Chapter Eleven

2235 Words
Chapter 11 "Good morning, babe." I woke up because of small kisses roaming around my neck. Kinusot ko ang mata ko tsaka tinignan kung nasaan ako, it's Doyle's room. Shit! What happened? Tinignan ko ang ilalim ng kumot at may mga damit naman ako na maluwag pero wala akong shorts kundi diretsong underwear lang. Doyle and I made love last night. s**t! Paano na lang kung malaman ito ni Kev? Paano na lang si Kev? Anong gagawin ko? Kung bakit kasi nagpadala ako sa emosyon namin kagabi. I shrugged from the moment I realized that I have sinned. Kinusot ko ang mga mata ko at mabilis na bumangon sa kama niya. Hindi pwede ito. Hindi pwedeng malaman ng staffs na nandito ako sa room ni Doyle. Hindi pwede ang nangyayaring 'to. f**k it, Ella. Tinignan ko si Doyle na mula sa pagkakangiti niya sa akin kanina ay kumunot na ang mukha niya habang tinitignan ang mga kinikilos ko. "Where are you going, baby?" Malambing niyang boses tapos nilapitan niya ako para hawakan ang braso ko dahilan para matigil ako sa kaaayos sa sarili ko. Parang may mga kuryente namang dumaloy sa braso ko mula sa pagkakahawak niya at pagtitig niya sa akin. "Doyle, I'm sorry. This isn't happening." Yumuko ako at binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya. "I know but we made it. You and I. I know you love me, so please, please. Kuntento na ako sa ganitong set up." Bakas sa boses niya ang pagmamakaawa. Inangat niya ang mukha ko pero agad ko ding iniwas yon dahil yumuko ako. Alam ko sa sarili ko na mali 'to. Maling-mali Ella. Pero alam ko sa sarili ko na naging masaya ako, alam ko na parang sumisigla ako kapag kasama ko si Doyle pero hindi dapat. Damn. Why it feels good doing bad? "No, I'm sorry. Nadala lang ako. Sorry." Umalis na ako agad sa harap niya. It's already 6:47 in the morning kaya medyo maaga pa and thank God pagkalabas ko ay tahimik sa corridor. Siguro hindi pa sila nagigising. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa room ko habang nakayuko dahil alam kong makikita at makikilala ako sa CCTV ng hotel at agad na malalaman 'yon ni dad. Habang tinatahak ko ang daan papunta sa room ko ay nakita ko ang assistant ni Doyle na si Bella which is 'yong mukhang super model. Bigla na lang akong nagtago sa isang sulok dahil lumabas siya sa room niya at bumaba habang may kausap sa phone at nakangiti. Alam kong kapag nakita ako noon ay tatanungin niya ako kung saan ako galing dahil sa ganitong hitsura ko ngayon. Nang mawala siya sa paligid ay mabilis kong nilakad-takbo ang room ko habang nakayuko pa din, thank God hindi ko nailock ang room ko at mabilis akong nakapasok sa loob. "s**t! s**t! s**t!" Hinarap ko ang salamin habang nagmumura. What have you done, Ella? Mukhang pinapaasa mo si Doyle sa mga pangyayri. Alam kong aasa 'yon dahil ako ang nag-insist kagabi na halikan niya ako, and then he kissed me and then fuck... I have sinned again. Pang-ilang beses na ba 'to? Bakit hindi ko mapigilan ang sarili ko? Why am I doing this? Mahal ko si Kev, siya lang, pero alam ko din sa sarili ko na mahal ko din si Doyle. Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Kung bakit kasi si dad pinagsama pa kami sa trabahong 'to. Nag-ayos na lang ako ng sarili ko at nagpunta na sa baba para kumain ng almusal. I have a lot of pending works to be done urgently kaya ayokong nadidistract sa mga galaw at kilos ni Doyle. "Good morning, Ma'am Ella." Bati sa akin ni ate Linda na siyang nagpeprepare ng mga almusal sa mesa nang makababa ako mula sa taas. Siya ang head chef at tinuring na din naming nanay ng team ko. "Morning." Walang gana kong sagot tsaka naupo ako sa isa sa mga upuan. Ako pa lang ang nasa hapag, mukha pa kasing maaga at nagsisiligo na siguro sila sa mga rooms nila. "Ano pong gusto niyo Ma'am? Mukhang puyat po kayo. Madami po bang tinapos, Ma'am El?" Puna niya sa akin habang nilalapag ang french toast sa mesa na galing sa oven. Oh, yes. Definitely puyat sa ginawa namin ni Doyle na extra-curricular activity kagabi. Naiinis ako kasi imbes na matapos ko ang trabaho ko para maaga na kaming makauwi at hindi na umabot ng two months ito ay parang maeextend pa yata. Wala naman akong nagiging problema sa mga teammates ko, in fact very professional nga sila sa trabaho, tinatapos nila agad ang lahat ng inuutos ko. Meron lang talagang isang makulit, ang event organizer namin na kilala niyo na kung sino, kaya siguro binigyan ng assistant ni dad. "Uhm... French toast and white coffee for me, ate Linda." Sagot ko habang kinuha ang phone ko sa bulsa ng pants ko. "Okay, Ma'am." Sang-ayon ni ate Linda at binigyan naman ako ng french toast at white coffee. I checked my phone while eating my breakfast, puro messages galing sa team ang laman, pati ang tatapusing trabaho ay naka-note sa phone ko. Napairap na lang ako nang mapagtantong ang dami ko pang tatapusing trabaho and it's not easy. Naiinis ako kay dad, kung talagang gusto niya akong ikasal kay Kev bakit ako bibigyan ng ganitong kahihirap na trabaho? I checked my chatbox for Kev, there is no messages only saying blocked kami sa isa't-isa. I don't know how dad do it but it sucks! What if may mag-cheat sa amin? Oh no, nangyayari na nga sa akin. I hope Kev won't cheat on me, I trust him. He loves me so much to think na nagiguilty ako kasi may nangyayari sa amin ni Doyle. I hate myself for this. Naibaba ko ang phone ko nang nagsidatingan na sa mesa ang team ko dahil kakain na sila ng almusal. Isa-isa silang naupo at nag-uusap usap tungkol sa trabaho namin na gagawin ngayong araw. Sabay-sabay din nila akong binati kanina at nag-sorry dahil na-late sila sa almusal, pagod daw kasi sa trabaho kahapon kaya na-late ng gising. Okay lang naman sa akin 'yon basta gagawin nila ang trabaho nila kinabukasan. "Good morning everyone!" Napukaw ang atensyon namin sa malaking boses ni Doyle pababa mula sa guestrooms ng hotel. Agad uminit ang pisngi ko nang mahuli niya akong nakatitig sa kanya. He's wearing his usual polo shirt in gray stipes and black jeans. He is so damn hot. Gusto ko siyang hawakan at halikan habang batiin pabalik pero mali ito, alam ng staffs na engage ako kay Kev at kaibigan ko lang o katrabaho si Doyle. They know that I'm doing this job for the sake of my marriage. Dad informed them about it. Kaya matang-mata nila ang bawat kilos ko and I know dad warned them once na may magawa akong mali, they will report me to him. I know dad, he's going to destroy everything who ruins his plan. He's destructive. Binati din siya pabalik at agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya nang hinihintay niya siguro ang bati ko. The hell I care about him. Gusto ko siyang mawala sa paningin ko habang maaga pa, habang maaga pa at hindi pa malala ang pagkalito ko sa nararamdaman ko. Nagsikain na kaming lahat sa table. Busy sila sa kwentuhan at asaran. Si Doyle ay katabi ko kasi ito na lang ang bakanteng upuan kanina. Nahihiya yata silang tabihan ako at si Doyle lang ang may lakas ng loob para tabihan ako. Well, I don't f*****g care, Doyle. "Bakit 'yan lang ang kinakain mo? You should eat more." Malambing niyang bulong sa tabi ko. Hindi ko lang siya pinansin at kunwaring hindi ko narinig. "This. Egg good for your health. You should eat more, baby." At nilagyan niya ng sunny side up egg ang plato ko. Naglagay din siya ng fresh milk sa baso at nilagay niya sa tapat ko. Bigla ko na namang naalala ang kahapon. Ganitong-ganito kami dati noong kami pa. Siya na tagahain ng almusal ko kapag papasok ako sa school. Maalaga si Doyle at alam kong nasa sistema niya na ito noon pa man. "Stop it." Pagpigil ko sa kanya nang kumuha siya ng loaf bread at nilalagyan niya ng cheese spread tapos nilagay niya ulit sa plato ko. "Ella, eat. I don't want you to starve later. Malayo ang byahe sa event. You should eat more." Malambing at pabulong niya pa ding sabi. "I don't want it. I don't care if I starve." "I care." He insists and then kinuha niya ang tinidor tsaka sinusubo sa akin ang egg mula sa plato ko. Tinignan ko ang kilos ng staffs, they are all busy with their chitchats, laughing and talking. Ayokong mahalata nila na may namamagitan sa amin ni Doyle. Ayokong magsumbong ang isa sa kanila. "Stop it, Doyle." At kinuha ko ang tinidor na may itlog tsaka sinubo ko. Mahirap na baka makita kami. Nakita ko si Bella na nakatingin sa aming dalawa and I know she's watching us. Pilit akong ngumiti para mawala ang namumuong paghihinala niya sa mukha. I know Bella, you are a b***h. I can sense it in your blood. "That's good. Seeing you eating suits me good. Eat it all, baby." Malambing pa ring boses ni Doyle ang bumulong sa tenga ko. Lumalakas ang pintig ng puso ko at nagsisitayuan ang balahibo ko sa kanya. It's so bad feeling this. Dapat kay Kev ko lang nararamdaman 'to hindi sa kanya. Hindi kahit kanino, kay Kev lang dapat. Inubos ko na ang nasa plato ko siya ding natapos na ang almusal namin. 7:30 kami nakaalis ng hotel at dahil malayo-layo pa daw ang byahe ay hinanda na namin ang lahat ng gagamitin for the event. "Ma'am doon daw po kayo sa sasakyan ni Sir Doyle." Ani Tasia na siyang isa sa mga staffs. "No, I'm okay here." I'm gonna die when I'm with that man. I can't stay beside him. "Ma'am utos po ni Sir." Pagpupumilit ni Tasia. Nanliit ang mga mata ko sa kanya dahil sa inasta niya at napayuko naman siya agad. Naguilty naman ako agad sa inakto ko. Bakit ba ang sungit ko ngayong araw? Iritable lang siguro ako. "What's big deal, Ella?" Asar ni Doyle sa akin mula sa kabilang sasakyan. Kumukulo na talaga ang dugo ko sa lalaking ito. Nakakasira siya ng araw. Sirang-sira na ako. Inirapan ko siya at sinagot na lang. "Nothing!" Tsaka nagtungo ako sa sasakyan niya. Nagtaka ako nang walang tao sa backseat kasi puno ng gamit. Ang tanging bakante ay ang front seat katabi niya. Don't tell me sa front seat ako? f**k. "Here." At binuksan niya nga ang pintuan ng front seat habang nakangiti sa akin ng matamis. I swear namumuo na naman ang mabilis na t***k ng puso ko sa magagandang ngiti niya. I am distracted by his looks. Mapupungay at mahahaba ang pilik-mata niya, ang kanyang kilay ay makakapal at may kurba din, ang kanyang matangos na ilong ay sumasabay kapag ngumingiti siya ng ganyan, dagdagan pa ng mga labing pinkish at ang mapang-akit niyang ngipin na mapuputi. I know Doyle's look is better than Kev. Aaminin ko man na mas may dating ang hitsura ni Doyle. Si Kev kasi pogi din pero mas pogi si Doyle para sa akin. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Wala akong magagawa dahil kapag sa sasakyan ako ng staffs ay maiingay din ang mga 'yon at hindi ako makakatulog. Gusto ko kasing matulog dahil pakiramdam ko ay pagod ako kagabi pa. Pumasok na din siya sa loob at ini-start na ang sasakyan. Nauna namang umalis ang staffs at nagpaalam sa amin. Sinindi niya ang stereo pati ang maps ng sasakyan at route ng paggaganapan ng event. This is how I hate field works, mainit na nga sa daan, may possibility pa na maligaw kami. I hate it. I hate dad's task. "Tired?" Simula niyang tanong habang nasa byahe kami. Inirapan ko lang siya habang nakatingin lang siya sa kalsada at nagdadrive. "You tired?" Ulit niya pa. Ngumuso siya dahil hindi pa din ako umiimik. Ayokong magsalita dahil ayokong maulit ang nangyari sa aming bawal kagabi lalo na ngayon at dadalawa na naman kami dito. "Baby, if you're not gonna answer me I'll kiss you." Banta niya. Bumaling ang tingin ko sa kanya tsaka nanliit ang mga mata ko. "Damn, Doyle. Stop acting like nothing happened between us." Nag-igting ang mga panga niya at umiling. "I don't care, Ella. I know what I'm doing." "You know what you're doing. You're doing evil. Sinasaktan mo lang si Sara dito. Sinasaktan mo lang siya!" Singhal ko at napasandal sa upuan. Fuck it. Gusto kong sumigaw ng masasamang words sa kanya pero hindi ko kaya. "Your seatbelt. You forgot to fasten it." Mahinahon niyang sabi at di pinansin ang sinabi ko. "f**k Ella!" At hininto niya ang sasakyan kaya napaigtad ako sa gulat. "Kahit kailan hindi ka talaga nag-iingat. Don't be so careless, Ella." At kinuha niya ang seatbelt tsaka kinabit sa akin. Halata mo sa mga mata niya ang pangamba. Alam kong maalala siya pero siguro naalala niya lang ang nangyari sa amin dati noong college days, noong kami pa. "Everytime you act careless I feel myself so useless, Ella. Useless because I can't protect you when I'm not with you, that's why I'm here. I am here to protect you because if you're gone, I'll lose myself too."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD