa van. Nagpuntahan na din kami sa sasakyan. As usual kay Doyle ako sumabay kasi 'yon naman ang gusto niya. Mga ilang minuto lang ay nandito na kami sa restaurant na gustong kainan ni Bella. Seafood restaurant pala ito. Nakapasok kami at naghanap ng kanya-kanyang upuan. "Tabi tayo." Bulong sa akin ni Doyle nang pinagmamasdan namin ang staff na umupo na sa kani-kanilang pwesto. Hindi pa ako nakakasagot ay tinawag na ni Bella si Doyle. "Doyle, sit beside me." Sabi nito na malawak ang ngiti. Nailang naman ako at iniwas ko ang tingin ko nang tumingin siya sa akin asking if pwede. "Sit beside her. 'Wag tayong pahalata." Bulong ko na lang ng pasimple. Narinig kong bumuntong-hininga siya at pumunta nga sa tabing upuan ni Bella pero hindi pa din nawawala ang tingin niya sa akin. Naupo na lang ako sa tabi ni Tasia na siyang mabait at medyo okay sa sistema ko. Isa-isa kaming binigyan ng menu at nag-order na din. Habang naghihintay ako ng orders at nagkukwentuhan sila ay hindi mawala sa titig sa akin si Doyle kahit pa kinakausap siya ni Bella. Bigla niya namang kinuha ang phone niya at parang may tinype habang nakangiti sa kwento ni Bella sa kanya. Tahimik lang ako at ayoko talagang makipagplastikan kay Bella. Ayoko lang talaga siya kasi baka maprangka ko pa. Bigla naman akong nagulat sa vibrate ng phone ko sa bulsa ko at agad na tinignan kung ano 'yon, baka kasi tumatawag na naman si daddy. Tinignan ko ito at laking gulat ko nang pangalan ni Doyle ang nakarehistro sa nagtext doon. Kaya siguro niya kinuha ang phone ko kanina para isave ang number niya dito. Doyle: I'm bored. Tabi tayo. Ayon ang laman ng text niya. Nalingat ako at tinignan siya, nakangiti lang siya sa akin habang nakikinig ng kwento nina Bella at ng ibang staffs. Nagreply naman ako agad. Ella: Behave. Pigil lang. Tinignan ko sila na nagtatawanan na sa jokes ni Tasia kasi nagkakasiyahan na din. Tinignan ko si Doyle na ngayon ay nagtatype na sa phone niya. Maya-maya ay nagvibrate ulit ang phone ko. Doyle: Balik na tayo hotel. I wanna be with you. Napangiti ako sa text niya. Halatang inip na inip na nga siya kasi pilit na lang siyang nakikinig sa kwento ni Bella. I replied again. Ella: Wait mo na lang. Nandyan na din food. Nasend ko at nakita kong kinuha niya agad ang phone niya tsaka binasa ito. Malayo kasi kami sa isa't-isa. Mga four chairs ang pagitan namin tapos sa kabilang side sila sa long table. Nagtype pa siya tapos dumating na din ang orders namin kaya kumain na ako. Hindi ko na pinansin ang bagong message niya. "Ikaw Ma'am Ella, I know may maipapayo ka kay Andrea. Broken daw po, e. Hindi po ba three years na kayo ni Sir Kev?" Nabaling ang atensyon nila sa akin in the middle of the dinner. Si Andrea isa sa mga staff ko na mukhang sawi nga sa pag-ibig. Tumikhim muna ako at pinunasan ang bibig ko bago ko sila sagutin. "Well, consistency and loyalty lang talaga para magtagal kayo sa relationship and trust." I shrugged. How ironic. Parang wala ako ng mga sinabi ko na 'yon. I'm not loyal, I'm cheating. "Oh, alam mo na Andrea. Magic words ni Ma'am Ella, consistency, loyalty, and trust." Makahulugan pang sabi ni Colby na isa sa mga tuso sa staff. Lalaki kasi siya kaya tinutuso niya sina Andrea. Nagsitawanan na lang kami. Naramdaman ko na namang nagvibrate ang phone ko. Hindi ko muna ito pinansin kasi kinausap pa ako ni Colby na katapat ko. "Naku Ma'am Ella, ang swerte siguro ni Sir Kev sa inyo kasi ang ganda niyo na, matalino pa, mabait, magaling, tapos parang nasa inyo na lahat, e." Aniya niya at parang nag-iisip pa ng magandang katangian ko. Nakita ko si Doyle sa gilid ng mata ko na tumikhim. "Excuse me, Colby. Do you admire Ella?" Makahulugang tanong ni Doyle. Natahimik ang table namin. Tinitigan ko si Doyle na ngayo'y nakatitig din sa akin. "Yes, Sir. I really admire her a lot." Ngumiti ito sa akin. "Then you should stop." Sumbat agad ni Doyle at kumuha uminom ng juice niya. Tahimik pa din kaming lahat. Doyle is acting crazy. Kailangan niyang kumalma. "Paghanga lang naman, Sir. Alam ko namang si Sir Kev na ang nagmamay-ari ng puso niya." Sagot pa ni Colby at pilit na natawa para kumalma siguro si Doyle. "I don't care. Stop admiring her." He insists. Halata sa staff ang pagkagulat sa sinabi ni Doyle pati si Colby din ay natahimik na. Agad kong kinuha ang phone ko para magtext. Gusto ko siyang pagalitan sa inaakto niya. Sila Bella kasi ay nagtataka na ang mukha. Nabasa ko muna ang mga text niya kanina. Doyle: Yes, I will. I wanna sit beside you :( Doyle: Your love advice isn't accurate on what u're doing. But I love the words. Please be consistent with me. 'Yan ang mga huling mensahe niya. Mabilis akong nagtype. Ella: What are you doing?! Stop that. Not gonna help. I hit send. Umilaw naman ang phone niya at nakita niya ito agad. Mabilis siyang nagtype. Tinapos ko na ang mga pagkain ko at uminom na din ng shake na order ko. Nagvibrate agad ang phone ko kaya binasa ko na ang text. Doyle: Sorry. Can't help myself. Ako dapat 'yong Kev doon e. Dami kasing nagkakagusto sayo. Hindi ko na lang ito pinansin. Maya-maya ay nagbalikan na din sa tawanan ang table namin. Mukhang naka-move on na sila sa tensyon kanina. Si Colby ay masaya nang nakikipag-usap. Natapos ang dinner at nakabalik din naman kami agad sa hotel rooms namin. Pagod akong sumalampak sa kama ko. Nagshower muna ako para mahimasmasan ang katawan ko. Nahiga na ako sa kama nang magvibrate na naman ang phone ko. Nakita ko ang messages ni Doyle doon kaya agad kong binuksan. Doyle: Busy? Doyle: Can I go to your room? Doyle: Why u're not replying? So busy? Doyle: Baby, Im so paranoid. Please answer my texts. Im so sorry kanina. Doyle: Damn baby. Can you go outside? I wanna see u. Ang kulit niyang magtext. Natutuwa naman ako dito at parang baliw na kasi nakangiti na ako ng maluwag habang kaharap ang phone ko. Mabilis na akong nagreply kasi baka kung ano-anong iniisip non. Ella: Coming out. Wait for me. Agad siyang nagreply. Doyle: I'll wait. Nagbihis na ako tsaka lumabas. Nang makarating ako sa labas ay walang Doyle na naghihintay. Akala ko ba nandito siya? Naglakad lang ako diretso at maya-maya ay may humila sa kamay ko mula sa likod tsaka niyakap ako. Nakatago kami mula sa CCTV ng hotel. "I missed you." Malambing niyang sabi habang yakap ako. "Doyle," at humiwalay ako kasi hindi ako makahinga sa yakap niya. "Miss mo ko agad? Kanina magkasama lang tayo, e." Pang-aasar ko at ngumiti siya tsaka umiling. "Of course, baby. You're my drug," hinalikan niya ako sa noo, "you're my life," halik sa pisngi, "you're my world." at halik ng mabilis sa labi. I blushed. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Hinawakan niya ang kamay ko tsaka pumasok kami sa elevator. "Ako 'di mo miss?" He smirked. Pinindot niya ang ground floor which is parking lot. Bakit kami pupunta sa parking lot? "Miss din." Tipid kong sabi at ngumiti siya ng matamis na parang kinikilig. Hinawakan niya lang ang kamay ko. Nakaharang ang katawan niya mula sa CCTV habang hawak ang kamay ko. Nang magbukas ang pinto ng elevator ay hawak-hawak niya lang ang kamay ko habang papunta sa kotse niya. Saan ba ako dadalhin ng lalaking 'to? Gabi na kasi, e. "Doyle, sa'n tayo?" Tanong ko na lang. Ngumiti siya at pinagbuksan ako ng pinto nang makarating kami sa kotse. "Sa heaven." Pilyo siyang ngumiti at pumasok na nga ako sa kotse. ©CharlSweetMind
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD